Part 3

1.2K 24 1
                                    

DUMATING din sa wakas ang pinaka hihintay na informal reunion ng magkakabarkada. Present ang original na tropa mula pa nung "Way Back Home" days. Nagdinner sila sa isang reserved area sa Yakimix Podium. Sabay na nakarating sa place sina Sam at Miles. Sumunod naman si Enchong na sinundo sina Julia at Kath. Pinaka huling dumating si Quen dahil galing pa ito sa pictorial.

"Akala ko pare i-indian-in mo na kami eh, 30minutes late ka." sabi ni Enchong kay Quen.

Napahawak naman sa batok si Quen. "Sorry ha, natagalan kasi mag pack up. May mga bumisita din sa set."

"Sino? ABS boss?" usisa ni Julia.

"Hindi... mga KathQuens." napatingin si Quen kay Kath na nakamasid din sa kanila.

"Ah talaga? Sino?" tanong naman ni Kath.

Inisa-isa ni Quen ang mga pumunta. "Kinakamusta ka nga nila eh. Parang gusto nila magka-reunion din."

Napatingin si Kath sa mga kasama. "O-oo ba, sa susunod, pag free t-tayo."

"Ehem ehem," OA na ubo ni Miles. "Baka may magselos nyan ha."

"Miles," singit ni Sam. "Syempre kakampihan natin tong tropa natin na si Quen. Wala naman syang ginagawang masama eh."

"Ano bang kampihan eh wala namang magkaaway? Hay naku, kumain na lang tayo. Let's, let's!" yaya ni Julia sa mga kasama.

Masaya naman silang kumain at nagkwentuhan, at nagpicture nang maraming-marami. Hindi pa sila nakuntento kaya nag punta pa sila sa isang miklteam palce sa Eastwood. Nang makarating doon ay ultimate kwentuhan ulit.

"Na-miss talaga nati ang isa't-isa no?" sabi ni Enchong.

"Naman! Baka years na ulit bago maulit 'to." sagot ni Julia.

Inabot na sila ng 1AM sa Eastwood bago nagkayayaan umuwi.

"Sam, sabay na ko sayo. Ikaw pinaka malapit sa house namin eh." ani Miles.

Tumayo na si Sam. "Sure, let's go."

"Hahatid ko na si Julia ha. Kath, ikaw?" si Enchong.

Nagtaka naman si Kath "Ha? Hindi mo ba ko isasabay? Kayo ni Julia ang sumundo sa kin ah." nanghahaba ang nguso nito.

"Oo nga naman, Enchong. Baka sa tin sya hanapin ni Tita Min -" di naituloy ni Julia ang sasabihin dahil siniko siya nang mahina ni Enchong.

"Eh ihahatid naman sya ni Quen, kaya okay lang yan. Diba Quen?"

"Ha?" sabay na sagot nina Kath at Quen.

Nang makabawi, "ah, oo, okay lang Kath. ako na maghahatid sayo." sabi ni Quen.

"Quen, out of the way. Sa Makati ka, QC pa ko." tanggi ni Kath.

"Ayos lang yan, Kath si Quen pa?" siguradong-sigurado na salo ni Enchong. "Diba pare?"

"Yeah, Kath. Ikaw pa, malakas ka sakin." biro ni Quen kahit ramdam nya na din ang tension sa obvious na pagma-matchmake ni Enchong.

"So, we're all good. Tara na." yaya ni Sam.

At umalis na silang lahat sa Eastwood.

----------

"QUEN." si Kath iyon, habang nakasakay na sila sa kotse on the way home.

"Bakit?" tumingin saglit si Quen sa babaeng nasa passenger seat niya.

"W-wala." biglang bawi nito.

"Bakit nga?" bahagyang natawa si Quen. "Sabihin mo na."

"Uhm, may itatanong lang ako..." panimula nito.

"Yes, ano yun?"

"Ah, ano kasi, uhm... tingin mo ba, seryoso sa kin si Dj?"

Natahimik si Quen. Hindi nya in-expect na si Dj ang topic nila. Kani-kanina lang ay ang saya nilang nagkukwentuan ng tropa. Sila ni Kath ang magkatabi, nagtatawanan, nagkukulitan. Nakalimutan na nyang may nag e-exist nga palang "Dj" sa buhay nila, sa buhay ni Kath. Masaya na sya kanina, pero all along, naaalala pala ni Kath ang ibang lalaki sa presence nila ng tropa... sa presence nya.

Pinili ny na din na agutin ito, kahit masikip sa dibdib. "Tingin ko naman, oo. Diba nung... nung magkakasama pa tayo sa Princess & I, nakikita ko naman yun." Yeah, those days. He sighed in his mind.

"Hindi ko pa kasi sya sinasagot." Huminto ito, nakatingin kay Quen na noon ay naka pako na ang tingin sa kalsada. Trying to hide from Kath. "Pero sabi nya maghihintay sya."

"Ah," napa tango-tango si Quen at nag smile ng kaunti. "That's good."

"Kung ikaw ba... hanggang gaano ka katagal maghihintay... kung ikaw si Dj?" she asked aain.

Kath, kung alam mo lang... "Ako? Ah... syempre, kung mahal ko, kahit gaano katagal. Kung sigurado ako sa feelings ko, gusto ko dapat sigurado ka din sa feelings mo... i mean, yung taong mahal ko. Dapat sigurado syang mahal nya ko." Ayyy, Quen, umayos ka, sabi nito sa isip.

Nakatitig pa rin si Kath kay Quen. Si Quen naman, alos pagpawisan na kahit malamig ang aircon.

"Parang hindi pa rin kasi ako ready..." ani Kath.

"Pero... sigurado ka namang gusto mo sya diba?" Oh man, i'm such a hero. Argh.

Hindi nakasagot agad si Kath. "Lagi kasi kaming makasama, kaya parang hindi ko na naiisip kung... ah... basta, nasanay na ko na nanjan siya at nandito ako para sa kanya."

"Kaya ka ba napapaisip ngayon kasi hindi mo sya kasama?" Quen probed.

"Siguro nga." nagyuko si Kath.

Quen sighed. "Ang mabuti pa, pag usapan nyo na lang yan pag bumalik sya. Para malinaw. Para... hindi ka na mahirapan."

Tumingin ulit si Kath kay Quen. Ngumiti. "Oo nga. Salamat." humawak si Kath sa isang braso ni Quen na nakahawak sa manibela.

Nagulat si Quen, pero nakabawi agad. Tinapik niya ang kamay ni Kath na nakahawak sa kanya. "Wala yun, ayos lang, yun. Friends tayo eh."

"Yeah, friends..." sagot ni Kath.

Maya-maya pa, nakarating na sila sa bahay ni Kath dahil wala namang traffic. Hindi na nakapag paalam si Quen sa parents ni Kath dahil tulog na ang mga ito.

My Reality is You (a KathQuen fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon