HIWAGA KABANATA 23

7 1 0
                                    

[Kabanata 23 - Nakaraan]

NAGISING ang diwa ko dahil nagising ito. Napagulong ako kama at parang napunta ako sa ulap nang maramdamang ang lambot ng kinahihigaan ko ngayon.

Nakapikit pa rin ang mga matang itinaas ko ang kamay ko para kumuha ng kahit ano. May naramdaman akong malambot na bagay at kinuha ko iyon bago yakapin, unan yata ang nakuha ko. Napatigil ako nang maamoy ang pamilyar na bango ng unan.

Parang alam ko 'yong pabangong 'to, ah? Napadilat ang mga mata ko matapos mapagtantong nakahiga ako ngayon sa malambot na kama at hindi sa banig!

Gulat kong ilinibot ang aking paningin at napatigil ako nang makilala ang kwartong ito. Muli na lang akong napahiga sa kama. Ang akala ko pa naman ay nagbalik na ako sa mundo ko.

Matutulog na sana muli ako dahil ang sakit ng ulo ko pero bigla akong napayakap sa kumot na nakatapis sa akin matapos mapatanong sa sarili ko na kung bakit ako ngayon nandito sa kwarto ni Yuan!

Unti-unting pumasok sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Nagpunta kami ni Yuan sa opisina n'ya. Naglaro at nag-inuman kami. Tapos... anong nangyari?!

Naalala ko na ako mismo ang naghamon sa kanya sa challenge na kung sino ang unang tumumba, sya ang talo at maaari syang magbigay ng dare sa natalo. Anong nangyari? Natalo ba ako?!

Bigla ay binalot ako ng kaba matapos maisip na wala akong maalala sa nangyari kahapon, may panlaban na sya sa akin ngayon. Ano kaya ang pinagagawa ko kagabi?

Humarot ba ako? Nagsasasayaw ba ako sa harapan n'ya? Hinarot ko ba sya?!

Nanghihina akong umupo mula sa pagkakahiga. Napahawak ako sa tapat ng noo ko at sumasakit ang ulong ilinibot ang paningin sa maaliwalas na silid ni Yuan. Ako lang ang tao rito. Nasaan ang kainuman ko?

Kinuha ko ang kulay puting unan na nasa likuran ko at ipinatong 'yon sa lap ko. Nag-straight body ako at inunat ang katawan ko. Bakit gano'n? Ang sakit ng katawan ko. Nag-inuman lang naman kami ni pareng Yuan, ah?

Naka-close ang kurtina ng balkonahe kaya madilim ngayon ang kwarto pero may nakikita pa rin naman ako dahil sa liwanag na nag-aapear pa rin sa bintanang nakasara.

Napakapa ako sa mukha ko, ang init nito. Tinanggal ko na ang muta ko, mabuti na lang at walang panis na laway. Napatingin ako sa salamin na nasa gilid ko at nakita ko na ang pagmumukha ko.

Nakalugay ang itim kong buhok, messy hair sya ngayon. Suot ko pa rin naman ang baro't saya na suot ko kahapon. Pinagpapawisan na pala ako dahil naka-close ang lahat ng bintana, para akong nagtatago.

Tinanggal ko na ang kumot na nakalapat sa akin at nahihilong tumayo. Napatingin ako sa ibaba ng kama at nandoon ang pares ng suot kong bakya kagabi. Bigla ko tuloy naisip na baka rito n'ya ako dinala after kong ma-knock-out.

Sinuot ko na 'yon bago mapatingin sa pinto. Napunta 'yon sa kalendaryo na nakasabit sa pinto, ito 'ata ang nakita ko noong confident akong pumunta sa kwarto n'ya nang walang katakot-takot.

Tuluyan na akong tumayo at naglakad papunta sa tapat ng pinto. 1880 pa rin ang year ng calendar pero bumalik 'yon sa april, noong huli kong nakita 'to ay nasa september na. Hindi ko mapigilang mamangha habang pinagmamasdan ang kalendaryong 'to, parang gusto ko sya nakawin at dalhin hanggang sa future.

Birth month ko ang april. Napatingin ako sa 25 at napatigil ako matapos makitang may ekis doon. Naaalala ko noong birthday n'ya at sinabi ko kung kailan ang original birthday ni Mariella Yvonne Soriano. Napangiti ako matapos maisip na sya ang naglagay ng ekis sa birthday ko bilang palatandaan.

Pag-ibig Serye #4: HiwagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon