[Ang Simula]
NAPATIGIL ako sa paglalakad nang may magsalita mula sa likuran ko. "Yvonne! Thanks for being with us. Where would you go na?" Napalingon ako kay Jane na syang nagtanong, kaibigan ko.
O kaibigan ko nga ba?
"Kayo?" Imbis na sagot ay tanong din ang binigay ko sa kanila, nagkatinginan si Jane at Mary na kasama rin namin ngayon.
Nandito kami ngayon sa isang mall, sa tingin ko ay four o'clock na ng hapon at paparating na ang sunset. Sabay silang naglalakad at nauuna ako dahil ang bagal nila, hindi ko nga alam kung bakit ako sumama sa dalawang 'to.
Tinext lang ako ni Jane na magkita kami sa mall of asia, ako naman 'tong mag-isa at naghahanap ng makakausap ay sumama. Ang akala ko naman ay mapupunan ang pag-iisa na nararamdaman ko sa loob ng bahay namin pero hindi naman pala, parang may kulang pa rin.
"Girl, uuwi na kami ng sis ko. Uuwi ka na rin?" Tanong ulit ni Jane, mas matanda sya kay Mary at magkapatid sila.
Napakurap ako ng dalawang beses at tinignan silang dalawa. Matapos nila akong yayain, makalipas lang ang ilang minuto, after kong mag-effort na pumunta dito, uuwi na agad sila?
Parang hindi naman 'yon big deal sa kanila, sinubukan ko na lang ngumiti. "Sige, uuwi na rin ako. Ingat kayo," pilit ang ngiting saad ko, iyon na naman ang pakiramdam na umasa ako tapos hindi naman pala mangyayari.
"Bye, girl!" Pamamaalam na ni Mary at nakipag-beso sa akin, maging si Jane ay ganoon din. Napatulala na lang ako hanggang sa tuluyan na silang makaalis sa aking harapan.
Ilang sandali pa ay napahinga ako ng malalim at ilinibot ang aking paningin, andami pa ring tao na patuloy sa paglalakad mula sa kaliwa't kanan. Nag-angat ako ng tingin sa kalangitan, sunset na nga. Color orange ang kalangitan, malapit nang maggabi. Kahit naman umuwi ako ng late, walang mag-aalala dahil wala namang tao sa bahay.
Nagbaba na ako ng tingin at inalis na ang ngiting pinipilit ko lang naman, naisip ko na umuwi na lang talaga. At sa oras na umuwi ako, mararamdaman ko na naman ang pamilyar na pag-iisa. Pag-iisa na palagi ko namang nararamdaman pagdating sa aking mundo.
PINASADAHAN ko ng tingin ang mansyon naming nababalot ngayon ng dilim dahil walang nakabukas na ilaw, napahinga ako ng malalim at naglakad na papasok doon. Ako lang naman ang palaging nandito sa napakalaking mansyon na ito dahil lumisan na silang lahat.
Para saan pa ang malaking tahanan kung mag-isa lang naman ang taong naninirahan dito?
Nang makapasok sa loob ay hindi na ako nag-abala pang buksan ang mga ilaw dahil nasanay na ako sa dilim at sa mismong dilim ng buhay ko. Wala si daddy para gabayan ako dahil busy sya sa trabaho, 'yong mga kapatid ko naman ay may kanya-kanya nang pamilya, at ang mommy ko naman ay matagal nang pumanaw.
Dumiretso na ako sa kwarto ko sa second floor, pagbukas ko ng ilaw ay napapikit ako dahil sa biglaang pagdating ng liwanag. Muli naman akong napadilat nang marinig ang pagtunog ng cellphone ko.
Kinuha ko na 'yon mula sa aking bulsa at tinignan kung sino ang nag-text, baka mamaya ay nag-chat na naman ang mga so called friend ko. Ngunit napatigil ako matapos makita kung kanino nagmula ang text.
From Angela:
Happy 25th birthday, Mariella! Sorry kasi malayo ako sa 'yo at hindi kita mababati ng personal :(From Angela:
Enjoy your day, keep safe always! Kapag nagkita ulit tayo, sana nakangiti ka na. Ily!
BINABASA MO ANG
Pag-ibig Serye #4: Hiwaga
Historical Fictionhiwaga // ika-apat na serye ng pag-ibig Si Mariella Yvonne ay isang binibini na kumpara sa iba ay nabubuhay sa kasalukuyang panahon. Isang babae na nagbibigay ng ngiti sa lahat ngunit kailanman ay hindi niya nagawang ibigay ang kaniyang tunay na ngi...