HIWAGA KABANATA 13

9 1 0
                                    

[Kabanata 13 - Ipagpapalit]

MULA sa pagpupunas ng lamesa ay napalingon ako kay Leticia na nagwawalis na naman ngayon, habang pinupunasan ang lamesa ng lapag ay bigla akong naalala.

"Ate girl, may tanong ako. Pwede ba?" Tanong ko habang matamlay na nakatayo sa tabi ng lamesa, pagod na pagod na akong maglinis. Sa dinami-rami ng trabaho sa mundo, bakit katulong pa?

"Maaari naman." Nagtaka ako dahil ang sweet ng boses nya noong sinabi 'yon at nakangiti sa kawalan habang nagwawalis pa rin, nababaliw na rin ata sya tulad ko.

Napahinga ako ng malalim at napapamewang, para syang hibang na nababaliw sa love life. Ano ba kasi ang nakakasaya riyan sa pag-ibig na 'yan? Para sa 'kin, walang forever dahil bitter ako. Marahil ay dahil no love life ako since birth at puro flings lang.

"Kapag palihim na ngumiti ang isang tao matapos ka nyang sungitan, ano ibig sabihin no'n? Pati kapag nakekwento ka nya sa ibang tao? At nasa kanya ang picture- litrato mo?" Sunod-sunod na tanong ko, napatigil si Leticia sa pagwawalis at nakangiting nag-angat ng tingin sa akin.

Sasagutin na nya sana ang mga tanong na gumugulo ngayon sa isip ko pero sabay kaming napatingin sa kararating lang, si Manang Sol. Tinignan nya si Leticia bago ako, ngumiti sya at linapitan ako.

"Liling, ako'y labis na natuwa sa mga napili mong bilhin sa palengke. Sana pala ay ikaw na ang matagal kong inatasan sa gawaing iyon," nakangiting saad ni Manang Sol, napatingin ako kay Leticia at lumawak ang ngiti nyang hindi na mawala pa.

"Dahil d'yan, inuutusan muli kitang lumabas upang mamitas naman ng mga bulaklak sa hardin ng Santa Prinsesa upang gawing disenyo sa hapag. Ayos lang ba iyon sa iyo?" Tanong ni Manang Soledad, napangiti naman ako at dali-daling tumango.

Sa totoo lang, mas gusto ko pang lumabas kaysa mag-stay dito at maglinis magdamag. Kaya sure, Manang Soledad! Nakangiti kong sinulyapan si Leticia at napatigil ako dahil nagtataka syang nakatingin sa akin ngayon.

My gosh, nagkamali na naman 'ata ako nang hindi ko namamalayan. Linapitan nya ako. "Liling, ayos lang sa 'yo na lumabas? Gayong ang utos na inatas ni Manang Sol pa nga ang pinaka-iniiwasan mo sa lahat noon sapagkat hindi ka sanay lumabas at makisalamuha sa ibang tao," naguguluhang tanong at saad ni Leticia, sinubukan ko syang ngitian.

Introvert at may social anxiety pala ang original Maria Liliana. "Hayaan mo sya, Leting. Mas maganda na nga ito ngayong hindi na sya mahiyain," saad ni Manang Soledad for me, napatango ako. So, mahiyain pala talaga sya.

Ngumiti ako. "Oo, ate Leticia. Nag-evolve na ang pagkatao ko," nakangiting saad ko pero agad kong binawi iyon. "Ang ibig kong sabihin eh- nagkaroon na ng pagbabago sa pagkatao ko at tama si Manang Sol," nakangiting pagbawi ko, napatango na si Leticia at nginitian din ako. Ang galing ko talaga!

"G-GOOD pm po mga madam, alam nyo po ba kung saan ang daan papunta sa garden- este, hardin?" Nagbabakasaling tanong ko sa tatlong mga lola's na may dalang bayong. Sa sobrang confident ko kanina, nakalimutan ko nang itanong kung saan ang papunta.

Ayon kay Manang Soledad ay nasa kabilang bayan daw si Yuan para mangalap ng mga babae, char! Nasa kabilang bayan daw sya para sa isang business meeting kaya wala ngayong Yuan na maaari akong samahan.

Matapos mahulog ng picture ko sa bulsa nya ay nag-walk-out sya paalis, hindi ko na sya nahabol pa dahil na-shock pa rin ako sa nakita ko. Akala ko naman ay sumakay sya sa kalesa n'ya pero laking gulat ko nang sunduin ako nito.

Pag-ibig Serye #4: HiwagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon