Chapter 17

106 1 0
                                    

Kabababa ko pa lang ng kotse pero mabilis nang bumungad sa harapan ko si Mary na siyang ikinagulat ko.

"Hi, Mira!" She exclaimed, smiling widely at me.

I was taken a back but I still returned the smile she had given to me.

"Hey, Mary."

"Nand'yan ba si Aether—" She was cut off by the sound of our car door's opening. Mabilis na lumipad ang kan'yang paningin patungo roon.

"Omg, Aether! Hello!" Mary even waved her hand as she excitedly rushed towards the direction of our car.

"Oh, shit!" Pagmumura ni Aether nang makita si Mary at mabilis pa sa alas-kwatrong pumasok ulit ng kotse at isinarado ang pintuan. I bet he even locked it because Mary couldn't pull open the door.

Napailing-iling na lamang ako habang pinagmamasdan sila nang may umakbay sa balikat ko. Mabilis akong nag-angat ng tingin sa pangahas at napangiti nang masilayan ko ang nakangiting mukha ni Aspen.

"Good morning, my Earth," He greeted me, offering his hand as if I'm some sort of a royal family member. "Your bag please?"

Nangingiting iniabot ko sa kan'ya ang bag ko at siya na ang nagdala niyon. Isinukbit niya iyon sa kan'yang balikat at walang pakialam sa mga estudyanteng napapatingin sa direksyon namin dahil nakakakuha na kami masyado ng atensyon.

"Let's go. Kaya na ni Aether ang sarili niya." I said, linking my arms against his.

"Sure," He replied and guided me inside the school entrance. Hanggang sa makapasok kami sa classroom ko ay kasama ko si Aspen. He won't just budge to leave me. Gusto niya raw akong tanawin at maayos na nakapasok sa classroom namin.

Kaya naman madalas siyang pagpiyestahan ng tingin ng mga kababaihan sa klase namin at maski sa mga katabing classroom. Sinong hindi magugulantang sa presensya niya? He's handsome, tall and a head-turner as well!

Aspen kissed my forehead before he left to go and see Aether so they could attend their class together. Mabilis na akong naupo sa upuan ko matapos niyon. Hindi pa nga yata nag-iinit ang pang-upo ko sa upuan pero heto at naririnig ko na ang mahihinang bulungan sa buong paligid.

"Ang gwapo niya talaga!"

"He's such a cutie! Ang swerte naman ni Hemera, ano?"

"You're right! I've heard that he's one of the top in the ranking of their class! May itsura na nga, may ipagmamalaki pang katalinuhan!"

Bahagya akong natigilan dahil sa narinig. Aspen is one of the top ranking in their class? Bakit hindi niya yata nabanggit ang bagay na 'yon sa akin? But nevertheless, I'm proud of my boyfriend.

Goodness, boyfriend...it feels so different kapag ako na ang bumabanggit. Parang ang sarap lang sa pakiramdam. It's as if I feel complete and nothing else is missing. I felt so proud of Aspen. This isn't the end yet but a beginning we've got to seize in our hands.

Bumalik na rin sa classroom si Mary ilang minuto ang makalipas. Nakasimangot pa nga ito at akala mo ay pinagbagsakan ng langit at lupa. Napailing-iling na lamang ako ng mahina dahil sigurado akong dahil iyon sa kambal ko.

Hindi ko naman kasi inaaasahang sa kambal ko pa siya magkakagusto. Halata naman kasi kay Mary na she's into my twin brother. Tanga na lang ang hindi makakapansin niyon and Aether is that stupid not to notice it.

Our class started after a few more minutes just when the school bell rang. Gaya nang dati ay mas pinagbuti ko pa ang pag-aaral ko. But this time, alam kong may bago akong dahilan kung bakit nagsisipag ako. It's not just because of pure desire to pay off. It's because this is what I really feel...to do much more because I knew that someone is always there to support me.

Riding The Waves (Fortalejo Clan #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon