Chapter 10

162 4 0
                                    

Playlist: In Case You Didn't Know by Boyce Avenue (Cover).

Nang makauwi ay mabilis akong pumasok sa kwarto ko at nagkulong. Hindi ko na napansin na nasa sala pala si Aether at nanunuod ng telebisyon.

Kung hindi pa siguro siya kumatok sa kwarto ko at nagtatanong kung bakit ang bilis kong nakauwi ay hindi ko pa malalaman.

“Mira,” He called, knocking on my door  but I didn’t even budge to stand up from my bed and open the door for him.

I was on my bed lying while clutching my chest because the pain is just so unbearable. Wala nang luha ang nagpupumilit na tumulo sa mga mata ko at iyon ang pinakamasakit na parte. All I could feel is my aching heart and nothing else.

How could Aspen do that? Gusto ko lang naman siyang tulungan? He’s not the Aspen I used to know.

Aspen, sino ka ba talaga? Ano ba talagang misteryo ang nakabalot sa’yo? You seemed so close to me and yet so far. Ang hirap mong abutin…ang hirap matukoy kung ano ang totoo at hindi sa bawat bagay na ipinapakita mo sa’kin.

“Mira, isa pang tawag ko kapag ‘di mo ‘ko pinagbuksan ng pintuan gigibain ko ‘to!” Narinig ko ang naiinis na boses ng kambal ko mula sa labas.

I bit my lower lip before getting up even if I feel like laying on my bed the whole time. Nawawalan ako ng ganang gumawa ng kahit anong bagay. Sa sobrang sakit ng puso ko dahil sa nangyari kanina ay gusto ko nalang magkulong at mapag-isa muna.

“Isa, Mira—” Halos matumba si Aether sa sahig nang bigla kong buksan ang pinto. Nasa akto na kasi siyang sisipain ang pintuan dahil ayaw ko siyang pagbuksan.

He frowned and immediately composed his posture.

“Bakit ka nagkukulong? May problema na naman ba? Nakita mo ba si Aspen?” Sunod-sunod niyang tanong habang pasimpleng pumapasok sa kwarto ko.

Napailing-iling na lamang ako at pumasok na rin sa loob. He closed the door behind him and looked at me with his hawk-like eyes. He looked at me as if he’s trying to pierce through my soul and seek what’s running on my mind.

I sat on the edge of my bed and looked up at my twin brother. Mapang-usisa ang mga mata nito habang nakapameywang at nakatitig sa’kin na kasalukuyang nakaupo sa dulo ng kama.

“Now, tell me what happened,” Mapang-utos niyang sinabi.

I rolled my eyes. “Boss ka ba? Maka-utos ka ah!”

Binato ko ang throw pillow sa direksyon niya ngunit mabilis siyang nakaiwas kaya tumama iyon sa pintuan. Napasimangot ako.

“Magsalita ka nalang kasi, Bal," Napipikong aniya. He went near me and sat on the single couch inside my room. “What happened to your visit? Natuwa ba siya? Nalungkot? Na-excite? Ano?”

My lips protruded for a pout as a low whimper escaped my mouth. Ang inakala kong luha na hindi na muling tutulo ay muling tumulo at nahulog sa pisngi ko. Napahawak ako sa dibdib ko at tinapik-tapik iyon.

“A-Aether…” My voice broke. “Ang s-sakit-sakit nito,” I sobbed, pointing my chest a bit.

Napaawang ang bibig ng kambal ko habang nakatingin sa direksyon ko. He couldn’t believe I was crying in front of him telling him how my heart aches because of someone. Maybe, he’s thinking that the most impossible thing to do already happened.

Oo nga naman. Ako si Hemera Claudia na walang alam kung hindi ang magbasa ng hopeless romantic na mga libro at mag-aral na wala na yatang katapusan.

Hindi ako lumalabas ng bahay at hindi rin ako marunong mag-commute. I don’t even know how to socialize with other people that much because they find me too intimidating and different from them.

Riding The Waves (Fortalejo Clan #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon