[Kabanata 20 - Pagbati]
WALANG ingay akong biglang sumandal sa pader ng simbahan matapos makita ang mga taong papalabas ng simbahan, para akong spy kid na may pinagtataguan dahil sa sobrang bilis ng galaw ko.
Nang tuluyang makababa ang mga grupo ng madre sa mahabang hagdanan ng simbahan ay umalis na ako sa pagkakasandal sa pader at nagbakasakaling sumilip sa loob.
Agad akong napatakbo pabalik sa pinagtataguan ko matapos makita si Yuan na papalabas na sa simbahan, hindi n'ya ako nakita dahil nakababa ang kanyang tingin at inaayos ang suot niyang abrigo.
Iyon na naman ang kakaibang pakiramdam matapos ko syang makita, pakiramdam ko ay may nagwawala sa loob ng tiyan ko. Syempre, hindi bata. Wala nga akong jowa, paano pa magkakaroon ng anak?
Bumalik ako sa reyalidad nang makalabas na sya sa malaking pinto ng simbahan. Sa palagay ko ay six o'clock na at madilim na rin ngayon ang kapaligiran. Nagsara na ang simbahan pero wala namang ibang nakapansin sa akin dahil nakaitim ako ngayon.
Iyong saya ko lang naman na hanggang paa ang black dahil color cream ang suot kong baro. Naalala ko tuloy 'yong suot ko no'ng birthday ko, black and white rin 'yon pero modern version.
Napailing ako at binalik na ang sarili ko sa reyalidad. Muntik nang mawala sa paningin ko si Yuan dahil nakaitim din sya, mabuti na lang at malinaw pa sa kanya ang beautiful eyes ko kaya nahagip agad sya nito.
Tumingin ako sa kaliwa't kanan at nakita ko si lolo father na kinakandado na ang malaking pinto ng simbahan pero napatigil sya nang makita ako. Ako naman ang napatigil nang mag-sign of the cross sya. Mukha ba akong sinasapian ngayon?
Napahawak na lang ako sa tapat ng puso ko at may sama ng loob na umalis sa tapat ng simbahan. Grabe, judgemental din pala rito kahit padre. Bakit gano'n? Sama ng loob 'ata ang nakukuha ko sa mundong 'to at hindi pag-ibig.
Lihim ko nang sinundan si Yuan na kalmadong naglalakad ngayon sa gitna ng madilim na kalsada. Kahit papaano ay maliwanag naman ang kapaligiran dahil sa kabilugan ng buwan.
Infairness, ang kalmado niya ngayon. Mas kalmado pa nga yata sya ngayon kaysa sa tuwing nakakaharap ako. Grabe, I love my life talaga.
May ilang metro akong layo sa kaniya dahil baka mahuli n'ya agad ako kapag lumapit ako sa kanya, matunog pa naman ang lalaking 'to.
Hindi ko nga alam kung paano n'ya nalamang nasa panciteria ako gayong ayon kay Manang Sol ay wala syang ibang sinabi kay Yuan kung hindi masama ang pakiramdam ko kaya day off ako that time.
Hindi na pala masama ang loob ko kay Manang Sol lalo na't nag-share sya ng kaalaman sa akin tungkol kay Yuan freaking Enriquez. Ang cool yet-cold pala talaga ng personality niya.
Base sa information ni Manang Sol, hindi raw mahilig sa surpise si Yuan. Ayaw sa maraming tao. Gusto n'ya lang, mag-isa. Pero dahil mag-dalawa nga kami, I'm here para samahan syang mag-solo.
Ilang saglit lang ay napatigil sa paglalakad si Yuan kaya napatigil din ako, bago pa sya makalingon ay dali-dali na akong nagtago sa likod ng malaking puno. Oh noes! Naramdaman na niya ata ang pagtiktik ko sa kanya.
Hindi naman sya lumingon at nagpatuloy lang sa paglalakad. Dahil natatakot din ako sa matandang puno na pinagtataguan ko ngayon ay dali-dali na akong umalis doon at muli syang sinundan.
Hindi ko namalayang napabilis pala ang paglalakad ko kaya lumapit ako sa kanya, isang bahay na lang ang layo namin sa isa't isa. Napapikit ako saglit bago dali-daling naglakad patago sa malaking pader na malapit lang sa kanya.
Ang akala ko ay muli lang syang magpapatuloy sa paglalakad pero laking gulat ko nang masilip syang naglakad ngayon papunta sa direksyon kung nasaan ako.
Napatakip ako sa bibig ko at akmang lulusot sa kabila pero huli na ang lahat dahil nahuli na n'ya ako. Tila sandaling tumigil ang pagtibok ng puso ko matapos maramdaman ang paghawak n'ya sa braso ko.
Nanatili akong nakatalikod sa kanya at hindi sya nagawang lingunin dahil sa labis na pagkagulo at pagkabigla. "Bakit mo ako sinusundan?" Napapikit ako matapos marinig ang malalim n'yang boses, nagtindigan ang mga balahibo ko sa kilabot.
Wala akong ibang nagawa nang kusa n'ya akong iharap sa kaniya, napatigil sya matapos akong makilala. Idinilat ko na ang mga mata kong diretsong tumama sa kanya. Umihip ang malamig na hangin at muli kong nasilayan ang maamo n'yang mukha nang malapitan.
Napaatras sya at inayos ang pagkakasuot ng sumbrelo n'yang itim. "Balak mo na naman bang saktan ako?" Nagulat ako dahil sa hindi inaasahang tanong n'ya, wala na muling reaksyon ang mukha n'ya tulad ng dati.
"Sorry—patawad talaga sa nagawa ko. Promise, hindi ko talaga alam na alak pala 'yong tinutukoy mo. Cross my heart and swear to God pa," paghingi ko ng tawad sa kanya, walang emosyon n'ya akong tinignan.
"Patawad..." Napatigil ako matapos n'yang ulitin ang sinabi ko, napatulala sya sa kawalan at tila may biglang pumasok sa kanyang isipan.
Napapikit sya. Nang magbalik ng tingin sa akin ay inalis na niya ang emosyon na pilit namumutawi sa mga mata n'ya. Naalala ko tuloy ang katanungan ni Manang Soledad.
Kilala mo ba sya at ang kanyang nakaraan?
"Gabi na. Ano na naman ba ang pumasok sa iyong isipan at sundan ako ngayon?" Natauhan ako matapos marinig ang malamig n'yang tanong, napatingin ako ng diretso sa mga mata n'ya.
Hindi ko alam kung saan ba ako giginawin. Kung sa malamig na ihip ng hangin ba? O sa lamig ng pakikitungo n'ya?
Napahinga ako ng malalim at naisipang ibahin na ang topic namin, may mahalaga nga pala ang misyon ngayong gabi.
"Sir, naaalala mo pa ba 'yong sinabi ko sa 'yong isa akong mahiwagang tao? Kung oo, naniniwala ka ba sa akin o hindi?" Tanong ko at nginitian sya, napatingin sya sa aking labi bago muli sa mga mata ko.
Medyo nailang ako dahil sa makulit n'yang mga mata pero binalewala ko na lang 'yon. Tinignan n'ya na naman ako nang nagtatanong na tingin. Tinanong kung seryoso ba ako sa pinagsasasabi ko.
"Sir, sagot lang. Oo o hindi?" Tanong ko at napapamewang, baka mamaya ay abutin na kami ng madaling araw dito sa katatanong ko.
Napakurap sya ng dalawang beses, parang nag-aalinlangan pa sya na sakyan ang trip ko. Sa huli ay napasimangot ako nang umiling sya.
"Dapat, maniwala ka! Dahil may isang bagay akong nalalaman ngayon na hindi basta-basta nalalaman ng iba," confident na saad ko at abot langit syang nginitian, tinignan n'ya lang ako at tila hinihintay kung ano ang sunod kong sasabihin. Ang pangit n'ya talaga kausap, ayaw magsalita.
Pero dahil ika-lima ngayon ng nobyembre, dahil naghahari ang mahiwagang mga bituin sa kalangitan, tumayo ako ng diretso at hinarap sya. Muli ko syang nginitian, kasabay ng pag-ihip ng hangin ay ang pagbati ko sa kanya ng, "Maligayang kaarawan, Yuan..."
********************
#Hiwaga #PagIbigSerye12/12/2021,
Tapos na ang buwan ng nobyembre pero nais kong batiin ang huling ginoo ng pag-ibig serye, Yuan Enriquez. Maligayang kaarawan, Yuan! Sana mabuhay ka hangga't gusto mo, muah. ( ˘ ³˘)♡
Maraming salamat sa pagbabasa! Ating abangan ang mga susunod na pangyayari sa susunod na kabanata. Planado na 'to, hehe. ^^
ᜋᜎᜒᜄᜌᜅ᜔ ᜃᜀᜇᜏᜈ᜔ ᜌᜓᜀᜈ᜔ <3
Nagmamahal,
Cess.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig Serye #4: Hiwaga
Historical Fictionhiwaga // ika-apat na serye ng pag-ibig Si Mariella Yvonne ay isang binibini na kumpara sa iba ay nabubuhay sa kasalukuyang panahon. Isang babae na nagbibigay ng ngiti sa lahat ngunit kailanman ay hindi niya nagawang ibigay ang kaniyang tunay na ngi...