3 (Inlove o Bitter)

199 17 0
                                    

JANE:

Patapos na ang araw na ito pero ito parin ako nakahilata sa aking mahiwagang kama at nag iisip. Ang daming tanong ang gumugulo sa utak ko, mga tanong na hindi nahanapan ng kasagutan. Bakit ba kailangan pa niyang bumalik? Bakit ba kailangan niyang magparamdam ulit.

Tumayo ako mula kinahihigahan ko at humarap sa malaki kung salamin. Ang dami ng nagbago saakin, physically pero hindi emotionally. Dahil hanggang ngayon apektado pa din ako.  Binuksan ko ang kabinet na nasa gilid ko. Simula nung iwan niya ako hindi ko na tinangkang gamitin pa ang lahat ng ito. Binago ko ang pananamit ko, binago ko ang mga nakasanayan ko at binago ko ang dating ako. Ang mga bagay na ayaw ko noon pinilit kung gustuhin at ang mga bagay na gusto ko noon ay pinalit kung ayawan.

"Janey!" agad akong napalingon dun sa tumawag saakin si Yaya Martcha.

"Bakit po?"

"Umiiyak ba?" ganyan talaga si Yaya sobrang concern niya. " Alam mo bang matagal tagal na din nung huli kitang nakita sobrang nag iisip. Ano problema anak?"

"ahay!" isang buntong ang naisagot ko saka umupo sa tabi Yaya.

"Jane, alam kung may dinaramdam ka at kung ano man yun maari mo namang itanong sakin."

"Yaya! Bakit ba nagbabago ang isang tao?"

" Siguro upang mapabuti o di kaya'y gusto nilang tanggapin sila ng mga tao sa paligid o kaya'y sobra silang nasaktan."

"Sabi niyo saakin kayo tayo nasasaktan dahil may purpose. Na kaya tayo nasasaktan para matuto tayo. Pero bakit kapag nagmahal ka ulit paano mo malalaman na natuto kana?"

"Alam mo pag nagmahal ka dapat ready ka ring masaktan. Malalaman mong natuto ka kapag sa bawat desisyon na gagawin mo ay hindi mo kailan man pagsisisihan." isang makahulogang payo ang sinabi ni Yaya, tama siya dapat ready na ako. "Sge matulog kana mukhang pagod kana"

Kinaumagahan:
Pagkagising ko ay agad muna akong humarap sa salamin. At maiging pinagmasdan ang repleksyon ko. Sabado ngayon kaya walang pasok pero kailangan ko pa rin pumunta ng school. Nagtext kasi sakin si Ma'am Martcha na namove daw ang campaingn next week kaya naman pinapapunta kaming lahat ng SC sa school.

Pagkatapos kung maligo, ay nag ayos na ako. Black pants tapos crop top na color gray, tas Vans rubber shoes. Okay na siguro ito, sguro kaya nila nasasabing boyish ako dahil na din sa hilig kung mag rubber shoes.

Pagdating ko ng school ay dumiresto na ako sa SC room. Kompleto na sila maliban sakin at kay ma'am Mart.

"Buti naman dumating ka bes!" bati sakin ni Franz. "At buti naman naisipan mo pang pumunta dito."

Napuno naman ng tawanan ang buong room, kasama siya. Na halos tunawin na ako sa mga titig niya.

"Ang sama mo talaga!" sabi ko naman saka inirapan siya.

"Haha. Puro guys tingnan niyo si Jane mukhang blooming! Pumapag ibig ang aking bestfriend." nakakalokong sabi ni Franz. " Ano bes sinagot mo na ba si Tamarao? Na star player ng DU?"

"Ha ha ha! Pag ba blooming inlove agad? Di ba pwedeng inlove noon, umasa noon, nasaktan noon. At kaya blooming dahil nakamove on na ngayon." natatawa kong sagot, hndi ko alam kung paano ko nasasabi ito sa harap niya ngayon.

"Sarah Geronimo lang ang Peg mo Jane, o baka na inlove noon, umasa noon, nasaktan noon. At kaya blooming dahil nagmamahal ngayon." napuno nanaman ng tawanan. " Diba Jerome?"

"Oo nga Jane! Baka naman inlove ulit." panggagatong ni Princess na auditor namin.

"Kanino? Kay Ex?" pag sang ayon naman ni Jayde.

"Hot seat ang boyish niyong lola." dagdag pa ni franz.

Napasulyap naman ako sakanya upang makita ang reaksyon pero, maging siya mukhang naghihintay ng isasagot ko.

"Alam kayo, wag nga ako ang pagtripan niyo." sagot ko. "Hindi ako inlove okay."

"Eh ano Bitter?" tanong pa ni Franz. "Ikaw jerome satingin mo? Inlove or Bitter?"

Agad kung nilakihan ng mata si Franz. Napatahimik ang lahat, naghihintay ng isasagot niya.

"Malapit ng mainlove!" sagot niya habang nakatitig sakin.

Kakalbuhin ko na talaga ang baklang ito. Pero bakit parang namumula ako? Di pwede ito.

A/N: Mabagal po ang pagvovote, vote lang po ng vote and follow na rin. 

Once upon a love story (Janerome)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon