[Kabanata 31 - Bituin]
Ika-labing siyam ng enero, 1881.
MAGANDANG sikat ng araw ang sumalubong sa akin pagbukas ko ng pinto ng panciteria. Kabubukas ko pa lang ng malaking pinto pero agad nang gumuhit ang ngiti sa labi ko. Ang saya palang mabuhay.
Ang saya palang mabuhay kapag hindi ka bitter sa buhay at masaya ka. Masaya pa lang ma-inlove. Hindi ko akalaing ang dating kinaiinisan kong pag-ibig ay yayakapin ko rin ngayon.
Dahil maraming PG sa Santa Prinsesa ay may bagong dating agad sa panciteria. Mga chismosang ale na naman. Pinapaypayan ang mga sarili habang hawak ang kani-kanilang bayong.
Dahil good mood ako ngayon ay magalang ko silang linapitan. "Magandang morning po lola's and friend. Upo po kayo rito," nakangiting pagbati ko sa kanila at itinuro ang lamesa na katapat ko lang.
Animo'y mga señorita silang umupo sa itiniro kong table. Yung mga kilay nga nila, parang 'yong sa mga tindera sa canteen noon. Siguro ay sinusulit na nila bilang costumers na kailangan ng panciteria namin.
"Ineng, nais sana namin ng isang bilao ng pancit. Bigyan mo na rin kami ng baso ng tubig ngayon," saad ng leader ng trio nila, tumango naman ako naglakad papunta sa kusina nang makasalubong ko si Anita.
"Anita girl! Kumusta?" Nakangiting pagbati ko sa kaniya, mukhang kagigising lang n'ya at nagtataka akong tinignan.
Magsasalita na sana sya pero dumiretso na ako sa kusina upang ma-informed ang mga tagaluto kung ano ang lulutuin today. Sa sobrang saya at hyper ko, binati ko na rin pati ang nakasasalubong kong mga gamit.
After sabihin sa mga tagaluto ng aming panciteria ang order nila aling Marites ay kumuha na ako ng tatlong babasaging baso at pitsel bago muling balikan ang mga costumers.
Isa-isa kong linapag ang mga baso sa lamesa nila at sinalinan iyon isa-isa ng tubig. "Aling Marites! 'Yan na po ang hinihingi niyong tubig," abot langit ang ngiting saad ko at confident na itinuro ang tatlong baso na may laman ngayong tubig.
Nagtataka nila akong tinignan. "Aling Marites? Sino iyon? Wala namang may pangalan sa aming marites ineng." Napayakap ako sa hawak kong pistel.
My gosh! "Ay, mali po ba? Hala, sorry akala ko po kasi Marites pangalan n'yo. S-sige po inom na kayo d'yan," pilit ang ngiting saad ko at umalis sa harapan nila.
Nakita ko nang mapailing silang tatlo at tignan ako ng masama. Bad mood talaga ang mga tao rito pagdating sa akin. Edi wow! Maganda naman ako at...
"Inyo bang naunlinigan ang usap-usapan ngayon sa bayan? Napakarami! Nagkakagulo na ngayon ang mga tao dahil lamang sa salitang pag-ibig," rinig kong saad ng leader ng tres marites. Oh, tignan mo! Si Marites nga sila!
"Talaga, mare? Hindi na ako makapaghintay sa maaaring mangyari sa susunod!" Energetic namang saad ni aling Marites the second, napatango silang tatlo.
Hindi naman sa chismosa ako pero naintriga ako sa mga chismis na pinag-usapan nila. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Andaming nangyari ngayong january.
Pagbagsak, sakripisyo, kamatayan, at iba pa. Iba't ibang mapapait na mga balita na ikinalulungkot kong marinig dahil kasama no'n ang salitang pag-ibig.
Mapalad ako dahil kahit masaya ang buwan ng enero ko. Sana, habang buhay na lang ang kasiyahan. Kung pwede nga lang.
Natauhan ako nang dumating si Anita, may dala syang dalawang bilao ng pancit. Ibinigay n'ya ang isa sa mga ale. Linalitan n'ya ako at ibinigay naman sa akin ang isa pa.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig Serye #4: Hiwaga
Historical Fictionhiwaga // ika-apat na serye ng pag-ibig Si Mariella Yvonne ay isang binibini na kumpara sa iba ay nabubuhay sa kasalukuyang panahon. Isang babae na nagbibigay ng ngiti sa lahat ngunit kailanman ay hindi niya nagawang ibigay ang kaniyang tunay na ngi...