12

135 8 0
                                    

JANE:

Kanina ko pa napapansin na sobrang tahimik ni Jerome, kagaya ngayon vacant namin at nandito kami sa may labas ng room nakaupo sa may bench, kasama si Franz at Cass.

"Bakit ang tahimik niyo naman ata ngayon lovers?"

Napansin din ata ni Franz, kanina pa ako nagtataka dahil bukod sa hindi na niya ako sinundo, hindi pa niya ako tinext man lang o tinawagan.

"Ilang months na pala kayo?" tanong ni Cass.

"Actually weeks palang, pero kami din dati. Nagkaroon lang ng problema kaya naghiwalay kami, pero tapos na yun eh." paliwanag ko habang pinagmamasdan si Jerome.

"So ano namang problema yun?" napataas naman ako ng kilay sa tanong niya.

"Masyado ng personal yun Cassandra." singit naman ni Franz.

"Personal ba masyado? Sorry huh." sarcastic pa niyang sagot. "So Jerome I heard na transferee ka din pala."

Nabaling ang tingin ko kay Jerome na mukhang nagiisip kung sasagot ba siya or what.

"Yeah." walang gana niyang sagot. "Mahal punta lang ako ng CR ah." pagpapaalam niya saka tumayo.

"Pasabay na din, naiihi na kasi ako eh."

Biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi ni Cass. Hoy boyfriend ko yan, at excuse me lang nandito ako.

"If you don't mind Jane?" tanong pa niya saakin.

"Okay lang." sagot with a smile.

Nagsimula na silang maglakad ni Jerome hanggang sa kami nalang ni Franz ang natira.

"Bakit ka pumayag?" tanong agad ni Franz.

"Na alin?"

"Na sumama ang babaeng yun sa Boyfriend mo."

"Ano ka ba Franz, mukha namang walang gagawing masama si Cass eh."

Really Jane? Tsk! Ewan ko pero nakakaramdam ako ng kaba.

"Alam mo bes, bantayan mo yang Cass na yan dahil mukhang may something sa pagkatao niya."

"Mapagbintang ka nanaman."

"Hindi. Seriously, alam mo bang nung nasa canteen tayo ang sama ng tingin niya sayo. Malay mo may gusto pala siya sa boyfriend mo."

"May tiwala ako kay Jerome."

"Maaring kay Jerome meron, pero paano kay Cassandra."

Muli nakaramdam ako ng kaba, ano bang meron sa Cassandra ba yan? Gusto ko siyang pagkatiwalaan pero hindi lang pala ako ang nakakapansin ng kakaiba sakanya.

Jerome:

"Ano bang balak mo?" kinaladkad ko siya sa may silong ng mangga. "Bakit kailangan makipagkaibigan ka pa sa girlfriend ko?"

"Chill, unang una wala akong balak makipagkaibigan diyan sa girlfriend mo, at pangalawa kaya ako nandito dahil ako lang naman ang Fiance mo at huli wala kang karapatang pakialam ang gusto kong gawin."

"Fiance? Are you out of your freakin mind? Sa pagkakatanda ko, umayaw ako sa walang kwentang kasunduang yan."

"Maaring umayaw ka nga, pero kahit pa anong gawin mo at kahit pa anong sabihin mo. I am your future wife, saamin nakasalalay ang pagbagsak niyo. And one more thing, kung ako sayo sasabihin ko na sa Jane na yun ang katotohanan. Dahil baka pag nadulas ako, ako pa ang makapagsabi." paliwanag niya, saka hinalikan niya ako sa tip ng ilong ko. "I love you sweetie!" bulong niya with her seductive voice.

Damn! Ito na ang kinakatakot ko, she's a spoiled brat, she will whatever she wants.

Napahilamos nalang ako sa pagkainis, kasalanan lahat ito ni Daddy dahil ang mahalaga lang sakanya palagi ay ang business niya.

Paano ko ipapaliwanag ang lahat kay Jane ng hindi niya ako kinamunuhian? Natatakot akk na sa pangalawang pagkakataon ay magalit nanaman siya saakin.

Bumalik ako ng classroom na parang walang nangyari nakita ko naman si Cass na kausap si Jane.

"Andyan na pala siya eh." sabi ni Cassandra saka tumayo.

"Anong sabi niya?" tanong ko kay Jane na may tonong kabado.

Hindi siya umimik, humarap siya at hindi ako pinansin. Wag naman sana ngayon.

"Mahal" tawag ko sakanya pero hindi niya pa din ako pinansin. "Mahal kong maganda." pasweet ko pang tawag.

"Totoo ba?" tanong ni Jane with a serious face and tone.

"Ang alin?" tanong ko.

"Paano nangyari yun? Bakit hindi mo sinabi saakin agad? Bakit kailangan pang si Cassandra ang magsabi saakin."

Napahawak naman ako sa Desk na nasa harapan ko. Nabaling din ang tingin ko kay Cassandra na naka ngisi.

"Ang ano nga?"

"Magkakilala pala kayo mahal."

Shit! Thank god. Napahinga ako ng malalim.

"Akala ko kung ano na eh." maginhawa kong sagot. "Oo mahal, nakilala ko siya sa US nung nagstay ako dun." pagsisunungaling ko. Sorry Jane pero kailangan kong magsinungaling.

"Aaah. So bakit hindi mo sinabi saakin?" tanong niya.

"Aaah-- ka-sssii Tama! Kasi sinabi ko sakanya na isusurprise kita. Odi diba mahal na surprise ka."

"Yeah right." nakangiti niyang sagot.

Habang tumatagal mas lalo akong kinakabahan alam kong kasama ito sa binabalak niya.

Pagkatapos ng klase ay hinatid ko na si Jane sa bahay nila, bilib ako sakanya dahil kahit mayaman sila. Mas pinipili niyang maglakad.

"Ano nahatid mo na ba ang girlfriend mo?" bungad saakin ni Cass. Oo dito siya nagstay.

"Asan si Dad?" i ask her.

"Out of the town kasama si Dad at nagbilin siyang bantayan kita." nangiinis niyang sagot.

"Ano ba talaga ang gusto mo?" tanong ko sakanya.

"Simple lang ang gusto ko Jerome. Ikaw lang at wala ng iba." sagot niya na parang nababaliw.

"Alam mong malabo mangyari yang gusto mo. Alam mong may mahal na akong iba."

"Hindi malabo yun Jerome, alam naman nating umpisa palang ako lang ang para sayo at wala ng iba pa."

Napangisi ako sa sinabi niya.

"Nababaliw ka ba? Bakit ba kailangan mong ipagpalitan saakin ang mga bagay na hindi ko naman gusto?" tanong ko sakanya.

"Alam mo bang nagtataka ako, kung bakit siya ang nagustuhan mo at minahal mo, bukod sa isa siyang Enriquez, hindi pa siya ganun ka ganda. Not like me."

"Your funny Cassandra, alam mo ba kong bakit ko siya minahal? Dahil siya si Jane Enriquez, at wala kang karapatng ikumpara siya sa sarili mo. Dahil unang-una magkaiba kayo. At kailan man ay hinding-hindi kayo magiging pareho."

"Hindi mo pa ba nakikita na wala talaga? Hindi ikaw ang para sakanya Jerome yan ang tandaan mo. Wala kang magagawa kundi tanggapin yun." malakas niyang sigaw saakin. "Wag mong ipagpilitan ang mali dahil masasaktan at makakasakit ka lang."

"Ito ang tatandaan mo Cassandra, mawala man saakin si Jane, malaman man niya ang totoo. Ipaglalaban ko siya, kahit na sainyo pa. At Oo mali man kami nag umpisa pero sisiguraduhin kong magiging tama ang lahat ng yun, as long as wala kaming natatapakan at wala kaming ginagawang masama." huli kong sagot sakanya at iniwan siya.

Maaring mali na mahalin ko si Jane dahil isa siyang Enriquez. Pero sa mundo ng Pagibig, tama mab yan o mali kung mahal mo ang isang tama balewala ang salitang Tama at Mali. At balewala ang sasabihin ng iba.


P/S: Vote lang vote :)

A/N: ano satingin ang mangyayari sa Lovers natin? Napupuzzle din ba kayo?

Once upon a love story (Janerome)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon