[Kabanata 33 - Kamatayan]
ALAS cuatro ng madaling araw, as usual ay lutang kong pinupunasan ang isang lamesa ng panciteria de isabel. Papasapit pa lamang ang liwanag at nakatulala ako ngayon sa kawalan.
Hindi na ako nakatulog pa sa kaiisip. May isang bagay na naghahari ngayon sa isipan ko na kahit anong gawin ko ay hindi na mawala-wala pa. Isang panaginip na hindi ko magawang malimutan.
Kamatayan... Mamamatay sya. Sa tuwing pumapasok sa isipan ko ang ibinulong ng lalaki sa panaginip ko, hindi ko alam pero si Yuan agad ang pumapasok sa isipan ko.
Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari ngunit apektado talaga ang isip at puso ko sa panaginip kong 'yon. First time kong managinip sa panahong 'to, at kamatayan pa ang ipinapahatid.
Kung kamatayan man ni Yuan ang nais ipabatid ng panaginip ko, hindi ko kakayanin. Hindi ko kailanman kakayanin. Sya ang nag-iisang hiwaga ng buhay ko at ang dahilan kung bakit nagagawa kong manatili rito.
Nais kong maagapan at mapigilan. Gusto kong malaman. Paano sya mamamatay? May papatay ba sa kaniya? Sino?
Napatigil ako matapos maalala ang banta ni Agustin bago ako tuluyang hatakin ni Yuan papalayo sa hardin ng Santa Prinsesa.
Pagsisisihan mo ito.
Humigpit ang hawak ko sa lamesa nang maisip na baka may masamang binabalak si Agustin kay Yuan. Bumigat bigla ang nararamdaman ko. Kailangan kong makausap si Agustin at pigilan sya sa kung ano man ang ibinabalak niya.
Ngunit sa kabilang banda, naisip at natanong ko rin sa sarili ko na baka may malubhang sakit si Yuan na maaari niyang ikamatay?
Wala namang ibang sinabi ang lalaki sa panaginip ko kung hindi mamamatay sya. Walang ibang clue kung anong klaseng kamatayan. Ngunit hindi na mahalaga pa iyon, ang tanging mahalaga ay hindi mawala sa akin ang lalaking nagpapatibok ng puso ko.
Nakababahala talaga ang panaginip kong iyon, kanina pa ako balisa at hindi mapakali. Ang hirap namang kumilos kapag maging ikaw ay wala ring kaalam-alam.
Habang nakatulala sa kawalan ay naramdaman ko ang kamay na gumapang sa baywang ko at niyakap ako. Hindi na ako nagulat pa dahil kilala ko naman kung sino ang taong mahilig yumakap mula sa likuran.
Pero dahil may trust issues ako ay nagbaba ako ng tingin sa kamay ng taong yumakap sa akin, kasalanan 'to ni Agustin.
Napangiti na ako at hinawakan ang kamay niyang nakapulupot sa akin dahil nakumpirma ko na kung sino sya. Sumandal sya sa balikat ko. Umihip ang malamig na hangin.
Pero napatigil ako nang may mapagtanto. Dali-dali kong ilinibot ang paningin ko dahil sa takot na gising na pala ang mga co-workers ko dito sa panciteria.
Kahit papaano ay nakahinga naman ako ng maluwag dahil kami lang ang tao rito. Grabe, ang sarap niyang mangyakap.
Nilingon ko na si Yuan at sinuway sya, "Ba't ka naman biglang nangyayakap d'yan? Baka mamaya ay may makakita pa sa atin," suway ko sa kaniya pero namumula na ang pisngi ko dahil sa titig n'ya.
"Ano naman kung tayo'y makita nila?" Malambing na tanong niya, tila kiniliti ang puso ko matapos marinig ang boses niya.
Pero kahit malapit na akong bumigay sa kaniya ay tinignan ko pa rin sya ng masama dahil ang kulit na naman niya. Ang masama kong tingin na ikinangiti naman niya.
Wala pang tao sa kapaligiran ngunit alam kong maya-maya ay darating na rin ang mga tao. Bumitaw na si Yuan sa akin. Naglakad naman sya papunta sa harapan ko at muli akong yinakap ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig Serye #4: Hiwaga
Historical Fictionhiwaga // ika-apat na serye ng pag-ibig Si Mariella Yvonne ay isang binibini na kumpara sa iba ay nabubuhay sa kasalukuyang panahon. Isang babae na nagbibigay ng ngiti sa lahat ngunit kailanman ay hindi niya nagawang ibigay ang kaniyang tunay na ngi...