Leila's POV
"Leila, pwede patingin ako nung list for groupings?" Tanong ni Kyle sa akin kaya inabot ko sa kaniya 'yung list na ibinigay ng isa naming prof. Sa kaniya naman talaga 'yun since siya ang class rep. "Okay naman na siguro 'tong hatian, noh? I mean, wala naman sigurong problema sa iba."
"Yeah. Need nalang natin malaman kung sino ang leader per group para makapagsimula doon sa activity." Kinuha niya naman ang ballpen niya at nagtanong na per group. Since magkagrupo kaming dalawa, siya nalang daw magle-leader at ako ang assistant. Wala namang problema sakin 'yun kaya pumayag na ako. Pinag-usapan lang namin 'yung plans for the activity after class.
"Una na ako, Leila." Paalam ni Vanessa na ikinatango ko. Kumaway pa ako sa kaniya ng bahagya bago siya pinanood na umalis. Kahapon ay umuwi na siya agad sa apartment niya dahil natulog nga siya sa bahay nung isang araw. Ang saya ng gabing 'yun. Puro lang kami tawanan kasi tinapos namin 'yung tatlong movie ng how to train your dragon. Halos kabisado ko na ang movie na 'yun pero every time na napapanood ko, humahanga pa rin talaga ako.
"Mauna na rin ako." Paalam ko sa kanila nang damputin ko na ang bag ko. Nagpropose palang naman kami ng possible topics. Once kasi na may topic na, mabilis nalang magagawa 'yung papel.
Dumaan muna ako sa locker ko para ilagay ang ilang libro ko. Mabigat na rin ang bag ko kaya kinailangan kong bawasan. Hindi na naman sasabay sa akin si Kuya ngayon dahil maaga siya umuwi. Ang dami niya daw gagawin. Minsan naaawa na rin talaga ako sa kapatid ko, eh.
"Leila, diba?" Napatingin agad ako kay Stephen na mukhang galing din ng locker kagaya ko. Hawak-hawak niya ang libro niya sa isang subject nila. Nakakagulat. Hindi ko siya inaasahan dito. "Hello, nakalimutan ko magpakilala sayo."
"Kilala na kita." Diretsong sabi ko na ikinaangat ng labi niya. Nagulat ata na alam ko 'yun.
"Medyo expected ko naman na 'yun pero nagulat pa rin ako. Anyway, uuwi ka na?"
"Oo. May problema ba?" Nag-aalangan na tanong ko dahil hindi naman kami nag-uusap ng ganito. Tsaka kagaya nga ng sinabi ko kanina, introvert kasi ako. Hindi talaga ako pala-kaibigan.
"Papagalitan ba ako ni Ian kung sasabay ako sayo papuntang main gate?"
"Bakit ka naman papagalitan ni Kuya?" Nagtatakang tanong ko. Napakamot naman siya sa batok niya at bahagyang natawa. "Takot ka kay Kuya?"
"Oo, kaya. Tss. Nakakatakot kasi kapag nagagalit siya. Pero, hoy. Kaya ko 'yun, noh."
"Okay." Natatawa kong sabi at nauna ng maglakad. Sumabay naman siya sa akin agad nang may marinig na hampas sa locker. Siguradong hangin 'yun. Medyo malakas kasi ang hangin tapos wala pa masiyadong estudyante dito.
"Alam mo, natatakot talaga ako dito sa locker. Kaya sobrang thankful ko nung nakita kita, eh. Akala ko ako lang ang tao, jusko."
"Bakit ka naman matatakot? Open area ang locker. May guard pa doon sa gilid." Turo ko sa hindi kalayuang post nung guard.
"Hindi mo ba alam? May multo kaya diyan sa locker tsaka sa library."
"Sa library? Parang wala naman." Nakangiwing sabi ko pero napatigil din agad sa paglalakad nang humarang pa siya sa daraanan ko. Nakataas pa ang kilay. Halatang aawayin ako.
"Ikaw, kababae mong tao, hindi ka takot?"
"Eh, hindi naman kasi totoo ang ganon. Ikaw...." Taas-kilay din na sabi ko na bahagya niya pang ikinaatras. "Kalalaki mong tao, takot ka sa multo?"
BINABASA MO ANG
Love's Essential Lesson (The Four Campus Heartthrobs Series #2)
Teen FictionMaria Leila Ramirez, a mechanical engineering student studying at Bent University. She has the mind and the beauty that everyone wants to have. But destiny played. She met the Four Campus Heartthrobs, and fell in love with Nathan Aciel, a guy who's...