5 (Last words)

216 17 0
                                    

JANE:

Paglabas ko ng room na iyon ay siya ring bilis ng pagbuhos ng luha ko. Dumiresto ako sa may silong ng manga. At doon patuloy pa din ang pagbuhos ng aking luha.

Dapat handa na ako e, dapat hindi ako umiiyak ngayon. Pero heto ako umiiyak nanaman, akala ko okay na ako pero hindi pa rin pala. Tama nga sila hindi sapat ang taon para tuluyan mong makalimutan ang isang tao. Dahil magawa mo man iyon, hndi parin mawawala sa puso mo ang sakit.

Shit! Bakit ba naapektuhan ako? Mahal pa rin ba kita? Malabo! Imposible.

Bago ko napagdesisyonang umuwi ay tinext ko si Ma'am Mart tas si Franz na sumama ang pakiramdam ko.

JEROME:
Sa pag labas niya ay napa suntok nalang ako! Ganun ko ba talaga siya nasaktan? Ganun ba talaga kagalit at hindi nya lang ako hinayaang magpaliwanag.

Kung alam niya lang sana lahat ng nangyari, kung alam niya lang sana ang dahilan. Baka hindi siya ganun ka galit saakin. Mahal na mahal ko siya at hindi ko sinadyang iwan sya. Ginawa ko ang lahat para ipaglaban siya, pero masyado pa kaming mga bata kaya hindi ko napanindigan ang lahat.

Pagkatapos naming tapusin ang lahat ay isa isa na rin kaming naglabasan, hindi na rin siya bumalik

"Buti naman at naisip mo pang umuwi!" bungad sakin ni Daddy. "Ganyan kana ba talaga habang buhay Jerome!"

Tiningnan ko lang siya, kung may dapat mang sisihin siya yun. Ang daddy ko ang puno't dulo.

"Wala ka man lang bang gustong sabihin! Nagawa mo pang lumipat ng school na iyon, para ano? Sundan ang babaeng yun?"

"Pwede ba Dad tumigil kana! Bakit ba ganun nalang ang galit mo sakanya."

"Dahil anak siya ng mga Enriquez! Ang pamilyang nagpahirap sa pamilya natin! Naiintindihan mo ba ako? Isa kang Espiritu!"

Ang tagal tagal na ng panahon na yun, pero hanggang ngayon ito pa rin si Daddy.  Hindi ko nalang pinakinggan si Daddy, imbes nagkulong nalang ako sa kwarto ko.

Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, laging mukha niya yung nakikita ko. Kung bibigyan niya ako ng pagkakataon, this time ipaglalaban ko na siya.

Flashback:

"Bakit?" tanung niya ng maluha luha.
"Elizabeth I'm very sorry" yun na lamang ang tangi kung nasabi.

"Iiwan mo ako? Aalis ka? Ng wala man lang sinasabi saakin? Bakit Jeh! Ganun na lang ba kadali sayong iwan ako?"

"Wag munang gawing mahirap pa ito Jane, mas mabuti tapusin nalang natin to habang hindi pa tayo sobrang nasasaktan!"

"Sobra akong nasasaktan Jeh! Sobra! Minahal mo ba ako?"

"Hindi kita minahal! At hinding-hindi kita mamahalin."

End of Flashback

Yun ang huling katagang sinabi ko sakanya, alam kung maling saktan siya. Pero ayoko mapahamak siya, ganun ko siya kamahal.

Kung pwede ko lang sanang itama ang nakaraan para hindi naapektuhan ang future. How I wish I can go back to the please just to fix everything.

P/S: Medyo hindi muna mahaba, but next time mahaba na :) Next update? I don't know hahaha Joke. Syempre pag madaming vote.

Once upon a love story (Janerome)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon