[Kabanata 6 - Masaya Nga Ba?]
Sayang, crush ko na sana sya!
NAPATANGO na lang ako sa sinabi ni Leticia na may jowa na pala si Yuan. "Sabagay, sa gwapo n'yang 'yon, imposibleng wala pa syang jowa," wala sa sariling saad ko ngunit agad akong napatigil nang mapagtanto ang kahibangan sa mga sinaad ko.
Napatigil din si Leticia at gulat na nag-angat ng tingin sa akin. "Ikaw ay nabibighani sa pisikal nyang anyo?" Gulat na tanong ni Leticia, inosente naman akong tumango. Wala namang big deal do'n, 'di ba?
"Naku, Liliana. Wala sa ating lahi ang mabighani sa iba't ibang lalaki," nakangiwing saad ni Leticia at sinimulang iligpit na ang mga damit na kanyang natuyo na, nagtaka ako dahil sa sinabi nya.
Si Yuan pa lang naman ang sinasabihan ko ng gwapo sa panahong 'to, ah? Nagkibit balikat na lang ako at sinimulang ibalik na rin sa basket ang mga damit na sya na ang nagpiga, ang weird din pala minsan ni Leticia. Sinasapian din kaya sya ngayon?
GABI na, nandito ako ngayon sa labas ng mansyon ng mga Enriquez at nagsisikap na isampay ang mga damit na 'to. Ako na lang ang mag-isa ngayon sa labas, mabuti na lang at sanay na ako sa dilim at hindi na nagawang matakot pa.
Bagsak si Leticia, alam kong mahimbing syang natutulog na ngayon sa bahay kubo na pinagtutulugan naming mga kasambahay dahil sa sobrang pagod. Paano ba naman kasi, ginawa nya ang mga gawaing ako dapat ang gagawa.
Inaalala nya pa kasi ang aksidente na nangyari sa akin at lumala pa ako, sya na nga rin dapat ang magsasampay pero dahil hindi naman ganoon kakapal ang mukha ko ay nagpresinta na akong ako na ang magsasampay ng mga damit.
Hindi talaga ako sanay sa gawaing bahay dahil hindi naman ako palalinis sa original world, nagtitiis lang talaga ako ngayon kahit na nangangalay na ako sa katataas ng kamay upang masampay sa lubid na lagpas ulo ko ang taas.
Masyadong mataas ang standard ng lubid na 'to na nakakabit mula sa bintana ng mansyon hanggang sa puno na katabi lang ng malaking gate ng hacienda Enriquez. Dahil feeling nya ay matangkad lang ang pwedeng magsampay, kinakailangan ko pang tumingkayad palagi para maabot sya.
Napahikab ako at kinuha ang huling damit na nasa bakol, napatigil ako matapos makilala ang coat na iyon. "Nagpakita ka na naman sa akin, may nais ka bang ipahiwatig coat ka? Nagagandahan ka sa akin, 'no?" Parang baliw na tanong ko sa coat ni Yuan at natawa, malapit ko na talagang isipin na nagkaro'n nga ng side effect ang car crash na natanggap ko.
Napahinga ako ng malalim at nag-angat ng tingin sa kalangitan, nagkakaroon ng anino ang puno na pinagsisilungan ko ngayon dahil sa liwanag ng buwan na nagbibigay liwanag sa akin ngayon sa kabila ng madilim na kapaligiran. Kung dala ko lang cellphone ko, matagal na akong nag-flashlight.
Mabuti na lang at nand'yan ang buwan para magbigay ng liwanag sa akin, nand'yan din ang mga bituin na kumikislap para sa akin. Napangiti ako ng kaonti, sa ganitong bagay ay nagagawa kong pangitiin ang aking sarili kahit kaonti.
Nagbaba na ako ng tingin at inayos ang pagkakahawak sa abrigong 'to, 'wag ang may ari nito dahil sinigurado kong malinis at mabango na ito kapag sinuot nya muli. Napapagod akong tumingkayad muli upang isampay na sana ang abrigo ngunit nanlaki ang mga mata ko nang mawalan ng balanse at pahulog mula sa likod!
Ang akala ko ay tuluyan na akong mahuhulog sa sahig ngunit laking gulat ko nang may mabilis na kumapit sa magkabila kong braso upang saluhin ako, gulat kong nilingon kung sino iyon at nanlaki ang mga makita ko nang makita si Yuan na syang sumalo sa akin!
BINABASA MO ANG
Pag-ibig Serye #4: Hiwaga
Historical Fictionhiwaga // ika-apat na serye ng pag-ibig Si Mariella Yvonne ay isang binibini na kumpara sa iba ay nabubuhay sa kasalukuyang panahon. Isang babae na nagbibigay ng ngiti sa lahat ngunit kailanman ay hindi niya nagawang ibigay ang kaniyang tunay na ngi...