Chapter 11

150 3 0
                                    



Kanina pa ako nasa labas ng bahay nila Uncle Adonis ngunit wala pa ring nagbubukas ng pintuan. Muli akong kumatok at nilakasan ko na iyon sa pagkakataong ito.

Halos matumba ako sa pagkakatayo nang bigla iyong bumukas at bumungad sa’kin ang pinsan kong si Gaia. She looked irritated but when her cute little doe eyes gaze upon me, it immediately lit up.

She looked like a freaking doll.

“Hey, baby Gaia,” Nakangiting bati ko sa kanya at yumuko upang magpantay ang aming mga mukha. Agad naman siyang lumambitin sa leeg ko habang tumatawa.

“Ate Mira! What are you doing here po?” Her voice sounded so innocent and her eyes held pure curiosity.

“Nand’yan ba ang Daddy mo, Gaia? Ate Mira just wanted to talk to him.”

Ngumuso siya at kalaunan ay mahinang tumango. “Opo, Daddy's inside. Actually, he’s waiting for you. Narinig ko sila kanina ni Mommy na nagto-talk po.”

I carried Gaia in my arms as I stride my way inside their house.

“Okay. But, baby, next time kapag naririnig mo sila Mommy mo na nag-uusap, don’t eavesdrop, hmm? Bad ‘yon e.”

Pinagluran niya ang buhok ko habang nakanguso. She doesn’t seemed happy about it. Napailing-iling na lamang ako. Ganito pala talaga kapag brat. Matigas ang ulo.

When I got inside their house, I found Tita Yana sitting on their couch while typing something on her laptop. Mukhang naramdaman niya ang presensya ko dahil nag-angat siya ng tingin sa gawi ko.

“O, Mira? May kailangan ka?” Her doe eyes gazed at me. Magkaparehas ang mga mata nilang dalawa ni Gaia pero mas lamang ang itsurang nakuha ni Gaia mula kay Uncle Adonis.

Ibinaba ko si Gaia at lumapit kay Tita Yana para halikan siya sa pisngi. Nakakunot ang noo niya habang tinitignan ako.

“Ah, kakausapin ko lang po sana si Uncle Adonis, Tita. Nasa study room po ba siya?”

She nodded, fixing her glasses. “Yeah, puntahan mo nalang siya roon. Mukhang ikaw pala ‘yong nag-appoint sa kaniya.” Tumango-tango siya.

“Yes, Tita. Sige po, puntahan ko lang si Uncle.”

Matapos magpaalam ay dumiretso na ako sa study room nila. Kabisado ko na ang pasikot-sikot dito dahil madalas ako rito noong baby pa si Gaia.

Mom and Dad are always here to give some advices for Tita Yana and Uncle Adonis because Gaia is their first born and they don’t have any idea how to take care of a baby at all. Naaalala ko pa noon na lagi kong pinaglalaruan ang maliliit na daliri ni Gaia at gusto kong kagatin ang pisngi niya sa sobrang lambot at taba niyon.

But of course, I didn’t do it.

Nang makarating sa harap ng study room nila ay kumatok muna ako bago pumasok sa loob. Nabungaran ko si Uncle Adonis na nakaupo sa isang swivel chair habang nakatutok ang mga mata sa kan’yang laptop. Ganito ba talaga kapag doktor ang propesyon mo?

He and Tita Yana looked so busy. Halos hindi na sila makapagpahinga minsan lalo na kapag may operasyon sa ospital si Uncle at iniiwan nila sa bahay namin si Gaia dahil walang magbabantay. Minsan naman ay dinadala na lang ni Tita Yana sa Hopes Clinic para kasama niya ang anak. Mahilig kasi sa mga alagang hayop si Gaia especially to puppies. Lagi niya iyong pinanggigigilan at halos kurutin na ang mukha ng tuta kaya natatawa na lang din kami minsan.

“Uncle?” Tawag atensyon ko kay Uncle Adonis. Mula sa laptop nito ay tumuon ang paningin niya sa’kin.

“Oh, Mira. Come inside, hija.” Inilahad niya ang upuan sa harapan ng study table niya kaya dumiretso ako doon at naupo.

Riding The Waves (Fortalejo Clan #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon