[Kabanata 1 - Bagong Mundo]
HINDI pa rin ako makapaniwala sa nangyayari nang dumating ang dalawang babaeng nag-alala akong linapitan. "Liliana! Ano ang ginagawa mo riyan?!" Pasigaw na tanong sa akin ng isang babae at inalalayan nila akong pababa ng kalesa.
"Liling, nasaan si Tiyo Andres?" Napatingin naman ako sa isang babae nang magtanong din sya, kunot noo ko silang tinignan habang nakahawak sa aking noo. Teka lang ha, mukha ba akong tanungan dito?
"Time first guys, sandali. Nananaginip ba ako?" Naguguluhan tanong ko at tinapik ang aking pisngi, laking gulat ko nang maramdaman ko iyon!
"Liling, nababaliw ka na ba?" Tanong na naman muli nila, napakamot ako sa aking ulo at tinignan ang mga taong biglang napa-sign of the cross.
"Mga ate, pasensya na pero bakit ba ako ang tinatanong nyo? Pati I'm not Liliana, I'm Mariella Yvonne. Gets?" Tanong ko rin tuloy sa kanila, bakit ba kasi nila ako tinatawag na Liliana?
Naguguluhan nila akong tinignan at nagkatinginan silang dalawa, para silang si Mary at Jane. "Y-yubon? Ano ba ang iyong pinagsasabi aking kapatid?" Naguguluhang tanong ng babaeng mas maliit kaysa sa unang nagtanong sa akin, napatigil ako. Kapatid?
"Leticia, tayo ay lumisan na sapagkat dumarami na ang mga tao." Napatingin ako kay ateng sinigawan ako kanina, tama naman sya kasi andaming nakiki-chismis ngayon. Pero sandali lang talaga, ano ba ang nangyayari at parang nasa past life ako?
Tatanungin ko na sana sila ngunit napasigaw ako nang ako'y hatakin nila paalis sa tapat ng kalesa kung saan pinababa rin nila ako kanina, napatulala na lang muli ako habang hinahatak nila. Hindi ako makapaniwalang makakaramdam ako sa panaginip ko!
"ANAK! Anong nangyari sa iyong bata ka?!" Salubong na tanong sa akin ng isang babae na maganda at may katandaan na, sa tingin ko ay nasa edad 40 pataas na sya.
Nagtataka ko rin syang tinignan at maging ang dalawang babaeng hawak ngayon ang balikat ko. Ano raw? Anak? Kailan pa nabuhay ang namatay?
"Nay, naaksidente sila ni Tiyo Andres! Dapat talaga ay hindi na sya sumabay pa kay Tiyo upang mamili sa palengke," sumbong ni ate na sinigawan ako kanina pero sa concern namang way.
"Syang tunay, ate Luisa. Alam naman nating may problema sa pandinig ang Tiyo Andres," saad naman ng babaeng sa tingin ko ay nagngangalang Leticia, iyon ang itinawag sa kanya ng kasama nya na sa tingin ko ay si Luisa naman.
"U-uh, excuse me po Leticia and Luisa pero gusto ko na pong umuwi. Baka hinahanap na po ako ni daddy," palusot ko dahil hindi naman ako hinahanap ni daddy sa pag-uwi, malungkot na palusot pero ang importante ay makaalis na ako rito.
"Liling! Bakit hindi mo tinatawag na ate ang mga kapatid mo? At ano ba ang iyong pinagsasasabi, anak?" Tanong naman ni mother earth, muli akong napakamot sa aking ulo at napahinga ng malalim. Bakit ba galit na galit sila?
"H-huwag nyo na lang pong pansinin ang mga pinagsasasabi ko, pagod po kasi ako today tapos nabunggo pa kami ng tito ko. Pwede na po ba akong umalis at umuwi?" Nagbabakasaling tanong ko at sinubukan silang ngitian. Promise! Hindi ko sila isusumbong sa pulis after nila akong dukutin at dalhin dito.
Dahan-dahang naglaho ang ngiti ko nang seryoso nila akong tignan tatlo, ano na naman ba ang nagawa ko? "Liling, ano ba ang nangyayari sa iyo? Bakit ka pa uuwi gayong nakauwi ka na sa ating tahanan?" Kunot noong tanong ni Luisa at napatingin sa isang bahay kubo na nasa harap namin ngayon.
Napanganga ako, bakit gano'n? Ano ba ang nangyayari? Bakit bigla na lang akong nagkapamilya at napunta sa mundong 'to?
"Huwag niyo na syang pagalitan, ate at inay. Marahil ay nahihilo pa ngayon si Liliana mula sa aksidente, hindi ba?" Nakangiting sabat ni Leticia at hinawakan ang kamay ko, napatingin ako sa kanya at tila nais nyang ipahiwatig na um-oo na lang ako.
"Uh, yes?" Pilit ang ngiting sagot ko, muntik na akong maiyak dahil muli nila akong tinignan ng nagtataka habang si Leticia naman ay napasapo sa kanyang noo.
"Uh, o-oo pala. Iyon ang ibig sabihin ng yes," agad kong palusot at sinubukan muli silang ngitian, dahan-dahang nawala ang pagkakakunot ng noo ni mother earth at Luisa kaya kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag.
"Iyon naman pala, Liliana. Ngunit saan nanggaling ang mga salita mong iyan?" Nawiwirdohang tanong ni Leticia habang nakangiti pa rin ng mahinahon, mabuti pa sya at calm lang.
"English, este—Ingles. T-tama ba?" Pilit ang ngiting tanong ko at umaasang wala ng butas sa sinaad ko ngunit nalaglag ang balikat ko nang magtaka si mother earth at maging silang lahat na rin. Hindi ba nila alam 'yon?
"Ingles? Isa ba iyong bansa? Paano ka natuto niyon sa isang iglap, anak?" Nagtatakang tanong ni mother earth na kanina pa ako tinatawag na anak, na-miss ko tuloy si mommy dahil sa kanya.
"A-ano po..." Sinubukan kong dugtungan ang sinasabi ko ngunit wala na akong maisip na palusot, paano mo nga naman matututuhan ang english sa isang iglap?
"W-wala po ba 'yon sa subject n'yo—" hindi ko na natapos sabihin ang naisip kong palusot nang mapatingin kaming apat sa dalawang lalaki na sabay ngayong naglalakad papunta sa amin.
"Andres!" Nagulat ako nang sumigaw si mother earth at lumapit sa dalawang may edad na lalaki, dali-daling tumakbo ang isa nang akmang kukurutin sya ni mother earth.
"Ate! Patawad na!" Sigaw ng lalaking hinahabol ni mother earth, magkapatid pala sila. Pinigilan na rin si mother earth ng isang lalaki, umuusok ang ilong na kumawala sya sa pagkakahawak ng lalaki.
"Naku! Pasalamat ka talaga Andres at walang nangyaring masama kay Liling!" Sigaw ni mother earth sa kapatid nyang nagtatago na ngayon sa likod ng puno, naglakad na si mother papalapit sa amin at hinawakan ang kamay ko.
"Anak, masama ba ang pakiramdam mo? Sabihin mo upang mapaalam ka ng iyong kapatid kay Manang Sol," nag-aalalang tanong at saad nya sa akin, napatingin ako ng diretso sa mga mata nya.
Hindi ko alam kung bakit tila nakikita ko sa kanya si Ina, dahil sa lungkot na bigla kong naramdaman ay niyakap ko na lamang sya. Tila biglang uminit ang nilalamig kong puso matapos nya akong yakapin pabalik.
"Ang kapatid nyo talaga, Luisa at Leticia. Kahit palagi nyang sinasabi na matanda na sya at hindi na bata ay malambing pa rin naman," rinig kong saad nya, narinig ko nang matawa silang lahat. Dahan-dahan na akong kumawala sa kanya.
"I-ikaw po ba ang inay ko sa mundong 'to?" Wala sa sariling tanong ko habang hawak ang kamay nya, hindi ko alam kung panaginip ba ito gayong nararamdaman ko ang lahat ng pangyayari. Hindi ko mapigilang maisip na napunta na nga ako sa ibang mundo at sa nakaraan.
"Anak, ano bang klaseng tanong iyan? Ako lang ang iyong inay," saad nya at nginitian ako, hindi ko alam ngunit sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawa kong ngumiti na nagmula sa aking giniginaw na puso.
"At ako naman ang iyong itay Lucio. Huwag mong sabihing nakalimutan mo rin iyon, anak?" Napatingin ako sa lalaking pumigil kay ina nang sabihin nya naman iyon, hindi ako makapaniwalang may ama rin ako sa mundong 'to.
Ngumiti na lang ako at tinanggap ang kanyang yakap. Nakisali naman ang sinasabing aking ina, si Luisa at Leticia na sa aking palagay ay mga kapatid ko naman. Maging ang tiyo Andres na sinasabi nila ay nakisama sa yakap.
Napapikit ako at muling napangiti. Kung binabangungot man ako, huwag muna sana nila akong gisingin dahil tila kay saya sa aking bagong mundo na maitatawag.
********************
#Hiwaga #PagIbigSerye
BINABASA MO ANG
Pag-ibig Serye #4: Hiwaga
Historical Fictionhiwaga // ika-apat na serye ng pag-ibig Si Mariella Yvonne ay isang binibini na kumpara sa iba ay nabubuhay sa kasalukuyang panahon. Isang babae na nagbibigay ng ngiti sa lahat ngunit kailanman ay hindi niya nagawang ibigay ang kaniyang tunay na ngi...