I dedicate this latest update to Jamkins04 na author ng favorite KathQuen story ko dito sa Wattpad - "Minsan, sa buhay ng batugan". I really love dat story!!! <3
Don't forget to VOTE and COMMENT po... if feel nyo lang. =)
----------
"HI LITTLE DASHO!" bati ni Quen sa dog na hawak ni Kath. Malaki na ito at tumaba, katulad din ng ka-partner nito na si Little Areeyah na nasa bahay naman ng ma Gil.
"Ang cute nya noh? Babing-baby nga yan dito sa bahay eh." inabot muna ni Kath ang alaga kay Quen na nilalaro-laro ito. Nandoon sila sa garden ng bahay nina Kath.
"Mukha nga eh. Ang taba o." tinaas pa nito ang aso.
"Picture tayo!" suggestion ni Kath.
"Sige." nag pose na si Quen hawak si Little Dasho. Lumapit naman si Kath at ito ang naghawak ng camera phone.
"Smile!" sabi ni Kath sabay click. Tiningnan nila ang picture. "Ay, mejo putol ka. Pero pwede na."
Binigay ni Quen ang pomeranian dito. "Akin na, ako naman magpipicture."
Lumapit ulit si Kath para magcompress sila sa screen. Ilang inches na lang ang pagitan nila. Pag click ni Quen, sabay pa silang napatingin sa isa't-isa.
"Ah... patingin nga." unang bumawi si Kath. Inabot nya ang phone dito. "Yan, ayos na." ngumiti ito sa kanya.
"Ah..." Umikot ang paningin ni Quen sa paligid. "Na-miss ko tumambay dito ah."
"Ikaw kasi eh, hindi ka na dumadalaw tulad dati." sagot ni Kath habang patuloy pa rin ang pag tingin ng palit-palitan sa dalawang pictures na nakuha nila.
Napatingin si Quen sa kanya. "Eh... welcome ba naman ako kung lagi akong pupunta dito?"
"Oo naman!" mabilis na sagot ni Kath. "I mean... bakit naman hindi?"
Hindi nagsalita si Quen, nakatingin lang siya sa kasama.
"Quen... Ayokong isipin... at ayokong mangyari na yung friendship namin ni Dj, kapalit nun yung pagkawala nung sa tin." malungkot na nagyuko ng ulo si Kath.
Ibinaba muna ni Quen si Little Dasho. "Kahit naman anong mangyari, hindi maawala yung friendship natin. Nagkikita pa rin naman tayo, nagkakatrabaho... hindi mabubura yun -"
"Nagseselos sya sayo." nakayuko pa rin na sabi ni Kath.
Lalong hindi malaman ng binata ang isasagot. He sighed. "At ayaw mo syang magselos?"
Napabuntong-hininga si Kath. "Sobrang inaalagaan ako ni Dj. Lahat ginagawa nya mapasaya lang ako. At naappreciate ko lahat ng efforts nya... mahalaga sakin ang nararamdaman nya."
"Gusto mo bang..." Damn, do i really have to ask this? "gusto mo bang lumayo ako para hindi sya masaktan?"
Hindi sumagot si Kath. Nakatingin lang ito sa mga bermuda grass na tinatapakan nila.
Tumayo si Quen bago nagsalita. "I guess -"
"Quen." hinawakan ni Kath ang isang kamay nya. "Wag."
Hinigpitan niya ang kapit dito. "Uuwi na ko. Ikaw din, pumasok ka na and rest. Bukas na babalik si Dj." sabay bitaw at dere-derechong lumabas ng gate.
Naiwan si Kath na nakaupo. Maya-maya lang ay tunog ng papalayong kotse ang narinig nito.
BINABASA MO ANG
My Reality is You (a KathQuen fanfic)
FanfictionHi! Since ang daming exposure ni Enrique Gil sa tv nung Sunday, including The Buzz guesting nila ni Kathryn Bernardo, na-inspire ako magsulat ng story/fanfic for them. This is for KathQuen lovers okay? So kung ayaw nyo sa kanila, wag na lang po magb...