Chapter 22

149 5 1
                                    



Nakahiga pa lang ako sa kama ay naririnig ko na ang mga ingay sa ibaba. I groaned because of protest. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi sa sobrang kakaiyak kaya naman inabot na ako ng madaling araw. Hindi ko na rin namalayan kung anong oras ba nakauwi ang kambal ko pero alam kong binisita niya ako sa kuwarto ko kagabi habang nasa kalagitnaan na ako ng pagtulog.

He just bid me a goodnight and kissed my forehead before leaving my room. That's how sweet my twin is to me.

Matutulog pa sana ako nang marinig ko ang marahas na pagbukas ng pintuan ng kuwarto ko at ang maingay na boses ni Aether. Parang gusto ko tuloy biglang bugahan siya ng apoy kung pwede lang.

"Wake up, Sleepyhead!" He yelled, pulling the blanket out of my body. "Happy birthday, Mira! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to us!" Pagkanta niya pa.

I looked at him with my blurry eyes yet. Hinintay ko munang luminaw ang paningin bago bumangon at sinimangutan ang kambal na ngiting-ngiti naman sa harapan ko ngayon.

"Ang aga-aga, bad mood ka agad?" Nakangising tanong niya, tinutupi ang kumot ko at pagkuwa'y ipinatong sa taas ng aking unan.

Ngumuso ako. "Early in the morning and you're already pissing me off?" Tumayo na ako at niyakap ang kambal ko mula sa likuran kaya nagulat pa siya. "Thank you, Bal. You're the best brother ever. Happy birthday!"

He turned around and cupped my face. Hinalikan niya rin ang aking noo na palagi niya namang ginagawa. I can't help but feel a warm hand touched my heart when he did that.

"Anything for my sister. Anything." He whispered, "Now, let's go and eat. Naghihintay na sina Momma sa ibaba. It's your birthday so stop frowning, alright?"

Tumango ako. "Okay, give me a minute to fix myself."

"Alright, then. I'll wait for you outside your room." Lumabas na siya at isinarado ang pinto kaya naiwan akong nakatayo sa gilid ng kama.

I heaved a deep sigh and shook my head. Sobrang aga pa para mag-isip ng kung ano-ano. Aether is right. Today is my birthday so I shouldn't frown. Dapat ipakita kong ayos lang ako. Na kahit papaano ay masaya ako kahit alam kong nadudurog ako sa loob-loob ko.

I took a bath and wore a simple floral dress na kulay asul. Yeah, I really have a thing with blue stuffs.

Pagkalabas ko ng kuwarto ay nakita ko ngang naghihintay sa akin si Aether habang nakasandal sa pader. When he saw me, he instantly flashed a genuine smile and guided me downstairs. Sabay din kaming pumasok sa dining area at halos napamulagat ako nang makitang kumpleto ang buong angkan namin doon! And they were all busy chitchatting together.

"Glamma! Mamita!" Masayang tili ko at agad na tumakbo sa pwesto ng aking dalawang naggagandahang mga lola. Mamita Aglaia is my mother's mom. Nasa Greece sila namamalagi kaya naman bihira lang silang makabisita rito sa amin pero madalas naman silang mangamusta through facetime para makita kaming dalawa ni Aether.

I hugged and kissed the both of them on their cheeks. Sabay pa silang natawa ni Glamma, my father's grandmother. The elegant and classy Cressida Fortalejo even in her old years.

"My granddaughter, how lovely..." Mamita sweetly smiled at me. I can't help but to smile back to her. Her eyes resembles mine. Kulay dagat din kasi ang mga mata ni Mamita at sa kanya nagmana ang aking ina. "It's been so long and you're already a grown up lady! My goodness!" Napatutop pa ito ng kan'yang bibig.

"Well, Mamita, I missed you too!" We both chuckled.

"I couldn't imagine how fast you have grown! Parang kailan lang no'ng bumisita kami rito ng Papsie mo kasama si Levi at bata pa kayong dalawa ni Aether ng mga panahong iyon." She caressed my face with her teary eyes. "Ang apo ko'y dalaga na..." Suminghot-singhot si Mamita at niyakap akong muli.

Riding The Waves (Fortalejo Clan #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon