7

197 12 0
                                    

Please naman dumating ka oh!

"Wala na bang naiwan?" tanong ni Ma'am.

Napuno kami ng katahimikan, sguro nga hindi na talaga siya dadating. Sayang kung nandto sya baka may chance na maging okay na kami.

"Osya t------"

"Ako po!" napatingin kaming lahat dun sa nagsalita.

OMY! HIS here. Hindi ba ako nananaginip?

"Mr. Espiritu, buti naman at nakahabol ka pa. Anyway, dun kana tumabi kay Ms. Enriquez"

SHIT! Bakit ba Jane? Parang kanina lang hintay ka ng hintay eh, bat ngayon ang choosy mo?

"Hi." bati niya sakin.

Sagot ba ako or what? Mamaya isipin niyang okay na okay na kami.

"Hi." sagot tapos binaling ang tingin ko sa likod.

Kitang kita ko naman si Franz at Ellang ikakamatay ang nakikita nila. OM! Ganun din ako guys kung alam niyo lang.

Thanks God!

JEROME:

"Hi" bati ko sakanya.

Hindi ko naman ineexpect na sasagot siya, I know na sobrang ang galit niya sakin.

"Hi" sagot n----Ano? Sumagot siya? Woah!

Bigla niyang binaling ang tingin niya sa likod, hindi naman mawala ang ngiti saking labi.

Ito na ba yung matagal ko ng hinihintay? Ito na ba yung araw na yun? Kung ito yun, sana wag nang matapos ang araw na ito.

"Jane gusto ba tubig?" lakas loob kung tanong.

Humarap naman siya sakin at matagal nya akong tiningnan.

"Aaaah! Okay lang may dala ako." sagot niya habang nakangiti.

Parang nakakahiya naman nun! Gez! Bakit kasi magaalok na nga lang ako yun pa yung meron siya.

"Pero, amina na! Thanks" bigla nyang kinuha ang hawak kung tubig saka tumingin sa librong hawak niya.

YES! Ganun pa din sya sa dati mahilig magbasa ng mga stories from wattpad. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapatingin sakanya, ang ganda niya mula noon at hanggang ngayon. Kaya nga ang swerte ko nung sinagot niya ako. Dahil sa dinami-rami ng sumubok ako ang binigyan niya ng pagkakataon.

FLASHBACK

Kasama ko si Lester papuntang clinic ng may marinig kaming sigawan, second year highschool kami. Agad akong hinila ni Lester malapit sa may punong mangga para makita kung sino ang pinagkakaguluhan.

"Ang ganda ganda niya, ang bait bait ang talino pa! Ang swerte ng magiging boyfriend niya"

Sa kabilang duko at pinagmasdan ko siya, sa unang tingin ay napakanormal niya. Maganda siya o pero hindi yung tipong maaattract ka agad. Pero kung pagmamasdan mo ang kanyang mukha at ang mga ngiti niya. Masisilayan mo ang tunay niyang ganda, ang ngiti niyang magiging dahilan ng pag ngiti mo. Pinagmasdan kung maigi ang mukha niya, napakaganda ng ngiti niya, ang mapungay niyang mata, ang matangos niyang ilong, ang labi niya ng buong mukha niya.

"Nakikinig ka ba?" napabalik nalng ako sa realidad.

END OF FLASHBACK

Sa pagkakataong iyon una ko siyang nakita at doon ko din napatunayan na totoo pala ang love at first sight. Dahil pagkatapos ng araw na yun lagi kung iniisip ang mukha niya. Hindi ito mawala wala sa isip ko.

Naalala ko pa nung una ko siya makausap.

FLASHBACK

"Gusto mo si Jane!" malakas na tanong ni Lester.

Agad naman akong napatingin sa paligid ko, shit! Kung mamamalasin ka nga naman.

"Ako lang ba nakakaalam neto bro?" tanong niya ulit.

"Kanina pero ngayon hindi na." inis kung sagot.

Napaupo nalang ako.

"Excuse me! Pwede ba akong makiupo dito?"

Hindi ko nalang inimikan kung sino man yung nagtanong. Pero bakit ang tahimik naman, iniaangat ko ang ulo ko upang makita kung anong dahilan ng nakakabinging katahimikan.

At........

O.O yan ang mukha ko ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko.

"Are you mad?" tanong niya.

Shit! Wag ngayon.

"Aah eeh Ah."

"Balak mo bang babangtin ang mga vowels ng alphabet?" natatawa niyang tanong.

"Aah. Sge may klase pa ako."

End of Flashback

Yun na siguro ang isa sa mga nakakahiyang nangyari sa buhay ko. Pagkatapos ng araw na yun ay medyo umiwas na ako, pero gaya nga ng sabi nila na pag mahal mo, babalikan mo. Nakakatawang isipin pero bumalik ako sakanya at naglakas loob na sabihin ang tunay kung nararamdaman.

"Stop over daw, baka gusto mo akong padaanin" napabalik ako sa realidad.

"Huh?" tanong ko.

"Padaan ka ko." sagot niya. "Lutang neto!" dagdag pa niya bago tuluyang lumabas.

"HOY!" Malakas na tawag ni Lester sakin, oo kasama ko siya dito sa iisang bus.

"What?" tanong ko pa.

"Anong what? Akala ko ba hindi ka sasama? Anong nangyari?" tanong niya saka tumabi sakin, mabuti nalang at halos lahat ng kasama namin ay nasa labas.

"Hindi ba pwedeng mag bago ang isip ko?"

"Depende. Bro! Ano na? May pag asa ba?"

"Ulol! Oo naman at hinding hindi ko yun sasayangin."

"Wag mo ring kakalimutang, Enriquez siya bro" paliwanag niya saka tinap ang balikat ko. " Tara kain tayo!" aya niya.

Enriquez siya bro! Oo! Gagawin ko ang lahat para hndi humadlang ang problema ng nakalipas sa kasalukuyan.


A/N: Ano kayang meron between sa pamilya ng ating mga bida? Bukod sa galit ang dalawang pamilya sa isa't isa? Ano ba ang dahilan? Kung ano man, yun ang dapat niyong tutukan.

Once upon a love story (Janerome)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon