"Hindi mo sinabi sa'kin na isa ka pala sa mga top ranking sa klase niyo?" He swayed our intertwined hands while walking.
"Sasabihin ko naman kaso nakalimutan ko lang." Lumingon siya sa'kin at ngumiti ng matamis, halatang balak na naman niyang magbuhat ng sariling upuan. "Ayaw mo no'n para surprise? Bubungad sa'yo ang katalinuhang taglay ng boyfriend mo? You should be proud."
I chuckled, flickering his forehead making him groan in pain.
"Silly, of course, I'll feel proud because after all this time that you've been slacking, finally you found the right path."
Napabusangot siya at ngumuso na parang bata. Napailing-iling na lamang ako at hinila na siya patungo sa classroom ko. Katatapos lang ng lunch break at gaya ng nakasanayan namin noong junior high ay sa library kami kumakain.
Syempre, hindi na ako nagtataka kung paano nagagawa ni Aspen na makapuslit ng pagkain sa library kahit bawal ang kumain sa loob no'n. He's a rule breaker but in a nice way. Well, sometimes.
"I'll come inside, you should go back now." Pagtataboy ko sa kan'ya pero hindi siya natinag at tinitigan lamang ako. Inirapan ko siya at tinulak sa dibdib niya na mukhang nag-uumpisa nang maka-develop ng muscle dahil sa pagiging hardworking niyang tao kapag walang pasok.
Ilang sandali niya pa akong tinitigan bago mabilis na hinalikan ako sa pisngi at nakangising lumayo. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko bago lumingon sa paligid. Mabuti na lamang at walang nakakita. Napaka-PDA talaga nitong baliw na 'to!
"PDA ka," I snorted.
He smirked, putting his hands inside his pocket. "Kapag kasama lang naman kita. Aalis na 'ko, Earth. Study well, baby."
Nang makaalis siya ay bumalik na ako sa loob ng classroom. Para akong lumulutang sa ulap habang nakaupo sa upuan ko at hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Being in a relationship with Aspen isn't a journey full of rainbows. We had encounter with a lot of rough road along the way. May mga maliit na bagay kaming pinag-aawayan kahit sa harap ng ibang tao ay nonsense iyon. But as you can see, being in a relationship without fights are also not healthy.
The class started and since Jayer became my partner in one of our activities on our Science subject, I have to coordinate with him well so our activity will have a successful result after.
"So, we're going to buy eight styrofoam balls with different sizes required, two paint brush, a thick stick that will serve as its stand, five acrylic paints with different colors and..." Jayer stated.
"A barbecue stick will do." Sabi ko naman. We're planning about making a model of solar system which is our project.
Tumango siya. "Yeah, you're right. I'm just really complicating things, I guess." Natawa siya kaya napangiti ako ng maliit.
After our plan, we ended up making our meet up schedule too. Napagpasyahan namin na sa darating na Saturday namin gagawin ang proyekto at sa bahay na lang namin gagawin kaya naman hihintayin ko na lang sa pier si Jayer sa Saturday para sabay na kaming pupunta sa bahay.
"It's settled, then. See you this coming Saturday, Hemera." He flashed his handsomely smile. Tumango lang ako at inayos na ang mga gamit ko dahil tapos na rin naman ang klase.
I was busy fixing my things when I realized that Amaryllis isn't around. Bakit kaya hindi siya pumasok ngayon? I wonder why. Nakasanayan ko na kasi ang maingay niyang bibig na halos hindi na tumigil sa kakasalita. Madalas din tuloy siyang naililista sa noisy ng kaklase namin kaya laging pinagmumulta ng limang piso pagkatapos ng klase.
BINABASA MO ANG
Riding The Waves (Fortalejo Clan #1)
Любовные романыFortalejo Clan #1: HEMERA Falling in love with you is like riding the waves, I have to keep my balance or else, I will drown and sink into the depths of the vast ocean. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.