Chapter 30

245 5 4
                                    



Hello! This is the last chapter of Riding The Waves. Thank you for making it this far even though my stories aren't perfect and all of my characters are flawed and I'm unable to specified their details well enough. I hope you enjoyed reading the whole story. The next update will be the Epilogue.  And also, I'd like to dedicate this story to my dear friend Jannie. I used to call her Jean Claude. Thank you, Jean Claude. For believing that I can finish this story. Thank you for your overflowing support and to all those people who keep on believing in me even if I couldn't believe in myself anymore. You're all deeply appreciated.

---


Days turned into weeks and months but
we still haven't find Kuya Conan. It turned out na false hope pala ang lead na tinutukoy ng agency noon. It wasn't Kuya Conan. Isang lalaki ang natagpuan ng agency na hawak ang telepono ni Kuya Conan na namamalagi sa bulubundukin ng West Island.

Ayon sa lalaki ay nakita niya lamang ang telepono sa dalampasigan. Mukhang inagos raw ito ng dagat doon. Hindi nasira ang telepono dahil waterproof iyon. Napatunayang kay Kuya Conan nga iyon base na rin sa mga litratong nasa gallery nito at ang phone case na gamit ay pina-customized pa ni Tita Felicity na may pangalan ni Kuya Conan.

The police are starting to lose their hope. Ang agency naman ay pressured na pressured sa pagtatrabaho dahil sa pagkawala ni Kuya Conan. Sa mga nakalipas na buwan ay nahihirapan na rin kaming makausap si Tita Felicity. Kapag nababanggit ang pangalan ni Kuya Conan ay bigla na lamang itong iiyak.

Uncle Adonis checked up on her and he diagnosed that she's having a post traumatic stress disorder due to Kuya Conan's absence.

"Huwag niyong kalimutan ang camera!" Pahabol na sinabi ni Momma sa aming dalawa ni Aether. Nagkukumahog itong kumilos. Papunta-pabalik sa sala at kusina.

"Ma, chill. Marami pa tayong oras para maghanda. Mas excited ka pa sa gagraduate e!" ani Aether dahilan para magtawanan kaming naroroon.

Lahat kami ay naroroon sa sala. Today is March 15, Gaia's graduation day. I can't believe that she's already graduating right now. Akalain mo iyon? Parang noon sobrang bata pa niya. Hindi ko lang talaga ma-imagine na ang bilis lumipas ng panahon. Mabilis din lumaki ang mga bata.

One moment they're just learning how to walk through their own feet and the next, they're already a grown up people.

"Tita Cean, tama po si Kuya Aether. Just chill!" Pagsesegunda naman ni Gaia na abalang umiinom ng pineapple juice niya. She's already wearing a halterneck teal dress. And I could say that she's very pretty.

Napasapo sa kan'yang noo si Momma. Natawa ako at bahagyang lumapit sa kan'ya para kunwaring hilutin ang balikat niya.

"Calm down, 'Ma. Wala pa ngang alas diyes, oh?" Inginuso ko pa ang wall clock sa harapan. "Mamayang alas onse pa ang graduation ni Gaia. Ikaw naman masyado kang nerbyosa. Iwasan mo na ang pagkakape, Momma."

Pabirong pinanggigilan ni Momma ang pisngi ko at huminga ng malalim upang pakalmahin ang kan'yang sarili.

"I'm just excited, okay? I'm not nervous!" Pagkuwan ay nilingon nito si Dad na nagbabasa ng diyaryo habang nakaupo sa single couch. "Right, Alon?"

Dad lifted his gaze and instantly nodded. Akala mo'y pinagbantaan sa bilis niyang tumango. Matagumpay namang gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Mom.

"Good."

Nag-ayos na kami nang pumatak sa alas diyes ang oras. Sa social hall gaganapin ang graduation ni Gaia. I'm so proud of my cousin. Kitang-kita mo ang galak sa mga mata niya at sa kan'yang mga magulang. Of course, they'd be proud of her no matter what. Gaia is their only child. Lahat ng gustuhin nito ay makukuha niya. Kay Uncle Adonis pa nga lang ay spoiled na ito.

Riding The Waves (Fortalejo Clan #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon