Christmas eve came and we have decided to celebrate it on hacienda para na rin makasama namin sina Glamma at Papa Lo. It’s just six in the morning but the wind brushing against my skin is so cold as if we were embraced by a winter season. Mula naman dito sa teresa ay nakikita ko ang pinsan kong si Gaia na nakikipaglaro sa alagang aso ni Tita Aglaia na si Pitt.
Ray of sunlight is embracing us and yet it couldn’t even bring warm to our numb senses due to the cold of December month. Muli sana akong hihigop ng mainit na gatas na kanina lamang ay iniinom ko nang biglang pumasok si Aether sa terrace at naupo sa upuang nasa harapan ko. His hair is partly disheveled but it didn’t made him looked less handsome. Gwapong-gwapo pa rin ang kakambal ko kahit bagong gising.
“Bal, gusto mo?” Pag-aalok ko sa kanya ng gatas na iniinom ko. Mabilis siyang umiling at napanguso na parang bata.
“I don’t like milk, Bal. I hate the...the taste of it.” He cleared his throat, looking away from my glass of warm milk.
Umarko pataas ang kilay ko dahil sa sobrang pagtataka. As far as I can remember, Aether loves milk more than I do. Anong nangyari? Part of puberty din ba ang pagbabago ng nakahiligang inumin at kainin?
“Sigurado ka? Uubusin ko na ‘to—” Mabilis pa sa alas-kwatrong nahablot niya sa akin ang basong may lamang gatas na binalak ko na sanang inumin.
“A-Akin na nga! Patikim lang!” He hissed, drinking from the glass.
Ang akala ko’y tikim lang ay nauwi sa kawalang laman ng baso ko. Napailing-iling na lamang ako. Aether can’t really lie to me. Panigurado akong may dahilan na naman ang siraulong ‘to kaya ayaw na ulit sa gatas.
“Anong problema mo?” Asik niya, naiinis yata dahil kanina pa ‘ko nakatitig sa kanya.
“Ikaw, anong problema mo? Bakit mo inubos ang gatas ko? Nagtimpla ka nalang sana.” I rolled my eyes at him.
Umawang ang mga labi niya.
“Hala, naubos ko?” Bumalik ang tingin niya sa baso kaya napasimangot ako.
“Niloloko mo ba ‘ko, Aether? Oo, inubos mo! Akala ko ba ayaw mo tapos tikim lang?!”
He pouted like a kid.
“Sorry na, Bal. Nagbibiro lang naman ako na ayaw ko na ng gatas e pero kasi...” His cheeks reddened.
Now, I’m curious.
“What? Pero?”
He scratched his nape as if he’s having a hard time telling me the truth. Sinamaan ko siya ng tingin upang iparating na ayaw kong magsisinungaling siya sa akin. What I hate the most is being lied to. Ayaw na ayaw ko kapag nagsisinungaling sa akin ang mga taong pinahahalagahan ko dahil pakiramdam ko sinisira lang nila ang tiwalang ibinigay ko sa kanila.
Trust is very hard to gain back once it gets broken. Siguro nga may mga taong madaling magbigay ng second chance at magtiwala ulit pero meron din namang ayaw na dahil natatakot na malokong muli. And I could say that I’m in between. I always trust and verify first just to make sure.
Trust, but verify.
He puffed a breath, finally accepting his defeat. Nangalumbaba siya sa lamesa at tumanaw sa malayo.
Ngayon ko lamang nakita ang problemadong itsura ni Aether. I wonder what’s his problem?
“I lied to you, Bal. I just don't like her. Mahal na mahal ko si Eris,” He frustratingly said while looking deeply at nowhere.
Tinitigan ko ang aking kakambal at ginaya siya. Nangalumbaba rin ako sa lamesa at tumanaw sa malayo kung saan puro nagtataasang puno ang nakikita ko at ang malawak naming plantasyon.
BINABASA MO ANG
Riding The Waves (Fortalejo Clan #1)
RomanceFortalejo Clan #1: HEMERA Falling in love with you is like riding the waves, I have to keep my balance or else, I will drown and sink into the depths of the vast ocean. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.