A/N: Hi guys, this chapter will be boring haha. But I suggest that you should read this chapter, because this chapter is very important. I decided to wrote the details about things and happenings about the past. :) char! Sorry kung wrong grammar. Haha. Anyway kailangan niyong basahin ito para malaman kong ano ba talaga ang totoo.
JENNY:
Simula palang ay hindi na ako nagkapakatotoo sa mga bagay bagay. Sa pamilya, sa mga kaibigan at sa taong mahal ko. Pinakasalan ko si Marko, hindi dahil mahal ko. Pinakasalan ko siya dahil sa isang utos. Utos at udyok ng isang lalaking sobra kung mahal. Pero hindi ko naisip ang mga mangyayari. Natutunan ko siyang mahalin, kung tutuusin napakabait niya kaya hindi niya deserve ang manipulahin ng kahit sino. Alam kong malaki ang kasalanan ko sakanya, at handa akong pagbayaran iyon.
Flashback:
"Kailangan mo siyang sagutin Jenny! Kailangan mo siyang pakasalan, yun lang ang tanging paraan para makabayad tayo sakanila."
"Dad hindi ko siya mahal!"
"Matututunan mo rin yun, pagkatapos mo siyang pakasalan, hiwalayan mo siya at bago mo man gawin yun, gusto kong nakuha mo na lahat ng ari-arian na meron siya."
Dumaan ang ilang buwan,araw,taon. Pinakasalan ko siya. Pinakasalan ko ang lalaking hindi ko mahal, pinakasalan ko siya dahil sa pera niya.
Pero nahulog ako sakanya.
"Akala ko ba ako ang mahal mo." ayoko nakikita si Kenze na umiiyak. "Alam kong pinilit ka lang."
"Sorry Kenze mahal ko na si Marko." agad ko siyang bintawan.
"Ako lang ang mahal mo Jenny! Ako lang! Hindi ako papayag, hinding-hindi. Sisirain ko ang pamilya niyo!"
End of Flashback:
Kilala ko si Kenze siya ang puno't dulo ng lahat, siya ang nagkatangkang pumatay sa anak ko. Buti nalang at hindi siya nagtagumpay, oo hindi pa patay Ryan. Sa ngayon tinatago lang namin siya for his safety! Kaya nga gusto ko ring protektahan si Jane dahil alam kong hindi titigil si Kenze, na kunin ang lahat saakin para bumalik ako sakanya.
Bago pa tuluyang mawala ang lahat saakin ako na mismo ang pupunta kay Kenze. Ako naman ang puno't dulo ng lahat ng ito kaya ako din dapat ang magbayad.
"Hindi mo ba talaga kami titigilan Makenze!" malakas kong sigaw sakanya.
Nagpasya akong makipagkita sakanya.
"Sinabi ko na sayo noon Jenny hindi ako titigil"
"Hanggang kailan? Madami ka nang dinadamay, madami ka ng nasasaktan. Wag mong idamay si Jane rito!"
"Haha. Nakakatawa ka Jenny! Hindi ko dinamay ang anak mo siya mismo ang pumasok sa sitwasyong yan."
"Anon bang gusto mo?"
Ngumisi siya at inikutan ako.
"Mula umpisa palang ikaw lang ang gusto ko Jenny, una palang ikaw na ang minimithi ko." lumayo siya saakin. "Kaya mo bang iwan ang pamilya mo para saakin? Handa ka bang makita silang naghihirap? O mas gugustuhin mong sumama saakin."
Napayukom ang kamao ko, kaya ko ba talagang iwan ang pamilya ko. Hindi ko alam, pero kapag patuloy akong sumama sakanila, alam kong patuloy lang silang masasaktan at madadamay.
Bahala na ang diyos sa magiging desisyon ko.
BINABASA MO ANG
Once upon a love story (Janerome)
FanfictionOnce upon a time you fall inlove. Once upon a time you was hurt. Once upon a time you cryed. Once upon a time you moved on. and Once upon a time you become strong. But Once upon a time his back and Once upon a time you fall inlove again. Sab...