Chapter 27

175 0 0
                                    


Mataman ko lamang na pinapanood si Aspen habang pinapalitan ang gauze na nakabalot sa paa ko. He just finished treating my wound again. Masakit pa rin iyon at paika-ika pa rin ang lakad ko pero  hindi na masyadong nagdurugo hindi gaya kahapon na halos ayaw tumigil sa pag-agos ang dugo dahil may kalaliman pala talaga ang sugat na natamo ko.

"It's done." Pagkuwan ay nilingon niya ako at hinawakan ang magkabilaan kong tuhod. The way he looks at me sent shiver down my spine. Parang ibinabalik ako nito sa nakaraan kung saan masaya kaming nagsasama na dalawa.

I smiled back. "Thank you."

"It's nothing. You should've been more careful knowing that I'm not around by that time to watch you." aniyang namumula pa ng bahagya ang leeg.

I got worried to see that he's turning red. Hinawakan ko ang leeg niya at itinabingi para makita kung may pantal ba siya o ano pero wala naman.

"You're turning red. Did you eat something that you might be allergic to?"

His lips parted in awe then he suddenly let out a low chuckle. Napakunot ang noo ko sa pagtataka dahil sa ginawa niya. What's so funny about it? I'm just asking him if he had eaten something kasi namumula nga ang leeg niya. Akala ko nagka-allergy siya.

"No, no." He shook his head. Mas lalong namula ang leeg niya hanggang sa umabot iyon sa pisngi niya. Nagulat din ako nang tumayo na siya at tumalikod sa'kin. "Let's go? Naayos ko na ang mga gamit mo kagabi pa."

Parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso ko nang marinig ang sinabi niya. I secretly smiled and stood up as well. Nagtungo ako sa gilid niya at bahagyang tumingkad upang bigyan siya ng isang mabilis na halik sa kan'yang pisngi. He was taken aback of what I did because his hands immediately landed on his cheek, lips parting open in shock.

"Thank you ulit." Then I walked towards my things. Maayos na nga ang mga ito. Wala na rin naiwan sa silid na tinutuluyan ko.

My cheeks burned when the memory of last night came crashing down in my mind. We made love to each other. Goodness!

"Ikaw naman ang namumula ngayon. May allergy ka rin?" Dinig kong sinabi ni Aspen na sa isang iglap ay nasa tabi ko na pala. I could see that he's teasing me because there's amusement dancing in his eyes.

Heat crept into my cheeks even more. Bakit ba bumabalik sa isipan ko ang bagay na iyon? Argh!

"A-Ah, wala. Wala!" Halos tunog defensive kong sinabi at nagmamadaling kinuha ang bag ko pero mabilis niya akong napigilan.

"Ako na," He said, grabbing my things from my hands. Isinukbit niya ang dala kong shoulder bag na kulay krema sa kan'yang balikat at hawak din niya ang knapsack na dala ko para paglagyan ng iilang pirasong damit. "Your foot is injured."

My brows arched up. "And so? Anong connect niyon sa pagbubuhat ko ng bag?"

He rolled his tongue over his lips. Hindi ko maiwasang sundan ng paningin ang ginawa niyang iyon. Ramdam na ramdam ko tuloy ang pamumula ng mukha ko. Damn, why does he looked sexy while doing that? Tsaka bakit ako nate-tempt na halikan siya ulit?

Ano ba, Hemera Claudia? Maghunos-dili ka! Nakakahiya na, ah!

"First of all, I know you're sore—" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Mahina akong napatili at pinaghahampas siya sa braso pero ang hudyo ay tatawa-tawa lang.

"Gago ka talaga, Aspen Leon Serrano!" Tili ko.

He laughed, shaking his head. "No, baby. It's Aspen Leon Cardinal."

Riding The Waves (Fortalejo Clan #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon