Mabilis na natapos ang summer at nagsimula na ulit ang pasukan. We're on our senior highschool now. Wala naman masyadong ganap sa summer namin bukod na lang sa nagpunta kami sa resthouse namin sa Palawan. We're all complete pati ang mga kamag-anak namin at syempre, hindi na rin pahuhuli si Aspen kasama sina War at Arrow.
Simula nang maging kami ni Aspen ay madalas ko na rin nakakasama ang dalawa niya pang kapatid kaya naging close na kami at ganoon din sila kay Aether. Napag-alaman ko rin na magka-edad lang pala si Kuya War at si Kuya Conan. Naging mag-best friend tuloy ang dalawa at halos hindi mapaghiwalay. They both have something in common, they're both adventurous and when I said adventurous— they love to explore, to discover new things and try different stuffs that can satisfy their curiosity and desires.
It's already late at night. Kinuha na rin nina Tita Feli, Tita Yana at ni Mom ang kani-kanilang mga asawa dahil lasing na. Maaga namang natulog sina Papa Lo at si Glamma. While our Mama Wren, Mama Scar and Mama Nyx helped their husbands as well. Halos gumapang na kasi ang mga ito sa sobrang kalasingan. Mga nagsasalita pa nga ng kung ano-ano and the best example is Papa Apollo.
"O, aking sinisintang si Eliora Wren! Pag-ibig ko sayo'y wagas at walang mintis, kahit ako'y lagi mong tinitiris!" Papa Apollo started to show his poetry. May pakumpas-kumpas pa ang mga kamay niya sa ere na akala mo ay nasa isang teatro.
Humagalpak kaming lahat sa tawa, mas malakas nga lang ang tawa nina Mama Scar at Mama Nyx. The way they laugh, it seemed like they're back being a highschool students who knows nothing but to get wild and be free. Napangiti ako dahil doon.
"Shut your fucking mouth, Apollo! Hindi na ako natutuwa sa'yo!" Mariing sinabi ni Mama Wren habang kinakaladkad papasok si Papa Apollo. Hindi naman nagpatinag ang huli at parang tangang ngumisi lang at hinaplos pa ang pisngi ni Mama Wren na halos sumabog na sa sobrang inis at hiya.
"Damn, baby, you're undeniably gorgeous. I can't wait to tie you in bed again and make love with you. Dagdagan na kaya natin si Adonis?"
Pabagsak na binitawan ni Mama Wren si Papa Apollo sa buhangin kaya napa-ungot ito at akmang tatayo pero inis siyang tinapakan ni Mama Wren sa dibdib at dinuro.
"Kapag hindi ka tumahimik na gago ka, ibibitay na talaga kita ng patiwarik!"
Mama Scar laughed and went beside Mama Wren. Hinaplos nito ang braso ng huli at natatawang pinakalma ang nagwawalang tigre.
"Calm down, Wren. Dalhin mo na 'yan sa loob para makapagpahinga na. Buti na lang at naging madaling kausap kanina si Antonio dahil kung hindi itatapon ko talaga siya sa dagat. Wala akong pakialam kung lasing pa siya." Tumalim ang mga mata ni Mama Scar.
Tumango na lamang si Mama Wren at muling kinaladkad si Papa Apollo papasok ng resthouse. Mabuti na lamang at hindi na ito nagsalita ng kung ano-ano pa dahil nakatulog na yata. Pero mas malala rin ang eksena kanina nina Mama Nyx at Papa Reeve. Papasok na kasi sana sila kanina sa resthouse nang biglang umihi si Papa Reeve at sinukahan pa si Mama Nyx. Mukha daw kasi itong lababong puti dahilan para sabunutan siya ni Mama Nyx bago dinala papasok sa loob ng resthouse.
"How about you, kids? H'wag na kayo masyadong magpapagabi rito dahil malamig na. Pumasok na rin kayo pagkatapos," ani Tita Yana at naglakad na papasok sa resthouse habang buhat-buhat ang natutulog na si Gaia.
Naiwan kaming anim sa labas ng resthouse. Unti-unti na rin namamatay ang apoy sa bonfire na ginawa kanina nina Dad at Tito Agamemnon. Kuya War and Kuya Conan are busy talking to each other. Hindi ko maintindihan kung anong pinag-uusapan nila dahil sobrang hina ng mga boses pero may narinig akong chix na word kaya baka pambababae ang ginagawa nila. Bahala sila sa buhay nila.
BINABASA MO ANG
Riding The Waves (Fortalejo Clan #1)
RomanceFortalejo Clan #1: HEMERA Falling in love with you is like riding the waves, I have to keep my balance or else, I will drown and sink into the depths of the vast ocean. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.