Chapter 32

1.1K 9 0
                                    

Leila's POV


Ako na ang umorder ng pagkain nila dahil busy sila sa pinag-uusapan nila tungkol sa asong alaga ni Nathan. Hindi ko nalang sila inintindi at kinuha ang phone kong naka-silent sa bag ko.


"Oh, god......" 25 missed call from Kuya. 25!! 15 from Vanessa. 15 from Kris at sila Drake pa. Ang dami ding message. Lagot na talaga ako nito. Kinakabahan ako!


"What's wrong?"


"Hinahanap na nila tayo." Nagpa-panic na sabi ko kay Drew na kaswal lang akong tiningnan bago muling kinain ang cotton candy na ibinili sa kaniya ni Nathan. Parang hindi nagbigay ng kaba sa kaniya ang sinabi ko!


"Who's finding you?"


"My brother?" Sarkastiko kong tanong na ikinatahimik niya agad na parang may nasabi akong dapat hindi ko sinabi. Gusto ko pa sanang mag-sorry pero hindi na siguro. "Okay ka lang?" Hindi kasi siya bigla makatingin sa akin.


"Uh no. Don't mind me." Binigyan niya lang ako ng natural na ngiti bago muling kinausap si Drew.


"Kuya Nathan, remember what I have told you yesterday? They have my favorite book here!"


"Really? Puntahan natin mamaya?" Tanong ni Nathan na ikinatango naman agad ng kapatid ko na parang nagkaintindihan talaga sila.


"Yesterday......." Sabay silang napatingin sa akin nang sabihin ko yun. "So, kahapon pa kayo magkausap or matagal na talaga kayong nag-uusap?"


"W-what are you saying?" Tanong ni Nathan at nag-iwas na naman ng tingin. Kilalang-kilala ko na 'to kapag nagsisinungaling e.


"You planned this?"


"No.....,"


"S-sorry.,"


Nagkatinginan agad si Nathan at si Drew dahil sa isinagot nila sa akin. Mukhang hindi na-practice ni Nathan ang kapatid ko dahil nag-sorry agad. Pfft


"Tss. Halika na, Drew. Kailangan na natin umuwi." Seryoso kong kunwaring sabi at kinuha na ang braso ng kapatid ko kaso biglang pumigil doon si Nathan kaya naibalik sa kaniya ang paningin ko.


"Ihahatid ko na kayo."


"You're confusing me, Nathan." Nakakunot na noo na sabi ko. Ito na naman ako. Ayoko na namang magtanong. Natatakot na naman ako sa magiging sagot niya sa akin. Kelan ko ba magagawang magtanong? "Please, don't do this. I'm begging you. Kung kailangan ko lumuhod, gagawin ko. Layuan mo lang ako."


Hindi ko na alam kung anong nangyari matapos yun dahil nanahimik na rin si Drew nang makasakay kami sa sasakyan. Kahit hindi ko sabihin, meron pa rin talagang epekto si Nathan sa akin.


Kahit ayoko, bumabalik pa rin.


Parang every time na nakikita ko siya, sa kaniya na naman ako nababaliw. Back to zero. Lahat ng sinimulan ko, wala na naman.


"I'm sorry." Napunta kay Drew ang atensyon ko nang sabihin niya yun. Since traffic din naman dahil sa ulan, tumingin na talaga ako sa kaniya. "It's just that, I wanted you to be happy."


Napakunot agad ang noo ko sa sinabi niya. "I am happy, Drew. What are you saying?"


"Yeah. I can see that. But not when you're with him."


Love's Essential Lesson (The Four Campus Heartthrobs Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon