HIWAGA KABANATA 3

23 2 1
                                    

[Kabanata 3 - Puso]

NAPATIGIL ako matapos mabunggo ang isang lalaking nakaharang sa malaking gate kaya nagkabungguan kami, napalunok ako matapos makita ang mukha nyang walang emosyon. Galit ba sya?

"S-sorry," agad na paghingi ko ng tawad at sinubukan syang ngitian, nanatiling walang reaksyon ang kanyang mukha. Dahil malamang, wala syang naintindihan sa sinabi ko!

"Este-paumanhin," confident na pagbawi ko sa sinabi kong 'sorry' at tuluyan na syang nginitian.

Napagmamasdan ko ang makinis nyang mukha at dahan-dahang lumawak ang aking ngiti matapos marealize na ang gwapo nya, ang intimidating ng tingin nya pero mas lalo iyong bumabagay sa kanya.

Isang lalaking may katangkaran at kakisigan, makapal ang kilay, nakahahalina ang mga mata, matangos ang ilong, manipis ang labi, maputi ang balat na lalong kapansin-pansin sa kanya dahil nakasuot sya ngayon ng all black maliban sa suot nyang panloob na color white.

Bigla ay nagkaroon ng ekspresyon ang mukha nya at tulad ni Leticia ay nagtataka rin syang nakatingin sa akin ngayon, nang akmang lalapitan nya ako ay agad ko syang pinigilan gamit ang mga malupitan kong words.

"Hep! Sandali, wait a minute kapeng mainit. Huwag kang magpapakilala sa akin, understand? Alam ko namang darating ka sa buhay ko pero aalis din sa huli. Ganyan naman kayong mga lalaki, mga paasa!"

"Makikipagkaibigan at magbibigay motibo tapos sa huli, iiwan ka lang sa ere!" May pinaghuhugutang sigaw ko sa kanya, walang emosyon nya akong tinignan.

Ilang sandali pa ay umarte ako na naiiyak at dahan-dahang humakbang papalapit sa kanya, nang tuluyang makalapit ay kumapit ako sa makinis nyang pisngi na ikinagulat nya. Napangisi ako, ganito lang pala kadali mabago ang ekspresyon nya.

Ibinalik ko na ang aking emotional face at emosyonal syang nginitian habang nakatingin ng diretso sa mga mata nya. "I understand, babe. Marupok ako kaya I love you pa rin," pag-iinarte ko, gusto ko lang naman i-try ulit ang talent kong 'to at masasabi kong effective pa rin naman sya.

Nabibigla nya pa rin akong tinignan, napasimangot naman ako dahil sa reaksyon nya. Ang OA naman nitong mag-react. Kasabay ng pagbitaw ko sa kanyang pisngi ay ang pagdating ni Leticia na nagulat matapos makita ang lalaking kasama ko ngayon.

Nagtaka ako nang yumukod si Leticia upang magbigay galang, required ba 'yon? "Señor Yuan, maligayang pagbabalik po. Ipagpaumanhin nyo ngunit isasama ko na po ang aking kapatid sa loob upang kami ay maglinis na," magalang na pagpapaalam ni Leticia sa akin, napatigil ako. Señor? Señor namin ang lalaking 'to?

Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko ngayon, tumango na lang sya at napapalunok na nagmadaling umalis sa aming harapan. Napasapo ako sa aking noo matapos mapagtantong sya ang boss namin!

"LETI- a-ate Leticia? Pwede magtanong?" Lakas loob na tanong ko kay Leticia, lihim akong napapikit dahil nagkamali pa rin ako sa pagtawag sa kanya. Para kasing kaibigan ko lang sya na ang sarap hampasin sa braso tuwing tumatawa.

Nandito kami ngayon sa salas ni Leticia and syempre naglilinis kami, nagwawalis sya ngayon habang ako naman ay maingat na pinupunasan ang mamahalin at babasaging mga gamit dito sa salas. Wala sina Manang Sol at ibang kasambahay dahil namili sila sa palengke, kaming dalawa lang ni Leticia ang nandito kaya free na free kaming magchismisan.

Nag-angat sya ng tingin sa akin, para syang cleaners sa school at nakalagay pa ang isang kamay sa likod. "Maaari, aking kapatid. Ano ba iyon?" Tanong nya at nagpatuloy sa pagwawalis, ang kalmado nya talaga kumpara sa ate naming high blood.

Pag-ibig Serye #4: HiwagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon