[Kabanata 21 - Bulong]
"MALIGAYANG kaarawan, Yuan..." Ang pagbati ko sa kanya, tumingin ako ng diretso sa mga mata n'ya at nakita ko ang gulat na namutawi sa kanyang mga mata sa kauna-unahang pagkakataon.
Napangiti ako. "Sabi ko sa 'yo, eh. Isa nga akong mahiwagang tao sa buhay mo," nakangiting saad ko at kinindatan sya, napatigil sya dahil sa ginawa kong 'yon.
Napatigil din ako, naisip ko na baka iniisip n'ya ngayong inaakit ko sya. Kaya naman... "Hep! Sabihin mo, thank you. Ay, hindi. Salamat pala," nakangiting saad ko na naman. Akala ko ay matutuwa sya pero ilang saglit lang ay bumalik na naman ang walang emosyon niyang mukha.
My gosh! Hirap na hirap na ako rito, ah? "Sige, kung ayaw mo, edi don't. Pinipilit ka?" Pagtataray ko naman, para na akong baliw na paiba-iba ng emosyon pero hindi n'ya pa rin ako pinapansin.
"Sir, saan mo ba gustong pumunta ngayon?" Tanong ko, nagulat ako nang talikuran n'ya ako at nagsimulang humakbang paalis.
"Sir!" Sigaw ko sa pangalan n'ya at dali-dali syang hinabol dahil sa takot na ako naman ang habulin ng engkanto, nagsialisan ang mga ibon na nagtatago sa puno dahil sa sigaw kong nag-eco pa sa buong kapaligiran.
"Grabe, ah? Biglang nang-iiwan? Sinasabi ko na nga bang mang-iiwan kayo," nakasimangot na saad ko habang nakasunod sa likod n'ya pero muntik na akong tumama sa likod n'ya nang tumigil sya sa paglalakad at harapin ako.
"Kami?" Malamig na tanong n'ya, sa wakas ay nagsalita na sya. Dahil birthday n'ya ngayon ay agad kong binura sa isipan ko ang sagot na 'kayong mga suplado'.
Agad kong 'yong pinalitan ng... "Kayong mga may pambihirang kagwapuhan," nakangiting sagot ko sa kanya. Ayan, ha! Pinuri ko na ang physical appearance niya para hindi na sya high blood d'yan.
Muli na n'ya akong tinalikuran at nagpatuloy sa paglalakad, syempre sinundan ko ulit sya dahil highper ako ngayon at gusto syang kulitin. Nag-isip ako ng topic para hindi naman boring ang paglalakad namin.
Napangiti ako nang may maisip na tanong. "Sir," highper na pagtawag ko sa kanya at sinabayan sya sa paglalakad, hindi naman n'ya ako nilingon at mukhang inabala ang sarili n'ya sa pag-iisip ng iba.
Pero dahil makulit ako ay nagsalita pa rin ako. "Bakit ang lamig mo? Simula noong una kitang nakilala, no emotions ka na talaga. Bakit kaya?" Tanong ko na lang sa sarili ko, hindi naman sya broken family at ayos lang ang trabaho n'ya.
Sa wakas ay nakuha ko na ang atensyon n'ya. "Hindi mo na kailangang malaman pa," malamig na saad n'ya. Sa tuwing nababanggit ang topic na 'to, mas lalo syang lumalamig.
Feeling ko, nasasaktan sya. Napahinga ako ng malalim, hindi dapat sya malungkot sa birthday n'ya. Naisipan kong utusan na lang sya. "Sir, april 25 ang birthday ko. Dapat maalala mo 'yon, ah?" Request ko, napapikit sya.
Mukhang napipikon na sya sa kaingayan ko. Magsasalita na sana muli ako upang humingi ng sorry pero nauna na sya. "Ayon kay Manang Soledad ay disyembre raw ang buwan ng iyong kaarawan," saad niya habang nakatingin lang sa harapan, napayuko ako.
December pala ang original birth month ni Liliana. Pero 'tulad ng sinabi ko, hindi ako si Liliana. Sinubukan ko na lang ngumiti. "Siguro nga," nakatulalang saad ko, pakiramdam ko tuloy ay hindi na ako maging ako.
Nang mag-angat ng tingin sa kanya ay nakababa na sya ng tingin sa akin, napatingin kami sa isa't isa. Hindi ko alam kung gaano 'yon nagtagal, ang alam ko lang ay naputol 'yon matapos muntik na mawalan ng balanse dahil iba na ang natapakan ko.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig Serye #4: Hiwaga
Historical Fictionhiwaga // ika-apat na serye ng pag-ibig Si Mariella Yvonne ay isang binibini na kumpara sa iba ay nabubuhay sa kasalukuyang panahon. Isang babae na nagbibigay ng ngiti sa lahat ngunit kailanman ay hindi niya nagawang ibigay ang kaniyang tunay na ngi...