HIWAGA KABANATA 24

11 2 0
                                    

[Kabanata 24 - Pusong Naguguluhan]

"MGA anak!" Nakangiting salubong sa amin ni inay matapos kaming makita ni Leticia, kahit papaano ay napangiti ako matapos makita sya.

Nandito sya ngayon sa labas ng bahay kubo at sinubukang tumayo pero nanghihina pa sya. Agad naman namin syang pinigilan dahil baka may mangyaring masama sa kanya, kami na lang ang nag-udjust na yakapin sya sa mahabang upuan.

"Inay, ano po ang ginagawa n'yo rito sa labas? Delikado at baka may malanghap pa kayong masamang hangin," nag-aalalang saad ni Leticia habang yakap ng mahigpit si inay, natawa naman ito.

"Nais ko pa ring salubungin ang dalawa kong anak. Nakabuburyo sa loob ng ating tahanan. Nais ko na muling magtinda sa palengke kasama ang ate Luisa n'yo," nakangiting saad ni inay, masaya ako dahil nakakangiti na sya ngayon kahit na...

"Oh? Ano't tila nanahimik bigla ang maingay na si Liling?" Tanong ni inay at hinawakan ang baba ko upang mag-angat ng tingin sa kaniya.

"Hindi ko nga alam inay, eh. Hindi lang sya natulog kagabi kasama ko at kinabukasan ay nagkaganyan na sya," saad muli ni Leticia at nag-aalala akong pinagmasdan, ang concern niya talaga palagi.

Sinubukan kong ngumiti. "Wala po 'to. Iniisip ko lang kung anong taon nga ba darating ang mga amerikano rito sa pinas," wala sa sariling saad ko, kailangan ko na silang ma-inform para kung buhay pa kami sa taong 'yon ay makapagtago na kami.

"Ano raw, Leting?" Natauhan ako nang lingunin ni inay si Leticia at nagtataka silang nagkatinginan, nagkibit balikat si Leting at nagtataka akong tinignan.

Tatanungin na sana nila ako pero sabay kaming napatinging tatlo kay Luisa na excited na naglakad papalapit sa akin. Nagtaka ako nang ako ang lapitan n'ya at hawakan ang kamay ko, napatayo tuloy ako at nagtataka syang tinignan.

"Magandang balita ba iyan?" Rinig kong tanong ni Leticia mula sa likuran, abot langit akong nginitian ni Luisa.

"Liling, nagbalik na sya!" Sigaw ni Luisa at halos tumili na, napakamot ako sa ulo ko.

"Ang pabitin mo naman, ate Luisa. Sabihin mo na!" Maging ako ay excited na ring sigaw. Natawa sya bago nanggigigil na pinisil ang kamay ko.

"Nagbalik na ang iyong sinisinta," nakangiting bulong ni Luisa bago pumunta sa likuran ko, nabibigla ko syang nilingon at maging si Leticia na napangiti at napatakip sa kanyang bibig.

"Ha? Ano? Bibingka?" Tanong ni inay, natawa si Leticia at Luisa at maging ako na rin dahil humihina na ang pandinig ni inay.

"Pero sandali, sinisinta? Ano ba 'yon? Lover?" Naguguluhang tanong ko, parang si Yuan pa lang naman ang lalaking hindi kapamilya na malapit sa akin dito pero sa ngayon ay hindi na.

Imbis na sagutin ako ay hinawakan ni Luisa ang magkabilang balikat ko at iniharap. Lilingunin ko muli sana sya pero napatingin na ako sa isang lalaking kararating lang, isang cute na lalaki.

Napatingin sya sa amin at tumigil iyon sa akin, napangiti sya at mabilis na lumapit sa direksyon kung nasaan kami. Laking gulat ko nang yakapin n'ya ako ng sobrang higpit.

Hala, anyare? "Agustin! Nagbalik ka na!" Rinig kong masayang sambit ni Leticia. Napaupo ako dahil sa sobrang higpit ng yakap n'yang hindi ko nagawang tugunan.

Napabitaw naman sya sa akin pero nakangiti pa rin sya. "Paumanhin," nakangiting paghingi n'ya ng tawad at nagulat ako nang hawakan n'ya ang kamay ko.

Pag-ibig Serye #4: HiwagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon