Playlist: Nothing's Gonna Change My Love For You by George Benson.
December 29. I was very excited to grab the glass jar and randomly picked another roll of paper. Kumakabog sa pinaghalong pagkasabik at tuwa ang puso ko. Ano naman kaya ang nakalagay sa papel na nakuha ko ngayon?
Matapos makakuha ng isang bilot ng maliit na papel ay muli kong isinarado ang glass jar at ibinalik sa dating kinalalagyan niyon. I turned my attention to the roll of paper and open it.
You're the rainbow after the rain.
Napanguso ako at hindi ko maiwasang hindi kiligin. I'm the rainbow after the rain? Does that mean I'm the rainbow in his life?
Ipinilig ko ang ulo at nilagay ang papel sa isang box kung saan ko inilagay ang unang papel na binasa ko last month na tapos ko nang buklatin at mabasa.
"Mira, nasa labas na 'yong date mo!" Dinig kong sigaw ni Aether mula sa ibaba ng hagdan.
"Oo, papunta na!" Mabilisan kong sinuklay ang buhok ko at napatingin sa sariling repleksyon sa salamin. I smiled while examining myself in the mirror.
Hindi naman ako pala-ayos sa sarili ko pero magmula nang makilala ko si Aspen, nagsimula na akong ma-concious sa sarili ko. I always want to look beautiful whenever I'm with him. Gusto ko makita niyang maganda ako at bagay kami. Argh!
After checking my reflection, mabilis ko nang kinuha ang sling bag ko sa kama at lumabas na ng kuwarto. Nang makababa ako ay naabutan ko pa si Aspen na kausap si Aether. Mom and Dad aren't here because they went out together with Tito Agamemnon and Tita Felicity. May pinuntahan yata silang importante. Business, I guess.
"Oh? Nandito na pala si Mira Claude," ani Aether at tinignan ako mula ulo hanggang paa bago bumusangot. "What the fuck are you wearing, Mira Claude?"
My forehead crease in confusion. Ano bang problema niya?
"S'yempre damit! Ano pa ba?" I rolled my eyes, turning around as if I'm showing him what I'm wearing. "Bagay ba?" Bumaling ako sa direksyon ni Aspen na nakakunot din ang noo habang nakatingin sa damit ko.
"Ano bang problema niyong dalawa?! Nakakasama na kayo ng loob!" I hissed, irritated.
Ang ganda-ganda ng suot ko tapos gan'yan ang ibibigay nilang reaksyon sa'kin? Puro mga nakabusangot?! Hilahin ko kaya ang mga nakabuslong bibig nila?!
"You're exposing too much skin," Halos magkapanabay nilang sagot.
Napaawang ang bibig ko at hindi makapaniwalang napatingin sa dalawang lalaking nasa harapan ko ngayon at nakaupo sa sofa.
"This is what you call fashion!" I frowned, "Anong gusto niyo? Magsuot ako ng damit kung saan balot na balot ang buong katawan ko? Hindi sa kumbento ang punta ko, paalala lang!"
"Hindi nga sa kumbento ang punta mo e sa suot mong 'yan para ka namang pupunta sa motel at makikipagta—"
"Makikipag ano?! Aba'y gago ka talaga, Aether Caspian!" Tili ko at walang habas na ibinato sa direksyon niya ang sling bag ko ngunit mabilis siyang nagtago sa likuran ni Aspen kaya sumakto sa pagmumukha ni Aspen ang sling bag ko.
"What the fuck?" Umawang ang labi ni Aspen nang tumama sa kan'ya ang sling bag.
I grimaced. "Bwisit talaga kayo!"
Tumawa ng malakas si Aether. "Seriously, Bal, I think you should change your clothes. Ayos lang naman sa'kin na magsuot ka ng mga damit na kita ang balat mo pero bata ka pa kasi Mira Claude. Take care of yourself. Tsaka ka na magsuot niyan kapag nasa tamang edad ka na."
BINABASA MO ANG
Riding The Waves (Fortalejo Clan #1)
Любовные романыFortalejo Clan #1: HEMERA Falling in love with you is like riding the waves, I have to keep my balance or else, I will drown and sink into the depths of the vast ocean. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.