Chapter 28

162 1 0
                                    


After three consecutive days, we went back to the Philippines. Sobrang gaan ng pakiramdam ko at napupuno ng kasiyahan ang puso ko. I've never felt this way again after Aspen and I broke up several years ago. Ngayon na lamang ulit.

"Magkahawak-kamay kayong bumaba ng bangka. Halos hindi mapuknat ang ngiti sa mga labi mo," Naniningkit ang mga matang sinabi ni Aether, iniikutan kaming dalawa ni Aspen. Kadarating lang ng bangka sa pier at naabutan namin siyang balak yatang mag-tour guide ulit.

"Sabihin niyo nga sa'kin ang totoo. Kayo na ba ulit?" Napahimas ito sa kan'yang baba. Inirapan ko siya.

"Hindi pa. Nanliligaw pa lang siya e. Alangan namang sagutin ko agad?" Pagtataray ko sa kambal ko.

"Pero blooming ka, Bal!" Irit pa niya. "Malala talaga! Mga sinungaling!"

Aspen chuckled and wrapped his arm around Aether's shoulder. Napangiwi naman ang kambal ko at kunwaring inilayo ang braso ni Aspen.

"Don't touch me. I'm single—"

"Casper?"

As if on cue, all of our attentions turned to the woman who came all of a sudden. Kabababa lamang din nito ng bangka. Mukhang bagong dating lang din sa isla.

From a surprised expression, my lips stretched for a wide smile.

"Uy, si Eristelle!" May halong panunukso kong sinabi. "Anong ginagawa mo rito sa Isla De Verde? May naiwan ka ba?" I gave her a meaningful look.

Sa totoo nga lang wala na akong balita sa relasyon nila ng kapatid ko. Ayaw naman kasing magkuwento ni Aether noong nasa Greece ako. Kapag usapang Eristelle na todo tanggi na siya at pilit iniiba ang topic. Ayaw nga niya marinig kahit isang beses ang pangalan ng babae.

"Hello, Mira." Binigyan niya ako ng isang magandang ngiti, kumaway din ng maliit. "You looked beautiful as usual. Congratulations nga pala sa pagkapanalo mo sa Hawaii, huh? I watched your battle. You're so amazing!"

"Aw, that's so kind of you, Eristelle. Thank you." I replied. Muling bumalik ang paningin nito sa kakambal ko na nakaismid lang at nasa malayo na naman ang paningin. Halatang iniiwasan ang tingin ni Eristelle.

Mabilis akong nangunyapit sa mga braso ni Aspen at binulungan ito na yumuko naman para maabot ko ang tenga niya.

"I think we should give them some time to talk, don't you think?" A sweet smile escaped my lips when he nodded.

"Yeah, we should do that." Pagkuwan ay siya na ang humila sa mga kamay ko paalis doon. Dinig na dinig ko pa ang sigaw ni Aether na hindi namin pinagtuonan ng pansin.

"Mira Claude, come back here!"

I chuckled. Why would I, my dear twin? It's the love of your life. It's time for you to fix that. Halata naman kasing mahal niya ang huli pero ito nga at nagpapakipot silang pareho. Pag-untugin ko kaya sila para lang magising?

"I guess this is where we will part ways," Aspen said when we arrive at the middle. Nasa kaliwa kasi ang daanan patungo sa bahay nila at nasa kanan naman ang amin kung saan ang dalampasigan at didiretsuhin ko pa iyon dahil nasa tabing dagat ang aming bahay.

"Yeah, see you tomorrow? I'd like to have a cup of coffee with you."

He nodded, inserting both of his hands inside the pocket of his faded jeans. He looked utterly handsome while doing it so. I can't help but to feel in love even more with him.

"Ang gwapo-gwapo mo talaga kahit kailan. Hindi tuloy ako makapaniwalang wala kang naging girlfriend sa mga nakalipas na taong magkahiwalay tayo." Pinasadahan ko siya ng tingin mula paa hanggang ulo.

Riding The Waves (Fortalejo Clan #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon