Chapter 12

153 1 1
                                    

Playlist: Collide by Howie Day.

Napatigil ako sa pagtutuyo ng buhok nang mahagip ng paningin ko ang bedside table kung saan ko ipinatong kanina ang glass jar na puno ng mga nakabilot na maliit na papel. Aspen told me I could read one piece of message since it’s 29th day of November. Sa isiping ‘yon ay mabilis akong naupo sa gilid ng kama at inabot ang glass jar.

I puffed a breath before opening it and randomly picked a piece of rolled paper. Mabilis at malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa antipasyon na nararamdaman. I can’t wait to read the message written inside this rolled paper. Binuklat ko ang papel at agad na tumambad sa akin ang sulat-kamay ni Aspen.

He really has a good penmanship, huh? It looks so neat and you can’t even see any trace of random ink that came from the pen he used. Mukhang iniiwasan niyang mabahiran ng kahit anumang dumi ang papel. Just by the thought of it already makes my heart flutter.

You’re my sunshine.

That’s what’s written in the paper. I am his sunshine?

A gentle smile slowly made its way to my lips. Sa kaalamang ginawa niya ito para sa akin ay napaka-espesyal na no’n. I’ve never received letters from anyone all my life. This is the first time and it feels great. O, baka naman dahil mahal ko siya kaya ganito na lamang katindi ang apresasyon na nararamdaman ko? He put so much effort into this...just for me.

“And I think you’re my moon, Aspen... silent but secretly shining,” Bulong ko sa hangin habang mahigpit na nakahawak sa papel.

It was before the Christmas eve when our school have decided to conduct an outreach program for families, especially to kids and make them all happy.

“Here,” Inabot sa’kin ni Aspen ang isang papel na hindi ko naman alam kung ano ang nakasulat. “Parental consent ‘yan.” aniya na tila ba nabasa ang tanong sa isipan ko.

He sat next to me and I just watch his every movements. Nangunot ang noo ko nang imbes na magulang niya ang pumirma sa papel ay siya na ngayon ang pumirma roon.

“Akala ko ba parental consent? E, bakit ikaw naman ang pumirma diyan? Pinepeke mo pa ‘yong pirma!” I said, furiously.

He glanced on my way. Ngumuso siya at nagkibit-balikat na tila ba walang pakialam kung pinepeke man niya o hindi ang pirma roon.

“Wala akong aasahan sa ama ko. Tsaka, hindi naman malalaman ng adviser natin na ako ang pumirma rito e,” He said, "Unless... isusumbong mo 'ko?"

Inirapan ko siya. "At bakit ko naman gagawin 'yon?!"

Ngumiti siya at bahagyang ginulo ang buhok ko kaya naiinis na pinalis ko 'yon sa taas ng ulo ko.

"Because you always choose what you think is right?" Sumimangot ako kaya itinuon niya na lang ulit ang tingin sa parental consent. “Look how neat my handwriting is!” Pagbibida niya pa at inilapit sa mukha ko ang papel.

I rolled my eyes. “Edi ikaw na ang may magandang handwriting! But anyway, I’ll ask Dad to sign this. Gusto ko ring sumama.”

“Talagang sasama ka kasi hindi ako papayag na ako lang ang pupunta nang mag-isa ‘no!”

Napailing-iling na lamang ako. Ever since I got to realize what I truly feel for Aspen, I always look forward of seeing him everyday. Mapa-school man o sa Isla De Verde. Nagiging madalas na rin kasi ang pagpunta niya sa isla at ang laging dahilan niya ay ang pangingisda at pangangalakal. He's working with War.

Aspen is not just a mere guy i've met a long time ago. He’s a good company, a best friend to me. Kahit na madalas ay iniiwas niya ang topic kapag buhay niya na ang pinag-uusapan. I always feel so upset but I’m trying my best to understand him, at least.

Riding The Waves (Fortalejo Clan #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon