HIWAGA KABANATA 8

12 2 0
                                    

[Kabanata 8 - Maling Balita]

SABAY kaming naglalakad ngayon ni Leticia sa gilid ng kalsada, araw ng linggo at ayon sa kanya ay araw na ng aming pag-uwi. Napatingin ako sa malawak na garden na madadaanan namin ngayon, hindi ko mapigilang mamangha dahil sa ganda at kulay ng mga bulaklak doon.

"Liliana, iyong nakaligtaan na yata ang kasalanan mo." Napatingin ako kay Leticia nang magsalita sya, sya ang dahilan kung bakit naputol ang pag-uusap namin ni Yuan kahapon.

Bigla syang dumating at mabilis na nagpaalam kay Yuan bago ako hatakin paalis, naiwan sa sahig ang cellphone at picture ko. Tanging ang 1x1 lang ang nadala ko at malamang, sa kanya napunta ang mga naiwan ko. Mas okay na rin 'yon, kaysa naman 1x1 ang nakuha nya.

Mukhang masaya si Leticia kagabi at nagkwento sa akin ng love life nya, hindi ko 'yon masyado maintindihan dahil lumutang ang isip ko kay Yuan. Nasa kanya ang tanging bagay na nagpapaalala sa akin kung sino nga ba ako. Kailangan ko 'yong mabawi sa kanya, baka mamaya ay angkinin na nya.

"Huh? Anong kasalanan?" Naguguluhang tanong ko, ang bait-bait ko sa hacienda Enriquez tapos bigla na lang akong magkakaro'n ng kasalanan. Ano kaya 'yon?

"Sinagot mo si Doña Violeta noong nakaraang araw. Mabuti nga at hindi sya nagalit sa iyo," pag-iinform nya sa akin ng kasalanang hindi naman big deal sa akin pero sa kanila ay oo, napahinga na lang ako ng malalim at tumango.

"Kapag nalaman ni ate Maria Luisa ang iyong pagsagot, malamang ay pagagalitan ka no'n. Ngunit huwag kang mag-alala dahil hindi ko naman isusumbong ang bunso kong kapatid," saad nya at nginitian ako ng mahinahon, napangiti rin ako.

Kumpara kay Leticia ay mukhang mas strict ang panganay sa magkakapatid na si Maria Luisa pala. Calm lang talaga si Leticia, mabuti na lang at sya ang kasama ko sa pagiging kasambahay. Hindi naman sa unfair ako pero sya ang paborito ko ngayon sa family tree namin.

Pagliko namin ay nakarating na kami sa barrio Kalinaw, sabi ni Leticia ay 'yon daw ang pangalan ng barrio namin. Narealize ko na nasa isang bayan pala kami, malamang. Alangan namang nasa mars?

"Mga anak!" Sabay kaming napatingin kay inay Mia nang tawagin nya kami mula sa 'di kalayuan, mukhang hinihintay nya kami sa kanto ng kalye namin.

Napangiti ako matapos makita ang nanay-nanayan ko. Ito ang masayang part na gusto ko sa mundong 'to, may nanay ako. Naglakad si Leticia papalapit kay inay at dahil hawak nya ang kamay ko ay napasama ako, nang tuluyang mamalapit ay nag-group-hug kami.

Napangiti ako ng kaonti habang yakap si inay, kakatwang genuine ang ngiti ko ngayon. Ilang sandali pa ay bumitaw na rin kami sa matamis na yakap na iyon, hawak ngayon ni inay ang kamay namin ni Leticia.

"Kumusta kayo?" Nakangiting tanong ni inay, ang ganda naman ng ngiti nya at ang ganda rin nya.

Kahit may katandaan na sya ay makikita pa rin ang kagandahan nya, malamang ay pinag-aagawan sya noong kabataan days nya. Katamtaman lang ang kulay ni inay, morena beauty kung maitatawag.

Base sa nakikita ko ay namana ni Leticia at Maria Luisa ang skin tone ni inay at maging ang kagandahan na rin, naiiba ang skin tone ko sa kanila dahil maputi ang balat ko. Sandali, hindi kaya ampon lang nila ako?

"Aking mga anak!" Natauhan ako at napatingin kay Tay Lucio nang tawagin nya kami ni Leticia at yakapin kami. Narealize ko na maputi ang balat ni itay at singkit, hindi kaya chinese sya?

Feeling ko naman ay sa kanya ko namana ang maputi kong balat kahit hindi ako sure kung kapamilya ko ba talaga sila, intsik and pilipino pala ang dugo ng pamilya namin.

Pag-ibig Serye #4: HiwagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon