A/N: Tama po kayo ng basa, last chapter na po ito. Dahil ang next na iuupdate ko na ay ang BOOK 2 ng kwentong Once Upon a Lovestory, tama rin kayo ng basa may book 2. Haha! Mas maganda siguro kong basahin niyo ang book 2 para malaman niyo ang dahilan.
JANE:
Heto ako maiging pinagmamasdan ang binigay na invitation saakin ni Cassandra. Mamayang gabi na magaganap ang Welcome Party ng parents niya, pero hanggang ngayon hindi pa din ako nakakapagdecide. Pinipilit din naman ako ni Cassandra na pumunta. Sayang nga kasi wala si Franz ngayon. Kaya if ever man na makapunta ako, si Ella ang kasama ko. Si Jerome kasi may aattendan ding important party kaya hindi niya ako masasamahan. At hindi ko rin nabanggit sakanya na si Cassandra ang nag invite saakin.
Sila Mommy naman at Daddy, nasa Taiwan ngayon. Pero hindi pa din nagbabago ang isip nila na sa London na ako mag college at hanggang ngayon hindi pa din ako pumapayag at hindi ko padin nasasabi kay Jerome.
"Tutuloy ba tayo Couz?" tanong ni Ella.
I forgot nandito pala si Ella sa kwarto dito siya nag overnight dahil broken hearted siya.
"Ewan ko." sagot ko at humarap sa salamin. "Couz, nagusap na ba kayo ni Lester?" napa iwas naman siya sa tanong ko.
Masyado naman atang nasaktan itong bestfriend ko. Mukhang mahihirapang makarecover.
"Hindi e. Hindi rin naman siya nagtetext, at nagpaparamdam." malungkot niyang sagot. "Ganito rin ba ang naramdaman mo nung iwan ka niya?" napalingon naman ako sa tinanong niya.
Hindi ako ganito, dahil nung iniwan niya ako grabe.
"Hindi e. Ang alam ko lang nung iwan niya ako halos gusto ko ng mawala sa mundo." sagot ko at tumabi sakanya. "Alam mo kasi Ella, iba't iba kasi yan, may sakit na akala mo sobra pero hindi naman pala at may sakit na akala mo sobra lang pero sa tingin ng iba hindi naman. For me kasi ikaw lang ang makakapagsabi kong paano ka sobrang nasaktan, kasi ikaw naman yung nakakaramdam nun eh."
Unti-unting tumulo ang luha sa kanyang mata kaya napasandal siya saakin.
"Jane mahirap ba akong mahalin? mahirap bang mahalin ang isang babaeng ang hinahangad lang ay happy ending? Mahirap bang ibigay saakin yung salitang Happy? Bakit ganun ganun nalang niya ako bitawan? Hindi ba niya ako minahal?" tuloy tuloy niyang tanong.
"Alam mo Ella kong may natutunan man ako sa Love yun yung. Sa love hindi ka lang dapat humihingi, dapat nagbibigay ka rin. Mahal ka ni Lester, natatakot lang siguro siya na sa sobrang taas ng expectation mo sakanya ay bigla nalang bumaba kapag nalaman mo hindi niya kayang ibigay yung hinihingi mo." hinawakan ko ang mukha niya. "I'm sure magiging okay din ang lahat." paliwanag ko. Tumango siya senyales na okay na.
To: Mahal ko
Mahal, alam mo ba kung nasaan si Lester?
Mas magandang makapagusap sila ni Lester para hindi ganito si Ella.
From: Mahal ko
Mahal, pasensya na wala siya dito e. Sige text nalang kita mamaya may ginagawa lang akong importante. Take care! Mahal na mahal kita.
Tsk! Importante? Ano naman kaya yun?
To: Mahal ko
Mas importante pa saakin?
Umupo muna ako saglit para hintayin ang reply niya. Pero lumipas ang ilang oras pero wala pa din, importante ng talaga.
4 o'clock na at 8 ang start ng party, medyo malayo pa naman yung Venue.
Nagdress lang ako ng color Blue tas cinurl ko yung buhok tas nagapply ng light make up. Napagdesisyonan kung wag nang isama si Ella dahil sa sarap ng tulog niya.
BINABASA MO ANG
Once upon a love story (Janerome)
FanficOnce upon a time you fall inlove. Once upon a time you was hurt. Once upon a time you cryed. Once upon a time you moved on. and Once upon a time you become strong. But Once upon a time his back and Once upon a time you fall inlove again. Sab...