[Kabanata 27 - Nakikilala]
PAPALAPIT na ang pasko, buwan na ng disyembre at nakatulala akong naglalakad ngayon sa may kung saan. Para akong sad girl na naglalakad mag-isa sa daan.
Inutusan na naman kasi ako ni Doña Isabel na mag-deliver ng pancit sa mga umorder sa kaniya. Cinareer na talaga ni mother na gawin akong delivery girl dahil mukha naman daw akong motor.
Sa barrio Kalinaw ako dumiretso. Pinunasan ko ang pawis na namuo na ngayon sa noo ko dahil kanina pa ako naglalakad at tirik na tirik pa ang araw today. Kawawa naman ako. Wala na ngang payong, wala pang pamaypay, at wala pa ring jowa kahit na 25 years old na ako!
"Delivery po from panciteria de isabel na in-order-an n'yo. Sorry medyo late kasi hindi naman ako si fast pero it's still for you naman," nakangiting saad ko sa isang matandang babae na um-order sa panciteria ni Doña Isabel.
"Andami mo talagang alam bata ka. O'sya, salamat. Narito na ang aking bayad," saad ni lola at inabot sa akin ang salapi, mahina na ang pandinig n'ya kaya siguro hindi na niya inintindi pa ang pinagsasasabi ko.
Nginitian ko sya ng sobrang lawak na ikinapikit na ng mata ko bago maglakad paalis. Ang boring talaga ng buhay ko. Gigising, kakain, magtatrabaho, magiging delivery boy sa panciteria, matutulog, at aasa sa mga pinagsasasabi ni Yuan.
'Yon na naman ang kakaibang feeling sa puso ko matapos ko syang maalala. Ano ba kasi ang mayroon sa lalaking 'yon at pinagwawala n'ya ang buong sistema ko? Gwapo lang naman sya, masungit, paasa, at crush ko.
Pero hanggang crush lang naman dahil engage na sya sa ibang babae. Ang tindi ko pumili, 'no? Magkaka-crush na nga lang, do'n pa sa lalaking nakatakda nang ikasal sa iba.
Ewan ko sa kaniya! "Liling?" Napatigil ako sa paglalakad nang may tumawag sa fake name ko, nilingon ko si Luisa na syang tumawag sa akin.
Umbok na ang tiyan n'ya pero hindi pa naman ganoong kalaki. Sana kamukha ko ang anak niya para maganda. "Bakit? Bakit ka nandito sa labas? Ang init kaya," saad ko, hinawakan n'ya ang kamay ko at pinunta kami sa lilim ng puno.
"Nais ko ng mangga. Pumunta na si Alvino ngayon sa pamilihan ngunit kay tagal n'ya kaya naisipan kong hintayin sya rito," pag-iinform n'ya sa akin, hinihintay n'ya pala ang asawa niya.
Napatingin ako sa mahabang upuan na gawa sa kahoy, iginayak ko sya paupo roon. "Ate? Anong pakiramdam ng may asawa?" Wala sa sariling tanong ko, hindi ko kasi ma-imagine ang sarili kong may asawa.
Napangiti si Luisa. "Masaya... Lalo na kung pareho kayo ng nararamdaman sa isa't isa," nakangiting sagot ni Luisa sa katanungan ko.
Napatango ako kahit hindi sya gets dahil hindi ko naman alam ang nararamdaman niya ngayon. "Bakit? Iniisip mo na ba ngayon ang inyong kasal ni Agustin?" Hirit ni Luisa na ikinagulat ko, kinilabutan na naman tuloy ako dahil pinaalala n'ya ang syota ni Liliana.
Sinubukan ko na lang ngumiti kahit na sobrang awkward sa pakiramdam. "Uh, ate Luisa? Puwede mo ba akong bigyan ng adva—payo sa kung paano ko mapipili ang tamang tao?" Pag-iiba ko ng usapan, ang weird talaga sa pakiramdam na pag-usapan ang pag-ibig pero interesado rin akong malaman 'yon.
Napahinga ng malalim si Luisa at nginitian ako. "Piliin at ibigin mo ang isang taong kaya kang pasayahin sa kabila ng mundong patuloy na sinusubok ang iyong katatagan. Iyon lamang, Liling. Basta't kayong dalawa'y sasaya ang mundong mapait," nakangiting sagot ni Luisa na muling ikinakabog ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig Serye #4: Hiwaga
Historical Fictionhiwaga // ika-apat na serye ng pag-ibig Si Mariella Yvonne ay isang binibini na kumpara sa iba ay nabubuhay sa kasalukuyang panahon. Isang babae na nagbibigay ng ngiti sa lahat ngunit kailanman ay hindi niya nagawang ibigay ang kaniyang tunay na ngi...