Chapter 19

109 1 0
                                    

Nang makauwi ako sa bahay ay para akong tinatangay ng hangin sa bawat paghakbang ng mga paa ko. Naabutan ko pa si Aether na nakaupo sa sofa at nakadekwatro na akala mo'y hinihintay ang pagdating ko.

"Naihatid mo—" Natigil siya sa akmang pagsasalita nang mapansin niya ang itsura ko. He's quick enough to stand up and attend me, holding my arms carrying a worried look in his eyes. "What happened, Bal?"

Umiling ako pero ramdam ko sa dibdib ko ang bigat na dinadala niyon ngayon. Matapos ang naging pag-uusap namin ni Aspen ay bigla na lamang ito nagmartsa paalis na hindi man lamang hinihintay ang sagot ko. Ang sakit ng nararamdaman ko pero ano namang magagawa ko?

Mali ba talaga ako? Sumobra ba 'ko?

"It's okay, it's okay..." Pag-aalo ni Aether at iginiya ako patungo sa ikalawang palapag at pinapasok ako sa kuwarto.

I sat on the edge of my bed while he's standing tall in front of me. Makikita mo ang pag-aalala sa kanyang mga mata na kanina lamang habang gumagawa ako ng proyekto kasama si Jayer ay punong-puno ng pang-aasar.

"Naghatid ka lang ng isda pagdating mo para kang minalas sa pamimingwit?" Nameywang siya, nagtataka sa inaasal ko.

I frowned. "Anong isda? May pangalan siya, Bal at Jayer 'yon."

"So? Pwede bang malaman kung anong nangyari sa'yo, Mira? You looked down as if your heart just fell." He sat on the single couch in front of me. Matiim ang titig nito sa'kin na tila ba inaarok ang kung anumang laman ng isipan ko ngayon.

Why does this scene seems déjà vu to me? Parang nangyari na rin ito noon sa'kin. Na nakaupo ako sa kama at si Aether ay nakatunghay sa'kin at naghihintay na ikuwento ko ang mga pangyayari.

"You don't have to worry about me, Bal. I can handle this... I need to." I whispered the last words, lowering down my head as well.

Narinig ko ang buntong hininga ni Aether at ang marahan niyang pagtayo sa upuan. He tapped my shoulder lightly as if he's telling me that he's just beside me always. Na lagi siyang nasa likuran ko upang sumuporta at makinig sa mga problem ko sa buhay.

Because of that, I felt like crying.

"Lalabas na ako. If you need something, just knock on my door, alright?"

Hindi ako sumagot kaya hindi na rin siya nangulit pa. He just gave me a kiss on my forehead and quietly leave the room. Para naman akong pinipigilan huminga ng kung sino dahil sa sobrang kapos ko sa hangin.

And in just a snap, my tears come streaming down my face once again. Biglang bumalik sa isipan ko ang mga pangyayari kanina. Aspen leaving me behind without even waiting for my response. Pagkatapos niya sabihing nagseselos siya kay Jayer ay basta na lamang siyang tumalikod at umalis nang hindi nagpapaalam.

Why do I feel like it's my fault again this time? Lagi ko na lang ba 'to mararamdaman sa tuwing nagtatalo kami? Pero tama naman ako sa sinabi kong mag-partner lang kami ni Jayer at hectic ang schedule ko dahil sobrang daming pinapagawa ng bawat guro. I couldn't even find a time for myself alone.

Abala ako sa pagmumuni-muni at pagpoproseso ng mga nangyari nang marinig kong may kumatok sa pintuan ko. Mabilis kong pinunasan ang luha ko at inayos ang sarili upang hindi mababakasan ng pag-iyak bago nagtungo sa pintuan at binuksan iyon.

"M-Mom!" I said, startled.

Hindi ko inaasahang aakyat dito si Momma. Alam niya bang may nangyari sa'kin matapos kong ihatid si Jayer sa pier? Does she know that I feel heavy and hurting at the same time?

She examined my face and looked into my eyes with tenderness in her ocean blue eyes.

"Tinatawag kita kanina no'ng makapasok ka sa bahay pero mukhang preoccupied ka at hindi mo man lang narinig ang boses ko. Meanwhile, Aether is busy helping you out so he doesn't have the time to give me attention. Can I come in, 'nak?"

Riding The Waves (Fortalejo Clan #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon