1

451 12 0
                                    

"Wag ka ngang bitter. Uso pa pala yan sayo!"

Bulyaw ko sa kaibigan kung si Franz. "Ni hindi nga naging kayo eh, pero kung pagbabarahin yung girlfriend ngayon ni Leo parang EX kang hindi nabigyan ng pagkakataong magpaliwanag."

"Palibhasa hindi mo kasi naranasan kaya nasasabi mo yan. Paano ka nga ba liligawan kung umasta ka para kang lalaki." heto nanaman po kami. "Alam mo Jane try mo ring magpaka babae para hindi natatakot yung mga gustong manligaw."

"Wag muna kasing pilitan yan Franz, alam naman nating hindi rin niya tayo papakinggan." paliwanag naman ni Ella na siya ring kaibigan ko. "Jane yan eh, na nakapag move on na." dagdag pa niyang pang-aasar.

Lagi nalang kaming ganito kapag ang usapan ay tungkol sa pag-ibig. Laging ako ng ako. Ano bang mali sa pagiging boyish? Sa pagkakaalam ko, wala namang batas na nagsasabing bawal ang pagiging boyish.

"Alam niyo binging-bingi na ako, ano naman kung walang nanligaw sakin? Mabuti ngayon iwas distraction." pangangatwiran ko. "Dapat nga magfocus tayo sa pag-aaral natin ka last year na natin ito."

"Last year na nga natin ito, kaya pwede ba Jane umayos kana. Para makahanap ka ng inspiration." paliwanag ni Ella.

"No thanks. Nandyan naman ang parents ko at kayo para maging inspiration ko." sagot ko.

"Yun naman yun eh! I love you talaga Janey!" nang-aasar na sabi Franz saka kami niyakap ni Ella.

"So paano ba yan tapos na ang first day natin. Uwi na tayo madami pa ako gagawin eh." sabi ni

Ella.

Pagkatapos naming magusap usap ay naghiwa-hiwalay na kami ng daan pauwi. Buti nalang at nandyan si Franz at Ella, buti nalang at nahanap ko sa kanila ang forever ko. Bestfriend ko na sila since 1st year high.

Ako nga pala si Jane Elizabeth Enriquez, 4th year highschool sa Dalton University. 16 years old, itsura? Typical hs student, mahabang buhok na palaging nakatali, medyo mahabang palda na may ternong mahabang medyas. Wala akong arte na nilalagay sa mukha. Gaya nga ng sabi ni Franz isa akong dakilang BOYISH, actually hindi naman typical boyish mahilig lang talaga ako sa ball games like Basketball, Volleyball, Soccer, at Table Tennis. Mahilig din ako sa mga loose shirt, hindi ako mahilig ng girly thingy. At halos lahat ng lalaki sa school tropa ko. Hahaha! Kaya nga ang daming naiinis sakin, akala kasi nila inaagaw ko ang mga boyfriend nila. Tsk! If i know magpapakamatay sila para mapasagot ako pero HANGGANG tropa lang walang taluhan.

"Jane Elizabeth!" patay na ko nito.

"Oh ma! Dumating kana pala, kumusta trip niyo ni Papa?"

"Galing ako sa kwarto mo! Anak naman, babae ka pero bakit ganun ang kwarto. Punong puno nang posters ng mga basketball superstars, at meron ka pa talagang maliit na court sa loob. Napaka kalat, nagkalat ang mga damit mo. Pati mga notes mo."

"Mama alam mo namang idol ko ang mga yun eh."

"Naiintindahan ko naman yun eh, kaso babae ka. Bakit hindi nalang iba ang idolize mo?"

"Ma! Kaya nga idol diba? Kasi hndi mo inexpect."

"Hayy! Ikaw na bata ka. Bahala ka wala ng manliligaw sayo nyan."

"Hindi ko kailangan ng manliligaw ma, tama na yung minsan. I learn my lesson." sagot ko. "Sge ma! Akyat muna ako."paalam ko.

Pagkapasok ko ng kwarto ko ay agad ko nilock ang pintuan. Buti nalang talaga at itinago ko sa kasulok sulukan ng kwarto ko ang collection ko ng mga sapatos ng NBA. Humarap muna ako sa salamin saka nag suklay. Haaay! Hindi naman ako ganito eh. Kaso madami ang ipinarealize sakin ng mundo.

2nd Day

Pagdating ko ng school ay bumungad saakin ang iba't ibang mga bulungan at kaguluhan. Ano kaya ang meron. Lumapit ako dun sa isang babae para tanungin ang nangyayari.

"Anung meron dyan?"

"Transferee, na dati na daw nag-aaral dito."

"Sino daw?"

"John ata yun."

Agad akong nakaramdam ng kaba, maaring kapangalan niya lang yun. Ang daming John sa mundo imposible bumalik pa siya.

Naglakad nalang ako at hindi pinansin ang kaguluhang nangyayari. Dire-diresto ako ng classroom pag pasok ko. Agad naman akong sinalubong ni Ella at Franz ng ngiti.

"Ang daming estudyante ang nagkakagulo sa labas. May transferee daw eh."

"Oo nga daw bes! Sino kaya?" sabi ng Ella.

"I'm sure gwapo yun, pag nagkataon may bago nanaman ako lalandiin." paliwanag ni Franz.

Hindi ako mapakali, wag naman po sana. Ayoko na naman maalala ang mga nangyari noon.

"Goodmorning class! I am your adviser." bati samin ni Ma'am Krista. "By the way may bago kayong kaklase." agad naman pumasok ang isang lalaki.

"Oh My Gawd!"

"This can't be!"

Sabay na sabi ni Franz at Ella na mukha ring nabigla.

"Hi! John Jerome Espiritu. Welcome back to me."

No! Nananaginip lang ako diba? Hindi pwedeng maging magkaklase kami.

"So Mr. Espiritu, dahil wala ka kahapon gusto ko lang ipaalam sayo na si Ms. Enriquez ang napili ng lahat upang maging president ng school council. And I want to elect you to be the Vice-President."

This can't be! Ano bang klaseng laro ito?

"But ma'am pwede bang si Franz nalang."

"No. Ms. Enriquez si Franz ang Treasurer ng SC. No buts! By the way pagkatapos ng klase niyo ay dumiresto ang lahat ng officers sa SC room. You may take your recess."

"Oh gawd! Ang yummy niya." sabi ni Franz na halos hindi makapag move on. "Alam mo girl bagay kayo."

"Pwede ba Franz ayokong pag usapan ang lalaking yun."

"Tss!!! Bitter much. Buti nga at wala dito si Ella eh."

"Tsk! Bitter? Sayo lang uso yan."

"If I know! Papalapit si Cutie dito oh!"

Napalingon ako sa likod at nakita ko syang papunta sa direksyon namin. No! Baka masampal ko lang sya.

"Pwede bang magtanong?" sabi niya habang nakatingin.

"Any thing Jerome! Alam mo namang malakas ka sakin eh."

"Paki tanong naman sa kasama mo kung pwede bang hindi ako umattend sa meeting mamaya."

"Naririnig naman niya. Hoy! jane!"

"Paki sabing hindi pwede."

"Narinig mo Jerome. Hndi daw pwede."

"Paki sabi namang may emergency lang."

"Mag usap nga kayo! Para kayong mga bata! Nakakaloka!" inis na litanya ni Franz.

"Emergency? Kailan mo paring pumunta sa meeting! Kabago bago mo palang hindi muna kayang ibalance ang time mo. Kung ganyan ka rin lang mas magandang hindi muna lang tinanggap ang posisyon na yan. You must know your resposibilities Jerome. You must learn how balance your time and you must know what are your priorities are."

Pagkatapos kung sabihin yun ay nagsimula na akong maglakad. I know medyo naging rude ako, but I can't help it, kagaya pa din siya ng dati. Pumapasok siya sa isang sitwasyong hindi siya sigurado.

AN: ito po ang first update! Sana po suportahan niyo. Wag kalimutang mag vote.

Once upon a love story (Janerome)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon