Chapter 8

176 3 0
                                    

It’s Sunday. Maaga palang ay bumyahe na kami patungong hacienda para sa family bonding namin every weekend kapag hindi busy ang bawat isa.

“Come on, Aether! Give me that! I wanna sleep!” I groaned, pulling the soft pillow from Aether’s grasp.

Actually, kanina pa kami naghihilahan ng unan na hugis hotdog pero ayaw niyang ibigay sa’kin. Nakangisi pa nga ang walang-hiya kong kambal kahit nakapikit at pilit niyayakap ang unan na hotdog. Akala niya naman maloloko niya ‘ko? Nagtutulog-tulugan lang naman siya!

“Twins, what’s the commotion over there?” ani Mom nang marinig ang matinis kong boses sa likuran. She glanced on our way through the rear view mirror. “Aether, ano na namang kalokohan ang ginagawa mo diyan sa kambal mo?”

I could almost see Momma’s invisible fire blast as if she was some sort of a fire type dragon. I couldn’t blame her. Sa aming dalawang magkapatid, si Aether talaga ang laging nakakatikim ng pingot mula sa kan'ya. Masyado kasing pasaway kaya ayon at laging nagagalit sa kan’ya si Momma. But despite of it all, I knew that Momma loves Aether so much because he’s the first child who came out from her and also because he’s her son.

Pantay naman ang pagmamahal nila sa amin ng kambal ko although, hindi lang talaga minsan maiiwasan ang favoritism. Aether is a Mama’s boy while I’m a Daddy’s girl. Hindi naman na siguro nakapagtataka pa iyon dahil parehas kami ng kinahihiligan ni Dad but my twin…no comment.

Marahas na pumikit ulit si Aether at napanguso. Yakap-yakap niya pa rin ang unan na hotdog at ayaw pakawalan. Napasimangot ako.

“Ma, I’m sleeping! Mira is grabbing my pillow—ugh!” He acted as if he just woke up. Gusto ko siyang palakpakan. Ang galing mag-drama ng kambal ko!

“Utot mo sleeping! Kahit nakangisi ka? Sleeping?!” Ungot ko at nagsimula na kaming magrambulan sa backseat at tatawa-tawa lang naman ang magaling kong kakambal ngunit natigil lamang kami nang huminto na ang kotse at inanunsiyo ni Dad na nakarating na raw kami.

“Here yah go! I miss Glamma!” I squealed in so much happiness. Mabilis akong bumaba ng sasakyan nang makapag-park na si Dad. Naramdaman ko naman agad na sumunod si Aether at inakbayan ako nang makatayo siya sa tabi ko.

“Ngayon akbay-akbay ka sa’kin? Doon ka nga!” I scoffed, trying to remove his arm on my shoulder but he just wouldn’t budge. Humalakhak siya.

“Galit ka na niyan? Pagkatapos mo kong paasahin na bibigyan mo ‘ko ng carrots?” Umarko pataas ang kilay niya sa’kin. Napasimangot ako.

“But we ran out of stock!”

“You could’ve bought in the market? Or maybe sneak in to Tita Yana’s refrigerator? They have a lot of carrots as far as I can clearly remember,” He said, caressing his chin as if thinking deeply.

Marahas kong tinanggal ang kamay niya sa balikat ko at napairap.

“I’m not a carrot thief, Bal. Unlike you.”

“Twins, let’s go!” Pagtawag ni Mom sa atensyon namin kaya agad akong nagtungo sa tabi ni Dad at mabilis naman niya akong inakbayan. I even stuck out my tongue on Aether when he glanced on my way.

“Crazy witch,” He mouthed but I just chuckled and shook my head in return.

Mabilis kaming nakapasok sa loob ng hacienda at binabati pa kami ng iilang trabahador na nadaraanan namin habang naglalakad patungo sa ancestral house kung saan kasalukuyang namamalagi ang grandparents namin na sina Cressida at Ydan Fortalejo.

The ray of sunlight is brushing against my face as we walked towards the ancestral house. It looked like a mixture of Spanish and Victorian house style. Malaki at malapad din ito kaya minsan ay iniisip ko kung hindi ba nalulungkot sila Glamma na manirahan dito lalo na’t silang dalawa lang naman ni Papa Lo ang nakatira rito.

Riding The Waves (Fortalejo Clan #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon