Nagmamahal, Cess

34 5 1
                                    

[12/05/2021 - 12/29/2021]

After 24 days... Hiwaga is now officially ended! At sa pagkakataong ito, nagwawakas na rin ang serye na puno ng pag-ibig at pait. Ang aking Pag-ibig Serye.

Thank you so much Lord, thank you sa productivity na ibinigay n'yo sa 'kin habang sinusulat ko ang serye na ito.

Sa totoo lang, ang bigat ngayon ng dibdib ko dahil hindi ko pa talaga kayang iwan ang serye na ito. 3 months ko pa lang sya nasusulat & hindi ko in-expect na ganito sya kabilis matatapos. <//3

Ngayon pa lang ay humihingi na ako ng tawad dahil hindi masyado applied ang Philippine history sa serye na ito. Binuhay ko lamang sila sa nakaraang mundo at kung paano ang pamumuhay doon. Nawa'y hindi kayo madismaya.

Dahil ang tinutukan ko sa serye na ito ay ang pag-ibig, kaya pag-ibig serye ang title ng series. Kahit wala akong love life ay sinapuso kong isulat ang serye na ito at gawing makapangyarihan ang salitang pag-ibig. ( ˘ ³˘)♡

Hiwaga, ang huling serye ng pag-ibig. Matagal ko nang plinano na magtatapos ang istorya na ito sa isang masakit na panaginip pero hindi ko inakalang maiiyak pa rin ako huhu.

Hindi ako binigo ng serye na ito na paiyakin ako. Sa Hiwaga naman, sa kabanata 35 nagsimula ang sunod-sunod kong luha. Dahil sa sacrifice ni Mariella at sa wakas naman, 'yong pamamaalam ni Mariella at pagmamakaawa ni Yuan na huwag na syang lumisan pa. T^T

Sa ika-apat na pagkakataon, sa ika-apat na serye ng pag-ibig, ang luha ko'y bumuhos talaga. Naaalala ko pa rin ang sinabi ni Mariella na walang sumuko, walang nagloko, ngunit tadhana na mismo ang nagdesisyon na tapusin ang kanilang kwento :'((

Nalulungkot ako para sa kanilang dalawa, ngunit paano mo nga ba iibigin nang malaya ang isang taong hindi kapareho ng mundong iyong kinabibilangan?

Sa kabila ng lahat, makalimutan man ni Mariella ang lahat, ang mundo at pag-ibig niya para kay Yuan ay mananatiling hiwaga sa kaniyang puso. Isang kapangyarihan ng pag-ibig na mararanasan mo lang sa oras ikaw ay umibig ng totoo.

Kahit Sa Panaginip by December Avenue ang napili kong theme song ng Hiwaga dahil alam niyo naaaa. Pero syempre, sasabihin ko pa rin. Kahit Sa Panaginip ang napili ko dahil sa huling pagkakataon, nagkita pa rin sila... kahit sa panaginip na lang.

For the last time, nais kong ibahagi sa inyo ang mga kantang magpapaalala sa akin kung gaano kasakit ang Hiwaga. Ang mga kantang magdudulot na ngayon ng lungkot sa puso ko...

1. Kahit Sa Panaginip by December Avenue.
2. Sa Susunod Na Habang Buhay by Ben&Ben.
3. Araw-araw by Ben&Ben.
4. Nang Dumating Ka by Bandang Lapis.
5. 'Di Na Mag-iisa by Nobita.
6. Pansamantala by I Belong To The Zoo.

To my beloved cessthetic/s, to you, thank you so much for your support! Thank you so much for the reads, votes, and comments you gave to this story. No words can explain how grateful I am to have you, Cess loves you forever and ever until the end. <3

Btw, 'Santa Prinsesa' is also a work of fiction. Gawa-gawa ko lang po sya. Hinango ko lang sa aking pangalan, hehe. Nagsimula ito sa unang historical fiction na isinulat ko, 'Te Amo, Adiós'. Hindi ko in-expect na gagamitin ko rin pala sya sa Memories Of The Sky (other HisFic story of mine) & Pag-ibig Serye. ♡

Para sa mga hindi pa nakakaalam, Hiwaga means...

n. mystery; magic; wonder.
Root: hiwaga.

Inshort: alam n'yo na 'yon. Char! Basta, mahiwaga. <3

: Ikaw? Ano ang nag-iisang hiwaga ng buhay mo?

*****

Nais kong malaman mula sa iyo...

Ano ang pinakamasakit?

Ano ang iyong pinakapaborito?

Ano ang natutunan mo sa pag-ibig serye?

Nawa'y nagustuhan mo ang serye na ito! Ikaw ang pag-ibig ko. <3

*****

Gagawa nga pala ako ng wakas 2.0 ng Adhika, Gunita, Tadhana, at Hiwaga dahil nais kong malaman niyo ang saloobin ng bawat tauhan ng pag-ibig serye at kung ano na ang nangyari sa kanila.

Ang ikalawang wakas kung saan masasabi ko na ng malaya ang lahat dahil third person's point of view na 'yon. Ang paliwanag kung bakit nagawa iyon ni Leticia, ang dahilan kung bakit si Khalil at Carolina ang naging mag-asawa, at iba pa.

Gagawa rin ako ng special chapter ng Pag-ibig Serye. Sa January ko na lahat gagawin ito dahil nais ko munang ipahinga ang puso ko. <//3

Hindi ko nga lang alam kung kailan ko maibabahagi sa inyo ang mga iyon. Pero promise, ibabahagi ko sa inyo ang wakas 2.0 at special chapter soon. ^^

Maraming salamat muli, maraming salamat dahil nandito ka hanggang sa pagwawakas ng pag-ibig serye, walang hanggang pasasalamat sa iyong suporta.

Palaging tatandaan na walang mali na umibig, umibig ka lang ng tama at naaayon sa sitwasyon. Ibigin mo ang isang tao na magagawa kang pasiyahin sa kabila ng mundong patuloy na sinusubok ang iyong katatagan.

Basta't kayong dalawa'y sasaya ang mundong mapait.

*****

Mahal kita ngunit paalam na. Paalam at salamat, salamat sa lahat. Char, ang drama ko na masyado. T^T

Pero 'yon, nagpapaalam na sa inyo ang bawat bida ng pag-ibig serye. Nagpapaalam na si Danyiel, Gwenaelle, Carolina, Markus, Anastacia, Khalil, Mariella, at Yuan. Salamat dahil binigyan n'yo sila ng pagkakataon. <3

Nagpapaalam na ang Pag-ibig Serye. Patawad, salamat, at paalam, mahal ko...

ᜉᜆᜏᜇ᜔ ᜐᜎᜋᜆ᜔ᜉᜀᜎᜏ᜔ᜋᜑᜎ᜔ ᜃᜒᜆ <3

Official hashtags:
#AdhikAestheticess
#GunitAestheticess
#TadhanAestheticess
#HiwagAestheticess
& #PagIbigSerye

Nagmamahal,
Cess.

Pag-ibig Serye // © All Rights Reserved, 2021.

Pag-ibig Serye #4: HiwagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon