Part 21

1K 26 8
                                    

"Guys, pack up na."

Sa wakas ay makakapag pahinga na din sina Quen at Julia. Bumalik sila sa beach resort sa Batangas noong Monday pagkatapos ng ASAP launch nila. Naka tatlong araw na din sila doon at nakuhanan na lahat ng kailangang eksena kaya nakapag pack up na sila.

Tumingin si Quen sa wristwatch. "Sakto, 8PM. Kain na tayo ng dinner kasama nila?" tanong niya kay Julia.

"Ay wag na, kumain na lang tayo sa iba..." tanggi nito.

Napakunot naman ang noo ni Quen, nagtataka dito. "Bakit, ayaw mo kumain kasama sila?" tinuro pa niya ang ibang staff and crew.

Napakamot sa ulo si Julia. "Hindi naman, may ano lang... ah, may nakita akong mukhang masarap kainan banda dun o," tumuro ito sa malayo. Malaki ang resort sila kaya madaming establishment sa loob.

"Tayong dalawa lang?" he confirmed.

"Oo. Kasi hindi naman sasama yang mga yan, pare-pareho lang kinakain nila araw-araw," she explained.

"Gusto mo tanungin ko kung may gusto sumama?" umakto si Quen na pupuntahan ang mga katrabaho.

Pinigilan siya sa braso ni Julia. "Uy, wag na. Sige na, samahan mo na ko. Tsaka... ano kasi, may sasabihin ako sayo," pagdadahilan nito. "Oo, importante. Bawal may ibang makaalam."

Lalo siyang nagtaka dito. She was acting weird. "May sasabihin ka sa kin? Ano ba yun?"

"Basta, doon na lang. Tara na," yaya nito pabalik sa hotel. Kukunin daw muna nito ang wallet.

Wala nang nagawa si Quen kundi sumama dito. Tutal, last night na naman nila doon, might as well try other place to eat nga naman.

Pero sa sasabihin ni Julia, bakit parang kinakabahan ako?, he thought.

----------

NAKARATING na sila sa resto na sinasabi ni Julia. Mejo long walk ito mula sa hotel pero sulit dahil nakita ni Quen na maganda ang lugar. Native inspired ito, may mga coconut products designs, at gawa sa bamboo ang pader paligid.

"Dito na tayo," tumuro si Quen ng isang table for 4. Ayaw nya namang magmukhang intimate dinner iyon for two kaya mejo may kalakihang table ang kinuha niya. Uupo na sana siya ng pigilan sya ni Julia.

"No, doon tayo sa taas," hinila siya nito paakyat ng hagdan. Buti na lang, walang masyadong tao dahil hindi pa naman summer at weekday pa. Mga foreigners ang karamihan na nandoon.

Sumunod na lang siya kay Julia at pagdating sa taaa ay pumasok sila sa function room. May naka set up na table for 2 at may nakalagay sa ibabawa na "reserved". Nanlaki ang mata nya.

"Hey Julia, dito talaga tayo kakain? Pinareserve mo?" turo niya sa signage.

"Wag ka nang matanong," ngumiti ito. "Sige na, upo na."

Alanganin siyang lumapit sa mesa. "Bakit?" tanong ulit niya. Talagang hindi nya maintindihan ito.

"Ang kulit," she rolled her eyeballs. "Sabi nang wag na magtanong eh."

Kumapit si Quen sa backrest ng upuan pero hindi naupo. Si Julia ay nakatayo rin, nakahalukipkip. Nagsusukatan sila ng tingin.

"Anong sasabihin mo? Sabihin mo na lang pero doon na lang tayo sa baba," suggestion ulit ni Quen. Hindi siya komportableng sila lang ni Julia ang nandoon, na may napaka romantic na set up. Pano kung mabalitaan iyon ng press at ipakalat pa? Paano kung makarating kay Kath? Baka mawala na ng tuluyan ang pag-asa niyang makuha ang loob ng babaeng mahal nya.

My Reality is You (a KathQuen fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon