Epilogue

344 6 0
                                    



"Serrano?"

Napalingon ako sa nakabukas na pintuan ng classroom ni Ma'am Buna-ag. She's actually an adviser of Grade 8, section Narra.

Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag sa balikat ko. I could still feel the aching pain on my back and shoulder. Damn, pakiramdam ko ay parang mababali ang buto ko. Nag-away na naman kasi kami kagabi ng ama kong walang ginawang matino kung hindi mag-inom ng mag-inom at ubusin lahat ng perang sinasahod namin ng mga kapatid ko sa pangingisda't pangangalakal para lang sa sugal.

"Yes, Ma'am?" I gave her a smile. Striktong tumango naman ito sa akin at may iniabot na libro. Mga tatlong makakapal na libro yata iyon.

"Can you bring these books back to the library? Limang minuto na lang bago ang susunod kong klase. I don't have an enough time to do it personally."

Tinanggap ko ang mga libro. "Walang problema, Ma'am!" Sumaludo pa ako at mas linawakan ang pagkakangiti.

"Maraming salamat."

I heaved a deep sigh as I continued walking. Ramdam na ramdam ko ang sobrang kapaguran ng katawan ko. Nang makarating sa library ay mabilis akong pumasok at nag-umpisang hanapin ang shelf kung saan ang section ng librong ipinakisuyo sa'kin kanina ni Ma'am Buna-ag.

Napakamot na lamang ako sa sariling batok nang nasa kalagitnaan na ako ng aisle pero hindi ko pa rin nakikita ang shelf na para sa mga librong hawak ko. It was almost the dead end of the library when I found the right shelf. Maayos kong ibinalik doon ang tatlong makakapal na libro. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang mga alikabok na lumipad sa ere nang isauli ko ang mga libro.

Papalabas na sana ako sa dulong aisle nang may mahagip ang paningin ko. It was an isolated spot in the library. Bihira lamang ang mga estudyanteng pumepwesto roon at tanging siya lamang ang naglakas ng loob na mamalagi roon.

There was a girl, sitting on the chair alone. It's like she doesn't even care at all if she's alone. Nagbabasa ito ng libro at may nakakalat pa na notes sa lamesa. Bahagya itong nakayuko at natatakpan ng mahaba niyang buhok ang kaniyang mukha kaya hindi ko ito makita.

Muli pang nanatili ang paningin ko sa kan'ya ng ilang sandali hanggang sa nagpasya na akong aalis na sana ng tuluyan pero bigla na lamang itong tumayo at pinong-pino ang bawat kilos na inorganisa ang kan'yang mga gamit. When she's finally done fixing her things and putting it all in her bag, she slightly bent down and tied her hair in a half.

Doon ko tuluyang nakita ang itsura niya. She has this ocean blue eyes, fair skin— no, it's more like a complexion of a snow in winter season. Hindi ba siya lumalabas ng bahay nila? She'll definitely passed as a vampire princess or queen.

She's incandescently beautiful. Damn.

Napaawang ang mga labi ko. Nagsimulang pumintig ang puso ko ng mabilis at malakas. Parang nagpa-palpitate. Tang ina, hindi naman ako uminom ng kape kaninang umaga ah?

Mabilis kong ipinilig ang ulo at napatunganga sa babaeng estranghero na may kulay dagat na mga mata. The next time I blinked my eyes, she's already gone. What the fuck?

"I must be lack of sleep," I murmured. Huminga ako ng malalim at mabilis nang lumabas ng library matapos maibalik ang mga libro sa shelf.

But fate has a really nice way of twist. Hindi ko akalaing masusundan pa ang mga pagkikita namin. Or should I say, I keep on seeing her somewhere wherever I go? Sa loob nga lang ng eskwelahan. Tang ina, nagtutunog minamaligno na yata ako base sa mga pinagsasabi ko.

Because right here and then, I just suddenly found myself sitting on one of the library's chair while watching her like a creep. Nandoon na naman kasi ito sa lagi nitong pinupwestuhan. I felt like she bewitched me. Pwede ba 'yon? Para akong ginamitan ng mahika kasi ang lakas ng pintig ng puso ko kapag pinapanood ko siya o nakikita ko 'yong mukha niya.

Riding The Waves (Fortalejo Clan #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon