4

186 12 1
                                    

JEROME:

"Ikaw Jerome satingin mo? Inlove o Bitter?"

Agad naman akong napatahimik sa tinatanong ni Franz sakin.

Habang pinakikingan ko ang pinaguusapan nila ay hindi ko maiwasang hndi mapasulyap sakanya.

"Malapit ng mainlove" sag----- Mali! Bakit yun? Diba dapat malapit na akong mainlove. Shit!

"Yieeee!" sabay sabay nilang sigaw.

"Anong nangyayari dito?" napatahimik ang lahat sa pagdating ni Ma'am. "So mukhang nagkakasayahan kayo?"

"Yes ma'am, may malapit na kasi magbalikan." paliwanag ni Franz.

"Really? Sino naman ito Mr. Agustin."

"Ma'am wala po yun!" singit naman ni Jane na mukhang naiinis na.

"Okay. So gaya nga ng sabi ko na move ang camp natin next week. At kaya ko kayo pinapunta rito upang kayo mismo ang bumili ng mga kakailanganin. So, I presume na alam niyo na ang mga gagamitin. So pwede na kayo umalis at bumalik nalang dito kapag nabili niyo na ang lahat ng kakailanganin."

Sabay sabay nang nagsialisan ang lahat maliban saming dalawa dahil kailangan daw naming maiwan.

"Ma'am hindi ba pwedeng sumama nalang ako sakanila?" inis niyang tanong.

"No. Ms Enriquez, kailangan niyong tapusin ni Mr. Agustin ang mga programs." pagkasabi nun ni ma'am ay lumabas na din siya.

Hindi ko alam kung dapat ba akong masaya dahil kasama ko siyo o dapat akong malungkot dahil hindi man lang niya akong kausapin.

"Amazing race kaya?" paguumisa ko pero tiningnan niya lang ako at hindi inimikan. "Kung hatiin nalang natin ang mga students sa bawat color? What do you think Elizabeth"

Agad siya tumingin saakin.

"Kung sana yang mga sinasabi mo sinusulat mo." sagot niya sakin saka bumalik sa ginagawa niya.

"Wag mong pahiripin ang sitwasyon natin." paliwanag ko. "Kailangan natin ang tulong ng isa't isa para maging maayos ito"

"Wala ako pinapahirap dito Jerome, gawin mo ang trabaho mo at gagawin ko ang akin." walang emosyon niya sagot.

Tama si Mico nagbago na siya, pero hindi maiwasang sisihin ang sarili ko dahil sa nangyari.

Buong hapon ay wala ni isa samin ang nagtangkang magsalita.

"Jane! Galit ka pa rin ba saakin?" tanong ko kahit alam ko naman talaga ang sagot.

Malamang galit sya sakin kasi iniwan ko siya, kasi sinaktan ko siya.

"Gusto mo ba talagang malaman?" tanong niya.

"Oo. Para alam ko"

"Dati OO pero ngayon hindi." sagot niya. "Dahil ngayon galit na galit ako sayo! Nasagot ko na ba ang tanung mo?"

Maling itanong ko sakanya ang mga bagay bagay.

JANE:

Kung maglaro nga talaga ang tadhana, tsk! Sino ba naman ang hindi maiinis kung kasama mo sa iisang room ang taong sobra mong kinamumuhian. What a life? Matapos na sana ang araw na ito.

"Jane! Galit ka pa rin ba sakin?" tanong nya.

Pinagloloko ba niya ako? Oo galit ako sakanya hndi lang basta galit, galit na galit ako sakanya. Gustong-gusto ko siyang sampalin, tadyakan!

"Gusto mo ba talagang malaman?" tanung ko ng wala ni pinapakitang emosyon sa mukha.

"Oo. Para alam ko." sagot nya.

"Dati OO pero ngayon hindi. Dahil ngayon galit na galit ako sayo! Nasagot ko na ba ang tanong mo?" bigla naman akong nakaramdam ng kakaiba sa sinabi ko.

Malamang nasaktan siya, pero nasaktan din naman ako noon.

"Look! I just want to say sorry for everything I've done. Hindi ko sinasadya."

Shit! Agad akong napatayo sa sinabi niya.

"SORRY? Hindi sinasadya? Tell me Jerome, sincere ka pa rin ba sa mga sinasabi mo? Ni hindi mo nga nagawang sabihin sakin yan nung mga panahong kinakailangan ko."

"Kaya nga ako bumalik! Para bumawi para iparamdam sayong mahal kita."

"Hindi! Bumalik ka para ipamukha sakin na MALI ako! Bumawi? Wala kang karapatang sabihin saking mahal mo ako, dahil kung talagang mahal mo ko hindi mo ako iiwan!"

Agad siya lumapit sakin.

"Pakingan mo muna ako please!"

"No! You listen to me, nung mga panahong lumayo ka, inisip mo ba ako? Nung mga panahon umiiyak ako dahil sayo naisip mo ba ako? Hindi! Selfish ka kasi! Sabi mong mahal mo pero sinasaktan mo ako. Tapos kung kailan nakapag move on na ako, darating ka ulit, bakit ka bumalik para iparamdam sakin na sinayang ko lang ang ilang taon para kalimutan ka? Na sinayang ko lang lahat. Dahil sa muli mong pagbabalik, heto nanaman ako, nagpapakatanga!"

This time nakita ko ang pag patak ng luha mula sa kanyang mata. Lumapit siya sakin saka ako niyakap ng mahigpit.

Please! Ayoko ng masaktan, ayoko ng gumising sa umaga na mugto ang mata. Kinalas ko ang sarili ko sa yakap niya.

"Itigil muna please." paliwanag ko saka lumabas ng room na iyon. 

Once upon a love story (Janerome)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon