HIWAGA KABANATA 25

7 2 0
                                    

[Kabanata 25 - Dahilan]

BUWAN ng disyembre, mag-isa akong naglalakad ngayon papunta sa hacienda Enriquez. Pinauna ko na si Leticia kanina papunta rito dahil parang bigla akong nalungkot matapos mabalitaan ang pagwawakas ng isang kwento ng pag-ibig.

Nawalan bigla ako ng gana at nag-emote muna saglit kahit wala naman akong kinalaman sa love story nila. Ngayon ay mabilis na akong naglakad papunta sa hacienda Enriquez dahil baka ma-late pa ako.

Iniisip ko rin ngayon si Agustin na pumunta na nga sa kabilang bayan. Base sa mga pasimpleng tanong ko kay Leticia ay baliw na baliw nga raw ako kay Agustin at kay tagal ko nang hinihintay ang kanyang pagbabalik.

Kaya pala wala syang nababanggit tungkol kay Agustin dahil si Liliana mismo ang nag-request na huwag munang banggitin si Agustin dahil nagtatampo sya sa kawalan ng oras nito sa kanya. Pareho kami ni Liliana na matampuhin.

Napansin ko rin na iisa lang kami ng ugali ni Liliana, kung hindi lang ako panay english ay hindi talaga nila mapapansin na ako si Mariella. Pati ang mukha namin, iisa. Imposible namang hindi dahil ito ngang mukhang 'to ang iniisip nilang si Maria Liliana.

Nakumpirma ko rin na may relasyon nga si Liliana at Agustin pero hindi pa nila 'yon nasasabi kay inay at itay. Si Leticia at Luisa lang ang nakakaalam pero may idea na ang mga magulang ko tungkol do'n. Hawakan ba naman bigla ang kamay ko.

Feeling ko ay botong-boto naman sila kay Agustin para kay Liliana. Kinakabahan tuloy ako kapag nagkita ulit kami ng jowa ni Liliana, baka mamaya ay halikan ako bigla kasi magkasintahan kami sa paningin n'ya at ng mga kapatid ko.

Ano ba naman kasi 'tong si Liliana, may jowa pala from somewhere out there. Ako pa tuloy ngayon ang haharap sa kaniya. Bakit nga ba kasi ako napunta sa mundong 'to at maging sya?

Ilang sandali pa ay natauhan na ako nang matanaw ang malaking gate ng hacienda Enriquez. Nang makalapit sa tarangkahan ay napatigil ako matapos makita ang lahat ng kasambahay na nasa labas, nakatunganga at walang magawa.

Napatingin ako kay Leticia na lumapit sa akin at binuksan ang gate para sa akin. "Anyari?" Nagtatakang tanong ko at tinignan ang mga kasambahay na nakaupo sa bato at damuhan.

Muli nang sinarado ni Leticia ang tarangkahan at hinawakan ang kamay ko. "Galit ngayon ang Señor Yuan. Pinalabas niya ang lahat ng tao sa loob at hindi nais magpapasok hangga't nais niya," pag-iinform sa akin ni Leticia na ikinagulat ko, lumapit na rin si Manang Soledad sa amin.

Malinis naman ang kapaligiran kaya wala nang dapat linisin pa. "Huh? Bakit naman?" Naguguluhang tanong ko. Huli ko syang nakita sa panciteria kung saan nakita n'ya akong kayakap si Agustin.

"Hindi ko rin alam, Liling. Pagkarating ko rito ay tila may hinanap ang kaniyang mga mata. Matapos no'n ay bigla na lang uminit ang ulo niya at pinalabas kaming lahat," tugon ni Leticia sa tanong ko, napalunok ako.

Napatingin ako kay Manang Sol at nagtaka ako dahil nakatingin sya sa akin ng kakaiba. Napatingin naman ako sa tahimik na mansyon ng mga Enriquez, malamang ay sya lang ang tao roon ngayon dahil pinaalis n'ya lahat ng trabahador.

Hindi ko alam ngunit bigla na lang akong napahakbang papalapit doon, pakiramdam ko ay may kinalaman ako sa galit n'ya. Napatigil ako sa paghakbang nang hawakan ni Leticia ang braso ko.

"Liling, saan ka tutungo? Hindi nais ni Señor Yuan na may pumasok sa loob," nag-aalalang tanong at saad ni Leticia pero wala nang makapipigil sa akin, hinawakan ko ang kamay n'ya at inalis 'yon sa braso ko.

Pag-ibig Serye #4: HiwagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon