HIWAGA KABANATA 32

7 1 3
                                    

[Kabanata 32 - Panaginip]

"HIJA, ika'y bibili ba talaga?" Tanong sa akin ng ale na syang tindera ng tindahan na tinatambayan ko ngayon, kanina pa kasi ako nakatingin lang.

Buwan ng pebrero. Kanina pa ako nagtatatlong isip na bilhin ang pluma, tinta, at isang manipis na notebook na syang binebenta ni Aleng masungit.

Nandito ako ngayon sa palengke. After maging delivery boy ng panciteria namin ay naisipan kong dumiretso muna dito sa palengke upang kumain ng kung anu-anong murang pagkain dito.

Wala naman silang karapatang magreklamo kung late akong umuwi sa panciteria dahil hindi nila alam ang pinagdadaanan ko.

Hindi nila alam kung gaano kahirap maging delivery boy. Kung gaano nasisira ang ganda ko sa tuwing maglalakad sa gitna ng arawan para lang ma-deliver ang special pancit na in-order ng mga tao.

Habang naglalakad ay bigla kong nakatagpo ang tindahan na 'to. Aalis na rin naman dapat pero may isang bagay akong biglang naalala na kay tagal ko nang pinagpaplanuhan pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nagagawa.

"Sabi ko nga po, bibili na. Isang pluma, tinta, at 'yong notebook po na 'to," magalang na sagot ko at itinuro ang manipis na notebook.

Sa wakas ay ngumiti na sya. Isa-isa niyang dumapot ang mga itinuro ko pero bago n'ya ibigay 'yon sa akin ay ilinahad n'ya muna ang palad n'ya sa tapat ko bilang pagsenyas na payment first.

Pinili kong ngumiti at ibigay sa kaniya ang natitirang budget ko sa buhay. Maliban dito ay ibinigay ko na kayla inay at itay ang mga kinikita ko sa panciteria. Si Yuan kasi.

Ang sabi n'ya, hindi niya raw kailangan ng pera ko at hindi ko na kailangan pang intindihin ang pera na ibinigay niya para sa pamilya ko.

Ang sabi n'ya pa, kapag hindi ko na sya minahal pa, pakatatandaan ko na may malaki na raw akong salapi na kailangang bayaran at 'yon ang utang namin sa kaniya. Ang angas, 'no?

Well, sisiguraduhin ko namang hindi na ako magbabayad pa sa kaniya dahil habang nandito ako, iibigin ko sya kahit ga'no pa katagal.

Nang ibigay na sa akin ni ale ang mga pinamili ko ay nginitian ko sya ng abot langit bago magsimulang maglakad paalis ng pamilihan.

Sa totoo lang, parang may gusto pa akong puntahan ngayon bago magbalik sa panciteria.

Sa kalagitnaan ng dire-diretso kong paglalakad ay napatigil ako at napatingin sa kaliwa't kanang direksyon. Walang masyadong tao sa paligid. Sandali, nasa Jardin de Santa Prinsesa na ba ako?

Ilinibot ko ang paningin ko at tama nga ako, nasa kalsada na ako kung saan nakatayo ang garden na ubod ng ganda. Pero syempre, dalampasigan pa rin ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko na nga ang hardin. Umupo ako sa bench na nasa labas lang ng garden. Pati ang taga-bantay, wala rito.

Umihip ang malamig na hangin. Hindi bale na dahil mas gusto ko rin sa tahimik. Ilinapag ko sa tabi ko ang tinta at ipinatong naman sa hita ko ang notebook.

Hindi ko mapigilang mapangiti at ma-excite dahil first time kong magsusulat gamit ang pluma at tinta. Binuklat ko ang notebook bago isawsaw ang pluma sa tinta at sinimulang magsulat.

Parang ang gandang gawing diary ng notebook na 'to. Sayang, gagawin ko syang notebook na puno ng tips. Isang notebook na puno ng tips kung paano maging isang mahiwagang binibini.

Dapat ay pambihirang binibini pero dahil mahiwagang binibini ang itinawag sa akin ni Yuan, iyon na ang ilalagay ko. Tutal, sa kaniya talaga inspired ang gagawin kong 'to.

Pag-ibig Serye #4: HiwagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon