[Kabanata 5 - Sayang]
UMIHIP ang sariwang hangin, hindi ko alam ngunit bigla na lang gumuhit ang ngiti sa aking labi dahil sa katotohanang kanina nya pa ako tinititigan. Natawa na lang ako sa aking sarili dahil baka iniisip nyang nababaliw na talaga ako.
Sa kanya, char!
"Liling!" Napatigil ako matapos marinig na may tumawag sa akin sa so called nickname ko na 'Liling', sinundan ko ng tingin si Leticia na syang tumawag sa akin hanggang sa tuluyan syang makalapit.
"Bakit?" Tanong ko, napatayo ako mula sa pagkakaupo nang hawakan nya ang aking kamay at itayo sa upuang gawa sa kahoy.
"Bakit?" Pag-uulit ko at sa pagkakataong ito ay naguguluhan na ako, ang ganda-ganda ng pagkakaupo ko sa bench tapos bigla nya akong hahatakin?
Napatingin ako sa kamay ko nang ipahawak nya roon ang isang malaking basket, sinilip ko ang laman no'n. "Mga damit? Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko na naman, napatingin na ako sa kanya dahil ang tagal nyang sumagot.
"Maglalaba tayo ngayon," sa wakas ay sagot nya, nagtaka ako.
"kaninong damit ang lalabhan natin? Pati bakit tayo ang maglalaba?" Nakasimangot na tanong ko. Wow talaga! Para saan pa ang kamay nila kung hindi rin nila gagamitin? Mga tamad!
"Kanino pa ba? Edi sa mga Enriquez. Iyong nakaligtaan na rin ba ang trabaho nating ito?" Tanong ni Leticia at napapamewang na, mukhang malapit na nya akong sabunutan ngayon dahil andami kong hindi alam.
Gusto ko sanang isigaw na hindi ako si Liliana at bigla na lang akong nag-time-travel sa mundong 'to pero alam ko namang hindi nila ako paniniwalaan at iisipin lang na sinasapian ako. So syempre, ano pa nga ba ang magagawa ko?
NAPATIGIL ako nang matanaw ang isang malinaw na ilog, makalipas ang ilang minuto naming paglalakad ay narating na namin ang tabing ilog na sinasabi nya. Napalakad ulit ako dahil hawak ni Leticia ang kamay ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Napanganga ako nang makita ang tulay na mukhang dadaanan namin ngayon. "Tulay ba 'to?" Wala sa sariling tanong ko kahit obvious naman na tulay ang linalakaran namin ngayon, tulay na gawa sa bato.
Hindi ko mapigilang mamangha habang ilinilibot ang aking paningin, napakaganda talaga ng atmosphere dito. Ngayon lang ulit ako nakapunta at nakatawid sa tulay dahil wala namang ganito sa Manila, iyong tulay na ang baba ay ilog tapos andaming puno sa kapaligiran. Ang refreshing lang sa pakiramdam.
Hindi na ako pinansin pa ni Leticia hanggang sa tuluyan kaming makatawid sa maigsing tulay at tumigil sa tapat ng mababaw na part ng ilog, andaming malalaking bato. Napatingin ako sa mga babaeng may mga dala ring basket at mukhang katatapos lang nilang maglaba.
Bigla ay napaupo na lang din ako sa bato at napatulala nang may mapagtanto, nag-angat ako ng tingin kay Leticia na umupo na rin sa katabi kong bato at nagsimulang maglaba.
"U-uh, ate Leticia?" Pagtawag ko sa kanya at sinubukang ngumiti, tila bigla akong pinagpawisan ngayon dahil sa katotohanang hindi naman ako marunong maglaba!
"Bakit aking kapatid?" Tugon ni Leticia nang hindi tumitingin sa akin, nagsimula na syang magkuskos ng damit ngayon. Ang sipag nya talaga at mukhang na-five-star na nya ang pagiging kasambahay.
"P-parang nakalimutan ko kung paano maglaba?" Patanong na saad ko habang pinipilit na ngumiti, kunot noo nya akong nilingon na syang ikinatigil ko. My gosh! Baka lunurin na nya ako sa sobrang gigil.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig Serye #4: Hiwaga
Historical Fictionhiwaga // ika-apat na serye ng pag-ibig Si Mariella Yvonne ay isang binibini na kumpara sa iba ay nabubuhay sa kasalukuyang panahon. Isang babae na nagbibigay ng ngiti sa lahat ngunit kailanman ay hindi niya nagawang ibigay ang kaniyang tunay na ngi...