Part 12

1K 25 5
                                    

I know, i know... sobrang nakakabitin yung last part. Kaya... teneeen! Part 12 na po tayo!

Thanks for the VOTES and COMMENTS. You keep this story going. <3

----------

DASHO QUEN CALLING...

Kulang ang word na "surprised" sa naramdaman ni Kath nang makita ang tawag na yon sa screen ng phone nya. Baka "shocked" pwede pa.

Akala ko ba ayaw nya kong makausap? naisip niya. Ayyy teka wait, baka bigalang ibaba!

She cleared her throat first before clicking the answer button. "Hello?"

"Hi Kath," bati ni Quen mula sa kabilang linya.

"Quen, napatawag ka?" Kath, magpaka-normal ka please, sabi nya sa utak.

"Gusto lang kita i-check... Sabi kasi ni Julia bigla kang umalis after the game." paliwanag ng binata. "Okay ka lang?"

"Ah, oo. Ayos lang naman ako. Uhm, ano lang kasi, naisip ko umuwi nang maaga kasi maaga din yung calltime bukas sa guesting," palusot nya pero totoong may guesting siya kinabukasan. Hindi nya lang masabi kay Quen na umais sya dahil na-badtrip sya kay Dj.

"I see." sagot nito. "Akala ko na-bore ka sa game namin eh." biro pa nito. Kath knew he was smiling.

Napangiti din si Kath. "Syempre hindi. Ang galing mo kaya." nadulas na sabi nya. Matagal na siyang hanga sa talent ni Quen sa basketball. It was his other side and he excelled in it. There, I said it. Wala nang bawian.

"Talaga?" he asked in that weh-hindi-nga tone.

"Oo, promise!" she reaffirmed. "Congrats nga pala, Best Player. Manlibre ka naman. May cash prize yun diba? Haha." she even laughed.

Quen also laughed from the other line. "Ah ganun? Ganun ha? So kaya mo ko binobola, magpapalibre ka lang pala."

"Hindi, hindi, joke lang," sabay bawi ni Kath. "Maganda talaga yung ginawa mo kanina."

"Okay, sabi mo eh." he gave in. "Nasaan ka na pala? Nakuwi ka na?"

"Hindi pa, nasa car pa. Ang traffic kasi." aniya na lumingon-lingon pa sa paligid. Halos di umuusad ang mga sasakyan.

"Ako din. Paglabas pa lang ng Ultra, ang dami nang sasakyan." kwento nito.

"Oo nga eh. Ingat ka ha. Wala kang driver?" she enjoyed talking like this with him again. Kahit sa telepono lang.

"Wala. Ako lang. Actually, nakita kita sa labas kanina nung sumakay ka sa car nyo. Nagpasundo ka lang diba?"

"Yeah. Nasan ka nun?" nagtatakang tanong ni Kath.

"Nasa likod nyo ni Dj." sagot naman nito.

Nagulat siya. Oh my... "N-narinig mo?"

"Na nag-uusap kayo ni Dj? Hindi ko narinig, medyo malayo naman ako. Pero nakita ko kayo." he explained.

"Ah..." she said with relief.

"Kath... nag-away ba kayo?" concern was obvious in his voice.

"Kaya ka ba... kaya ka ba tumawag kasi nakita mong mukhang nag-aaway kami?" she wanted to be sure.

"Honestly, yes," pag-amin ni Quen. "Sorry Kath... Ayokong makielam. But i just wanted to check on you. Hindi ko na itatanong kung anong problema nyo. Pero, sana ayos ka lang."

"O-oo naman. Don't worry." she tried to sound cheerful.

"Good. Sige, magda-drive na ko. Ingat kayo pauwi." paalam nito.

"Okay. Ikaw din," ni Kah.

"Thanks," then he ended the call.

Hawak pa rin ni Kath ang phone at nakatingin sa screen nito. She could not get over it. Tumawag si Quen para i-check sya, para alamin kung okay lang sya, at nakipag kwentuhan pa.

Babalik na ba kami sa dati? Sana... sana, Lord.

At least, she knew that Quen still cared about her. She smiled at the thought. Piapagaan nito lagi ang loob nya... He never failed to do it.

Quen... Namalayan nya na lang na nagti-teary-eyed na sya.

---------

QUEN's feeling was still high, too.

Na-miss nya ang boses ni Kath. Na-miss nya ang makipag kwentuhan dito. Na-miss nyang biruin ito. Na-miss nyang patawanin ito. In short, miss na miss na nya ang babae.

How he wanted to talk to her after the game. Gusto nyang sabihin dito na ito ang inspirasyon nya habang naglalaro... parang noong mga nakarang Royal Game. Hindi man sila pinalad na mag-champion ng Team Jao, God knew how hard he practiced and played maipanalo lang ang mga laro na yun. Katulad nga nung sinabi nya nung Game 3. "I will not give up this fight", alam niyang totoong-totoo iyon sa puso nya. Dahil kay Mikay. Dahil kay Kath.

Pero alam niyang nung mga panahon na iyon, parang halos si Dj lang ang nakikita nito. He kept himself busy all the time para hindi mapansin ang mga ito. But at the end of the day, Team Gino won and he lost. Bagay na lalong nagpabigat sa mabigat na nyang dinadala.

At ngayon nga na nanalo ang team nya, at sya pa ang Best Player, he acknowledged that it was still for Kath. Gusto nyang lapitan ito at pasalamatan man lang sa panonood, kahit hindi nya na sabihing that win was for her, makausap lang nya ito. Dahil tama sina Julia at Sam, hindi nya dapat tinatapon ang friendship nila.

Pero hindi nya na ito nakita sa courtside. And worse, nang sundan niya ito sa labas ay seryoso itong nakikipag usap kay Dj. Nung umalis si Kath na mukhang galit, he got worried. At nainis sya kay Dj. Bakit nito ginagalit ang babaeng gusto nyang pangitiin? He might sound too much like Jao, pero iyon ang totoo.

Mahal nya si Kath. At wala syang ibang ginusto kundi pasayahin ito.

My Reality is You (a KathQuen fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon