[Kabanata 26 - Pahiwatig]
WALANG gana kong pinupunasan ngayon ang lamesa ng panciteria. Umaga na ngunit makulilim ang kalangitan kung kaya't wala rin. Alam kong ilang saglit lang ay luluha na ang kalangitan.
"Ate Liling, ayos ka lang?" Hindi ko na nilingon pa ang nagsalita dahil alam ko namang si Anita 'yon.
Walang kagana-gana akong tumango at nagpatuloy sa pagpupunas ng lamesa. Simula ngayon, ito na lang ang nag-iisa kong trabaho kaya kailangan kong masanay sa lahat ng gawain dito.
Kagabi, sa hindi malamang dahilan, matapos kong malaman na nakatakda na palang ikasal si Yuan sa iba, bigla na lang naghari sa isip kong umalis na sa hacienda Enriquez at hindi na magtrabaho roon.
Sa ganitong desisyon, siguro ay mas madali kong makakalimutan ang namumuo kong pagtingin kay Yuan. Ang womanizer n'ya kasi masyado at maging ako ay nadawit sa patibong ng kaniyang titig.
Ang womanizer niya talaga! Mayroon na nga syang ex from Siam, mayroon pang babae na nakatakdang ikasal sa kaniya, tapos meron pang ako! Babaero!
Porket ang lakas ng appeal niya at gwapo sya, tinake advantage niya na paibigin ang iba't ibang babae tapos paaasahin lang naman. Bwisit sya. Ayoko na talaga syang makita dahil sumama ang loob ko.
Nagulat si Leticia sa biglaan kong desisyon pero hindi na n'ya ako napigilan pang umalis sa hacienda Enriquez. Desisyon ko 'to at kung tungkol naman sa pera na ibinigay n'ya para sa pamilya ko, sa kaniya pa rin ang sweldo.
Pero kung tatanggapin niya, at kung handa pa akong makita syang muli. "Nais mo ba na tulungan kita?" Natauhan ako nang kalabitin na ako ni Anita, kanina pa n'ya 'ata ako kinakausap pero dahil lutang ako ay hindi ko sya masabayan.
"Mukha bang kailangan ko ng tulong mo?" Mainit ang ulong tanong ko, hindi ko na ma-control ang sarili ko at maging si Anita ay napag-iinitan ko na.
Nagulat sya dahil sa pabalang na sagot ko kahit na nais n'ya lang naman akong tulungan, agad nagbago ang ekspresyon ng mukha ko at hinawakan ang kamay n'ya.
"Sorry-patawad pala," wala sa sariling paghingi ko ng paumanhin, napahinga naman ng malalim si Anita at bumitaw sa kamay ko.
"Naintindihan kong mainit ang ulo mo ngunit bukas na lamang kita patatawarin sapagkat masama ang loob ko sa iyo ngayon," nawala sa mood na saad ni Anita at nag-walk-out na, napatulala na lang ako.
Napapikit ako ng mariin, hindi ko talaga ma-control ang pag-iinit ng ulo ko kapag nasasaktan o malungkot ako. Hindi ko nga alam kung bakit apektado ako sa katotohanang nakalaan na pala sya para sa iba. May mga bagay na hindi ko magawang aminin kahit na sa sarili ko.
Siguro, ikukubli ko na lang ito... "Liliana hija, ito'y ihatid mo nga kay Aling Tanya sapagkat kaarawan ngayon ng aking kaibigan." Napatingin ako kay Doña Isabel nang utusan n'ya ako.
Napabuntong hininga ako bago tumango at kuhanin sa kaniya ang pancit na nakabalot na. Mabigat sa loob akong naglakad palabas ng panciteria.
Kasalanan mo 'to, Yuan Enriquez. Ipapakulam na talaga kita.
NAPATINGIN ako sa daungan na kalapit lang ng pamilihan, naglalakad ako ngayon papunta sa barrio Kalinaw nang mapadaan dito. Kahit malungkot ako ay hindi ko mapigilang mamangha dahil ito pala ang view nang daungan noong unang panahon.
Kung nagana lang ang cellphone ko, matagal na akong naging photographer dito. Ngayon, hindi na nga sya nagana, wala pa sa kamay ko dahil alam ko namang inangkin na 'yon ni Yuan.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig Serye #4: Hiwaga
Tarihi Kurguhiwaga // ika-apat na serye ng pag-ibig Si Mariella Yvonne ay isang binibini na kumpara sa iba ay nabubuhay sa kasalukuyang panahon. Isang babae na nagbibigay ng ngiti sa lahat ngunit kailanman ay hindi niya nagawang ibigay ang kaniyang tunay na ngi...