Chapter 26

188 1 0
                                    



Warning: This chapter contain mature content that is not suitable for young readers. Read at your own risk.



"Go, Mira! Go! Go! Go!"

Hindi ko alam kung paano ko mas naririnig ang boses ni Heart sa kabila ng maraming boses na sinasambit din ang pangalan ko. I smiled while battling with the big waves.

Wala pang isang Linggo ang pananatili ko sa Isla De Verde pero nag-book agad ako ng flight patungong Singapore para sa isa na namang surfing contest na sinalihan ko. And as usual, Heart being a great supporter of mine, mas nauna pa siyang nakarating sa Singapore kasama si Roshan at tumuloy sila sa isang hotel.

Nagulat pa nga ako nang malaman iyon pero ipinagkibit-balikat ko na lang din. As long as she's happy, who am I to stop her? Gusto ko lang din namang maging masaya ang kaibigan ko.

Patuloy sa pagpapatianod sa tubig ang gamit ko surfing board. Dinig na dinig ko rin ang malalakas na kantyaw ng manonood sa dalampasigan. Most of them are all chanting my name and looking forward of my next tricky move.

Oh, how can I forgot the fact that my last competition in Hawaii brought a huge impact to audience? As far as I can remember, my tube riding became an iconic mark for all of them. Nakita ko pa nga ang sarili sa halos mga sikat na magazine, newspapers at pati na sa balita matapos ang kumpetisyon.

Another group of waves curled up ready to attack us in our direction. Apat kaming magkakalaban ngayon at kasalukuyang nakatayo't binabalanse ang mga sarili sa kanya-kanyang surfing board. We're all alert for another shot of big waves approaching us.

Napag-usapan na naman 'to ni Coach kanina bago pa ako sumalang sa kumpetisyon. It doesn't matter if I win or not as long as I'm enjoying the game. Alam kong mahalaga pa rin sa kan'ya na manalo ako dahil isa pa rin siyang coach na naghahangad ng tagumpay at kagalingan sa mga estudyanteng tinuruan nila. They still exert some effort and time and it should be paid off too.

I heaved a deep sigh as the big shot of waves enveloped us. Akmang iaabante ko na sana ang isang paa ko nang isang lata ang napunta sa taas ng surfing board ko at doon aksidenteng tumapak ang paa ko dahilan para mapaigik ako sa sakit at makita ang unti-unting pagpuslit ng dugo mula sa aking talampakan.

"Shit," I cursed, looking at the blood flowing out of my skin.

Bahagya akong nag-squat para kunin ang latang nakasugat sa paa ko. Ito ang hindi maganda sa pagtatapon ng mga basura sa karagatan. Not only we could get pollution from it but it can also hurt other people accidentally wherever it flows.

I was about to stand up straight to continue the contest when another shot of big waves attacked us. Mabilis akong nawalan ng balanse dahil sa malakas na hampas ng malaking alon sa akin. Idagdag pa na sobrang sakit ng paa ko dahil sa natamong sugat mula sa latang aksidenteng napunta sa surfing board na gamit ko dahil sa pagdaloy kanina ng malaking alon. Marahil nadala ito ng tubig.

Natumba ako mula sa surfing board at lumubog sa tubig. The ocean water here is not clearer than Isla De Verde. Madilim ang pagkaka-asul ng karagatan dito hindi gaya sa isla. Kakulay nito ang kalangitan ngunit malinis at kitang-kita ang mga isda at halamang-dagat sa tuwing mamamangka ka o sasakay ng ferry at yate.

"Oh, no! The gold medalist Hemera Claudia Fortalejo fell off of her surfing board! What's happening?" Dinig kong ani ng announcer sa dalampasigan.

Bumubula ang tubig dahil sa hanging inilalabas ko mula sa bibig. Inahon ko ang ulo at hinanap ang surfing board. Pasalamat ko na lang dahil hindi pa ito masyadong natatangay palayo sa'kin ng dagat kaya mabilis akong lumangoy patungo roon at sinakyan iyon.

Riding The Waves (Fortalejo Clan #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon