Chapter 20

146 0 0
                                    


I've spent my time reviewing the pointers. Isang Linggo na lang bago magsimula ang first periodical exam namin para sa unang semester. Kahit maraming bagay ang bumabagabag sa'kin, pinilit ko pa rin ang sariling kalimutan ang mga 'yon at itinuon ang lahat ng oras sa pag-aaral.

Dumating pa nga sa puntong hindi ako mapakali hangga't wala akong ginagawa. Na hindi ako nagre-review kasi alam ko ang mangyayari kapag wala akong gagawin. More than anyone else, I knew myself best. Alam kong iisipin at iisipin ko lang ang mga nakita ko noong nakaraang Linggo. 

We haven't talked yet. Magmula nang makita ko kasi sila sa former room ng glee club, nagsimula na akong umiwas. Gulong-gulo ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Ang madalas ko tuloy na kasama tuwing lunch at kapag lalabas ng building ay si Mary at Jayer pero dahil madalas ding nangangapit-bahay ng classroom ang babae ay si Jayer ang nakakasama ko. She won't stop bugging Arrow. Nababaliw na siguro kay Arrow kaya gano'n.

"I think you should also rest, Mira. Say, let's grab some snacks?" Nag-inat si Jayer at sumandal sa upuan. We're currently residing in the library to study. Siya na tuloy ang palagi kong kasama rito tuwing lunch break at hindi na si Aspen.

Everything is falling apart. In just a span of time, nagkagulo-gulo na ang lahat. Hindi ko alam kung ano ang naging puno pero alam ko ang magiging dulo...dahil nararamdaman ko na. It's like a premonition feeling but honestly, it's just my instinct as a woman doing the work.

I shook my head, not retreating my eyes from the book and my written notes. Ilang araw na akong ganito. Puro aral at halos hindi na rin lumabas ang kwarto ko. Inaabot ako nang hanggang madaling araw sa pagre-review at papasok ako sa eskwelahan kinabukasan na puyat dahil kulang sa tulog.

Ito pa lang ang unang beses na nangyari sa'kin ang ganitong bagay. Before I met Aspen, I've been reviewing with the right amount of time. May oras para sa pagre-review at may oras din sa pagpapahinga pero ngayon puro aral na lang ang ginagawa ko. In order not to overthink things, I need something to divert my attention from processing and going back to what I've heard and see before.

Kahit isang hello o hi ay wala talaga siyang paramdam. Parang biglang nawala na lang siya na parang bula sa mga kapit ko. It's like we're back being strangers once again. Me not knowing him and vice versa. Thinking of it always hurts me. Bakit kailangan niya akong ganituhin? Ano ba talagang problema?

Did something happen to him again? Sino ba ang tinutukoy nila ng Zoey na 'yan sa pinag-uusapan nila no'ng nakaraan? Aspen is really hard to decipher most of the times. Bilang nga lang sa daliri ko ang ilang beses na nababasa ko ang iniisip o emosyon niya.  He's so great at pretending things.

"Come on, Mira. We'd been doing this for three days in a row already. You should rest for awhile. May oras pa naman para mag-aral. Alam kong matalino ka pero wag mo naman sanang sobrahan. Studying too much can put you in the edge of losing." Malumanay na ani Jayer, nag-aalala sa'kin.

Mapait akong napangiti, inangat ang paningin sa kanya.

"Papayag ako basta a-attend ka ng 18th birthday ko pagkatapos ng senior high ball, huh?" My eyes started to water but I harshly wiped it away.

His eyes softened. "Mira..."

Kahit sinubukan kong pigilan ay nanginig pa rin ang mga labi ko nang magsalitang muli. Ngayong nabanggit ko na kay Jayer ang tungkol sa paparating kong debut, bigla ko na namang naalala 'yong taong dapat una kong binibigyan ng imbitasyon. He was supposed to be my 18th roses. He was supposed to be my last dance but where is he now?

"K-Kasi Jayer... If you won't come, a-anong sasabihin nina Dad? That I didn't prepared everything beforehand? Na b-bakit wala akong last dance? What am I s-supposed to say? Na may ibang p-pinagkaka-abalahan si Aspen bukod s-sa'kin?" Tears streamed down my face as I cried silently. Ramdam ko rin ang pagbabara ng ilong ko at ang hirap ko sa paghinga.

Riding The Waves (Fortalejo Clan #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon