It's finally the night of senior high ball. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng excitement sa buong katawan ko. Sumasama naman ako sa mga acquaintance party noong nasa junior high at si Aether lang ang lagi kong kasama tapos lalantakan namin 'yong pagkain.
Kapag wala si Aether dahil abalang makipagkita sa mga kaibigan niya sa pagtitipon, nandoon lang naman ako sa loob ng classroom namin dahil hindi ako nakikihalubilo. Like what i've said before, all I know is to study and study and study. Walang katapusang pag-aaral pero dahil kay Aspen, natutunan kong i-enjoy ang pagiging bata ko.
He made me live my youth. He's the greatest part of it and will forever be.
"Ang ganda-ganda naman ng Mira Claude namin!" Tili ni Tita Felicity nang masilayan ako pagkababa ng kuwarto. Tita Yana is the one who put my make up on. Wala raw kasing hilig sa pagme-make up si Mom kahit noong kabataan niya at halos bihira nga lang daw siyang gumamit niyon dahil naiirita ang mukha niya.
My lips protruded for a pout. Umikot-ikot pa ako upang ipakita sa kanila ang kabuuang ayos ko. Nasa sala si Tita Felicity at nakaupo habang katabi nito si Gaia na tanging anak nina Tita Yana at Uncle Adonis. Nang mapag-alaman kasi nilang may senior high ball kaming magaganap sa EDPS ay hindi sila nag-atubiling magtungo rito sa bahay upang tulungan ako.
Of course, it's all my Momma's idea.
"O, 'di ba! Dalagang-dalaga tignan!" Proud na sinabi ni Tita Yana. "Light make up lang ang in-apply ko sa kan'ya dahil kahit walang make up ay papasa na siyang diyosa."
"Mana sa nanay, e." ani Momma, nakangisi kay Tita Yana.
Nagtawanan kaming apat. I'm wearing the evening dress na binili namin ni Mary sa boutique last time kasama si Jayer. It's a huge of deep blue. Punong-puno ito ng Swarovski diamonds bilang disenyo at off shoulder din kaya naman kitang-kita ang maputi kong balikat. Ito ang unang beses na nakapag-suot ako ng ganitong uri ng damit.
Mostly, I'll just wear a skinny jeans, leggings and pair it with hanging blouses and oversized shirts or hoodie. Basta 'yong mga suotan ng conservative people. Gano'n kasi ako, parang manang manamit pero magmula nang magsimula ang puberty stage ko ay napakarami nang nagbago sa'kin. I'm starting to think more mature than I was before, I'm becoming more aware of what to do and not to do as a girl. Kung noon ay seryoso na ang pag-uugali ko, sa tingin ko ay mas dumoble pa iyon ngayon.
They're busy complimenting me when Aether suddenly popped out of nowhere wearing a black shawl lapel suit. It perfectly suits my twin, he's so handsome. Pero syempre, hindi ko sasabihin 'yon dahil baka lumaki na naman ang ulo niya e. Knowing Aether, may pagka-GGSS 'yan.
"Natulala ka na naman sa kagwapuhan ko," Nakangising ani Aether nang mapalingon sa direksyon ko. Inirapan ko siya.
"Dream on, Bal. Just an average-looking." Tumango-tango pa ako upang mas maging makatotohanan. Napasimangot siya at nilingon si Momma.
"Ma, why my sister can't accept that she has a handsome brother?"
Lihim akong natawa dahil sa kunot-noong tanong niya kay Momma. Nagtawanan din sina Tita Yana at Tita Felicity dahil sa naging tanong ni Aether.
"Don't worry, Aether, you're just as handsome as your Dad." ani Mom at hinalikan sa noo ang kambal ko.
Aether looked at me, smirking. "Heard that, Bal? I'm handsome. Bulag ka talaga minsan, e. Mas gwapo pa nga ako sa boyfriend mo." Swabeng aniya.
I scoffed. "Asa ka na lang. Mas gwapo pa rin si Aspen sa paningin ko." Napailing-iling ako.
Totoo namang gwapo si Aspen. Ah, no. He's cute and handsome at the same time. At wala nang makapagbabago ng tingin ko sa kan'ya.
BINABASA MO ANG
Riding The Waves (Fortalejo Clan #1)
RomanceFortalejo Clan #1: HEMERA Falling in love with you is like riding the waves, I have to keep my balance or else, I will drown and sink into the depths of the vast ocean. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.